05/10/2026
๐๐ฟ๐ธ๐ถ๐๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ก๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป!
Nakiisa ang College of Humanities and Social Sciences sa mga Arkista ng Bayan para sa kanilang pagdiriwang ng taunang World Architecture Day. Kasama ang konseho sa pagpapatampok at pagpapalakas ng mga kampanya ng mga arkista laban sa neoliberal na edukasyon, kakulangan ng espasyo para sa mga mag-aaral, at pagsusulong ng mas makabuluhang academic leniency sa ating pamantasan. Hindi lamang hiwa-hiwalay na usapin ang mga ito, kundi magkakaugnay na pagpapakita ng mga suliraning kinakaharap ng buong komunidad ng pamantasan sa ilalim ng neoliberal na sistema ng edukasyon.
Sa kasalukuyan, patuloy na nararanasan ng ating mga arkiskolar ang bigat ng neoliberal na edukasyon na nakatuon sa isang output-based na sistema. Nariyan ang kakulangan sa academic leniency at ang kawalan ng sapat, maayos, at ligtas na espasyo para sa mga estudyante, na lalo lamang nagpapahirap sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na buhay sa pamantasan. Hindi maihihiwalay ang mga suliraning ito sa patuloy na kakulangan ng pondong inilalaan para sa edukasyon. Higit itong nararamdaman sa gitna ng halos โฑ3 bilyong budget cuts sa edukasyon ngayong taon, na patuloy na humahadlang sa pagkakaroon ng sapat na pasilidad, espasyo, at serbisyong kinakailangan para sa dekalidad at makabuluhang edukasyon. Sa ganitong kalagayan, ang pagsusulong ng academic leniency, sapat na student spaces, at dagdag na pondo ay bahagi ng iisang kolektibong laban para sa karapatan sa edukasyon.
Bawat linya, porma, at istrukturang binubuo ng mga Arkista ng Bayan ay hindi lamang nagsisilbing disenyo, kundi nagsasalamin sa kolektibong pakikibaka para sa mas makatao at makabuluhang mga espasyo. Sa kanilang mga likha, hinahamon natin ang mga espasyong idinisenyo lamang para sa kapakinabangan ng iilan at isinusulong ang mga espasyong bukas at tumutugon sa pangangailangan ng lahat. Tulad ng espasyong ating ipinaglalaban, ipinaglalaban din natin ang edukasyong hindi nakatuon lamang sa produksyon ng output, kundi nagbibigay ng sapat na panahon, pasilidad, suporta, at kondisyong kinakailangan upang tunay na matuto at makilahok ang mga estudyante.
Kaya naman, dapat nating palakasin ang kolektibo at sama-samang pagkilos ng buong komunidad ng pamantasan. Kasama rito ang patuloy na pagsusulong ng Fund the HUMSSโang panawagan para sa sapat na pondo para sa Humanidades at Agham Panlipunan at para sa mga pasilidad at espasyong kinakailangan ng mga estudyante. Ang laban para sa mga Arkista ng Bayan, ang laban para sa academic leniency, ang laban para sa sapat na espasyo, at ang laban para sa dagdag na pondo sa edukasyon ay bahagi ng mas malawak na kolektibong pakikibaka para sa isang pamantasang tunay na naglilingkod sa mga estudyante at sambayanan.
Labanan ang neoliberal na sistema ng edukasyon! Igiit ang dagdag na pondo para sa edukasyon, Humanidades, at Agham Panlipunan! Ipaglaban ang sapat, ligtas, at demokratikong espasyo para sa mga mag-aaral! Ipagtanggol ang academic leniency! Isulong ang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon para sa lahat!