24/04/2026
๐จ๐ฃ ๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ข ๐ ๐๐ก๐ง๐๐๐จ๐ช๐๐๐๐ฌ
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐๐ก๐๐๐ฅ ๐๐ก๐๐๐จ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ง๐ฌ
Sa ginanap na DULA 2026, kinikilala ng UP Mindanao Mentefuwaley ang mahalagang hakbang pasulong ng komunidadโisang taong malayo sa naranasan nating diskriminasyon noong DULA 2025. Kung saan noong nakaraang taon ay pinahinto ang mga trans na atleta at naging lantad ang mga transphobic na pahayag, ang DULA 2026 ay naisagawa nang walang naitalang insidente ng gender-based discrimination laban sa mga atleta, anuman ang kanilang pagkakakilanlan.
Ito ay patunay na ang sama-samang paninindigan ng mga estudyante, organisasyon, at mga kaalyado ay may kakayahang magbunga ng konkretong pagbabago. Ang pagkilala sa karapatan ng mga trans, non-binary, at iba pang kasapi ng LGBTQIA+ community na makilahok batay sa kanilang sariling identidad ay isang mahalagang tagumpay hindi lamang para sa DULA, kundi para sa buong pamantasan.
Gayunpaman, hindi dito nagtatapos ang laban. Ang isang insidenteng wala ngayong taon ay hindi nangangahulugang tuluyang ligtas at inklusibo na ang espasyo. Ang tunay na inklusibidad ay hindi dapat nakadepende sa kawalan ng reklamo, kundi sa pagkakaroon ng malinaw, matibay, at makataong mga polisiya na aktibong nagpoprotekta sa lahat. Patuloy naming paninindigan ang pangangailangan para sa institusyonalisadong gender-inclusive guidelines, mas episyenteng mekanismo sa pagresponde sa harassment, at isang administrasyong tunay na nakikinig at kumikilos para sa kapakanan ng mga estudyante.
Ang DULA 2026 ay isang paalala na posible ang pagbabagoโngunit ito ay dapat pangalagaan, palawigin, at ipaglaban araw-araw. Hindi sapat ang isang hakbang pasulong kung may posibilidad na umatras muli.
Patuloy ang aming panawagan: gawing tunay na ligtas, inklusibo, at makatarungan ang UP Mindanao para sa lahat.