14/08/2026
๐๐จ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ค๐ฒ๐๐ญ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐ก๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ญ
โ๐ด๐๐๐๐, ๐ฏ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐โ
๐๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐๐ฆ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ
(๐๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ)
๐๐๐ค๐ฌ๐: ๐๐๐ซ๐ข๐, ๐๐๐ฒ๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ญ
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
๐. ๐๐๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง:
Aming mapagmahal na Diyos, sa siyam na araw na ito ng aming paghahanda at pananalangin, lumalapit kami sa Iyo sa pamamagitan ng aming Ina, si Maria, na Iyong inakyat sa kaluwalhatian ng langit.
Sa kanyang buhay ng kababaang-loob, pananampalataya, at pag-ibig, nawaโy matuto kaming maging tapat sa aming misyon bilang mga Ateneans. Gabayan Mo po kami sa nobenang ito upang lalo naming mahalin si Hesus na kanyang Anak, at sundin ang Iyong kalooban sa aming araw-araw na buhay.
Mahal na Ina ng Pag-aakyat sa langit, ipanalangin mo kami.
๐๐. ๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ๐๐ง:
Ebanghelyo ni San Lucas (1:46-47)
โAng puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas,โ
๐๐๐. ๐๐๐ ๐ง๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฒ:
Lahat ng ginawa ni Maria ay papuri sa Diyos. Sa pagtatapos ng nobena, nawaโy ang ating buhay ay maging salamin ng pag-ibig ng Diyos.
๐๐. ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ :
Mahal na Ina, maghari ka sa aming mga puso at gabayan ang aming Ateneo family. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesus. Amen.
๐. ๐๐๐ ๐๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐
Aba, Ginoong Maria napupuno ka ng grasya. Ang Panginoon ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang โyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos. Ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kamiโy mamamatay. Amen.
๐๐. ๐๐๐ง๐ ๐ฐ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง:
Mahal na Birheng Maria, Ina ng Pag-aakyat sa Langit, ikaw ay aming huwaran sa pananampalataya, kababaang-loob, at pag-ibig. Iniaalay namin sa iyo ang aming pag-aaral, pamilya, paaralan, at kinabukasan. Ipanalangin mo kami, upang tulad mo, matuto kaming magsabi ng โooโ sa Diyos araw-araw, at marating ang kaligayahang walang hanggan. Amen
๐ด๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐.
๐บ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐ ๐
๐ ๐ณ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐.
๐บ๐๐ ๐ฑ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐.
๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐. ๐จ๐๐๐.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.