06/07/2026
Pagbati sa mga nagsipagtapos na miyembro ng UP GeogSoc ngayong taong 2026! 🎓🌻
Ang oras na inyong inilaan para sa organisasyon ay hindi lamang sumasalamin sa inyong paninindigan at pagsisikap, kundi pati ang inyong pagtugon sa panawagan ng kahusayan, karangalan, at paglilingkod sa lipunan bilang mga Iskolar ng Bayan. Sa panahong bahagi kayo ng GeogSoc, magkasama nating binaybay ang daan tungo sa pagsulong ng disiplina ng Geografia.
Patuloy na magsisilbing gabay ang mga iniwan ninyong halimbawa sa amin sa pagpapatuloy ng mga layunin ng ating organisasyon. Sa pagtahak ninyo sa panibagong landas ng buhay, palagi ninyong dalhin ang mga aral, pagpapahalaga, at diwa ng paglilingkod na inyong naipamalas sa loob ng unibersidad.
𝗧𝘂𝗴𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝗺𝘂𝗵𝘂𝗯𝗼𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝗽𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝘂𝘁𝗮𝗻. 🌏
Padayon! 🌻✨️