UP Diliman College of Science Student Council

UP Diliman College of Science Student Council Tuloy ang daluyong ng paglaban. Pwersa ng masa ang sandigan.

, Siyentista ng Bayan!

The College of Science Student Council (CSSC) is the highest student governing body in the College of Science, mandated by the students to serve the UP community to the best of its ability. Since its inception, the CSSC has been at the forefront of addressing the concerns and the welfare of the College of Science and the UP Community. As โ€œmga Iskolar ng Bayan,โ€ the council has taken various forms of advancing the rights and welfare of the students and of the college.

KILALANIN ANG MGA SISIYASATIN.Kilalanin ang mga kandidato na sasalang sa CSiyasat 2026: The CSSC and USC Elections Mitin...
10/05/2026

KILALANIN ANG MGA SISIYASATIN.

Kilalanin ang mga kandidato na sasalang sa CSiyasat 2026: The CSSC and USC Elections Miting de Avance.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ:
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Registration
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Registration
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Registration

๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ:
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Questions
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Questions
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Questions

๐—–๐—ฆ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฆ๐—ฆ๐—– ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐— ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ ๐—”๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ
๐Ÿ“… ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿญ๐Ÿฎ, ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ - ๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
๐Ÿ“๐—–๐—ฆ ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฏ๐—ฏ๐˜†

Alamin. ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป. ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ.

DUMALO AT MAGTANONG.Huwag palampasin ang pagkakataong kilalanin ang mga kandidato at igiit ang ating mga panawagan! Duma...
10/05/2026

DUMALO AT MAGTANONG.

Huwag palampasin ang pagkakataong kilalanin ang mga kandidato at igiit ang ating mga panawagan! Dumalo at ipadala ang inyong mga katanungan para sa mga kandidatong sasalang sa CSiyasat 2026. Siyasatin ang kanilang magiging tugon sa mga isyung kinakaharap ng mga Siyentista ng Bayan.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ:
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Registration
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Registration
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Registration

๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ผ:
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Questions
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Questions
๐Ÿ”— tinyurl.com/CSiyasat2026Questions

๐—–๐—ฆ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฆ๐—ฆ๐—– ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐— ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ ๐—”๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ
๐Ÿ“… ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿญ๐Ÿฎ, ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ - ๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
๐Ÿ“๐—–๐—ฆ ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฏ๐—ฏ๐˜†

Alamin. ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป. ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ.

NOTICE OF RESIGNATIONResignation of Vice Chairperson BulaThe UP Diliman College of Science Student Council (CSSC), by un...
08/05/2026

NOTICE OF RESIGNATION
Resignation of Vice Chairperson Bula

The UP Diliman College of Science Student Council (CSSC), by unanimous vote of members present, has formally accepted the resignation of former Vice Chairperson Bula during its General Assembly 15 on April 28, 2026.

Vice Chairperson Bula submitted his letter of resignation prior to March 25, 2026, citing a grievance raised against him. In response, the CSSC immediately placed him under a thirty (30)-day preventive suspension, and initiated formal proceedings without delay, in accordance with its Constitution and internal rules.

An Investigative Body was convened, composed of the Councilโ€™s Executive officers: Chairperson Biglaen, CS Representative to the USC Quigao, Acting Vice Chairperson Carmona, Councilor Hernando, Councilor Juntilla, and IC Representative De La Viga, pursuant to Rule II, Section 1 of the CSSC AY 2025โ€“2026 House Rules.

Throughout the entire process, the Council remained in close coordination with the complainant and the concerned office/s to ensure that all actions taken โ€” including internal discussions and external disclosures โ€” are aligned with their consent and welfare, and did not interfere with existing procedures.

The Investigative Body reported that the Council did not receive an official document/narrative directly from the complainant of the concerned office/s. The CSSC was instead informed, through confidential email correspondence, that the parties had already reached a resolution through appropriate channels. In respecting this process, the Investigative Body based its review and recommendations only on information that could be formally and ethically acted upon.

Given these constraints, and in consideration of the developments communicated through proper channels, the CSSC determined that it is not in a position to independently impose disciplinary action within its mandate. Thus, the Council formally resolved to accept the office/sโ€™ recommendation to accept Vice Chairperson Bulaโ€™s resignation.

The Council emphasizes that the acceptance should not be understood as condoning the officer, nor a dismissal of the gravity of the misconduct mentioned in his resignation letter, but rather as a decision shaped by respect for confidentiality and welfare.

In the same General Assembly, the Council adopted the following recommendations of the Investigative Body:

(1) Terminate formal proceedings within the Council, without prejudice to any agreements or conditions set by the concerned office/s;
(2) Review and strengthen Council protocols in handling cases involving sensitive complaints;
(3) Conduct a Council debriefing and post-case assessment, in consultation with relevant offices; and
(4) Institutionalize capacity-building initiatives for Council members, including training on psychological first aid, gender sensitivity, and trauma-informed responses

The CSSC underscores that any form of misconduct that undermines safety, dignity and trust within the community has no place in the Council. We reaffirm our commitment to due process, accountability, and the careful and responsible handling of sensitive matters. The Council remains steadfast in fostering a safe, inclusive, and responsive space for the College of Science community.

Sa panahong patuloy na tahasang pinababayaan ang sektor ng agham at teknolohiya sa bansa, higit kailanman ay kinakailang...
06/05/2026

Sa panahong patuloy na tahasang pinababayaan ang sektor ng agham at teknolohiya sa bansa, higit kailanman ay kinakailangan natin ng mga lider-estudyanteng walang-takot na titindig para sa karapatan ng sangkaestudyantehan at ng batayang masa.

Bilang tugon sa hamon ng panahon, inihahandog ng UP Diliman College of Science Student Council at ng Scientia ang ๐—–๐—ฆ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: isang malayang espasyo upang direktang kilatisin ang mga kandidato sa gaganaping halalan. Ito ang pagkakataon upang pakinggan ang kanilang mga plataporma at hamunin ang kanilang mga tindig sa maiinit na mga isyu sa loob at labas ng pamantasan.

Ngayong lalong pinatitindi ng estado ang panunupil, at pagpapatahimik sa mga progresibong boses habang walang habas nilang pinapaslang ang kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino, hindi maaaring magsawalang-kibo ang mga Siyentista ng Bayan. Tungkulin nating maging mapanuri at patuloy na hamunin ang mga nais kumatawan sa atin.

๐—–๐—ฆ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฆ๐—ฆ๐—– ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐— ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ ๐—”๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ
๐Ÿ“… ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿญ๐Ÿฎ, ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ - ๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
๐Ÿ“ ๐—–๐—ฆ ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฏ๐—ฏ๐˜†

Huwag hayaang mabusalan ang ating mga panawagan. Padagundungin ang boses ng mga iskolar at siyentista sa parating na halalan! ๐Ÿ—ณ๏ธ

Alamin. ๐—ž๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป. ๐˜š๐˜ช๐˜บ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ.

MGA ISKOLAR NG BAYAN, ISULONG ANG MAKABAYANG DIWA NG NEGROS 19! MAGWALKOUT PARA SA HUSTISYA! PAGPUGAYAN SI ALYSSA ALANO!...
05/05/2026

MGA ISKOLAR NG BAYAN, ISULONG ANG MAKABAYANG DIWA NG NEGROS 19!

MAGWALKOUT PARA SA HUSTISYA!
PAGPUGAYAN SI ALYSSA ALANO!

Kinikilala ng UP Diliman University Student Council (USC) ang buhay ni Alyssa Alano sa unibersidad bilang isang mahusay na lider-estudyante at organisador ng mga kapwa iskolar ng bayan. Dala ang anti-imperyalistang diwa, nanguna sa serye ng malalaking walk-outs, kampanya kontra pasismo at korapsyon. Nakiisa sa ibaโ€™t ibang kampanya ng komunidad mula karapatan sa lupa, pabahay, at kabuhayan at sa pagigiit sa karapatan ng komunidad ng UP Diliman.

Ang kanyang pagkamartir sa kamay ng pasistang Armed Forces of The Philippines, kasama ang mga kapwa organisador, manggagawang kultural, alagad ng midya at manunulat na sina Maureen, Errol, RJ, Lyle, at Kai, at ang tatlo pang sibilyan sa Komunidad ng Toboso, ang manipestasyong ng matinding milititarisasyon at pamamasismo ng AFP at ng Estado upang protektahan at pagtakpan ang pangyuyurak ng mga malalaking korporasyon sa lupa ng Negros Occidental. Pinapatunayan ng AFP kung sino nga ba ang tunay na terorista sa gitna ng pag masaker sa mga aktibista at organisadorโ€”Walang kapatawaran ang pagpatay sa mga mapangahas na nagtungo sa Negros upang pag-aralan at ipaglaban ang mahabang kasaysayan ng pakikibaka ng uring anakpawis sa rehiyon.

Hanggang sa kanyang huling hininga, walang kapagurang pinag-aralan ni Alyssa ang lipunan, at patuloy niyang pinaglingkuran ang sambayanan. Matatandaan ang kanyang walang kapagurang panghihikayat sa mga kapwa-iskolar ng bayan na makiisa at makibaka upang igiit ang karapatan sa akademikong espasyo, sa mga espasyo ng pag-aaral at kalinangan.

Kung kayaโ€™t hinihikayat ng UP Diliman University Student Council na tanganan ng bawat Iskolar ng Bayan ang diwang makabayang binitbit ni Alyssa mula pagkabuhay hanggang sa eternal na ala-ala! Ang kanyang paglaban para sa karapatan ng sangkaestudyantehan, ng mga magsasaka, ng mamamayang Pilipino, ay marapat na parangalanan at ipagpatuloy sa higit na nakakataas na antas ng pagkatutong lampas pa sa apat na sulok ng kwarto ng Unibersidad. Hinihikayat ng kanyang militanteng diwa, na tayo rin bilang mga Iskolar ng Bayan, ay ituon ang husay at talino upang maglingkod at pag-aralan ang lipunan, paglingkuran ang sambayanan!

Sama-sama nating pagpugayan ang eternal na buhay ni Alyssa! Sama-sama nating ipanawagan ang hustisya! Sama-sama nating ipaglaban ang karapatan ng mamamayan! Mula lungsod, patungong kanayunan!

MAGWALKOUT PARA SA HUSTISYA!
11:30 AM โ€” Mass up @ AS Steps
12:00 NN โ€” Simula ng programa
1:00 PM โ€” Simula ng vigil

๐”๐๐•๐„๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐† ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐„๐๐‚๐„๐ƒ. ๐Ÿ‘พWe are excited to reveal that we have ๐Ÿฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜€!Come show your support by participatin...
26/04/2026

๐”๐๐•๐„๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐† ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐„๐๐‚๐„๐ƒ. ๐Ÿ‘พ
We are excited to reveal that we have ๐Ÿฑ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐˜€!
Come show your support by participating in our special voting event! The band that gets ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—บ๐—ผ๐˜€๐˜ ๐—ช๐—ผ๐˜„ (๐Ÿ˜ฒ) ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜€ will be awarded as the ๐™›๐™–๐™ฃ ๐™›๐™–๐™ซ๐™ค๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™š.
Voting period ends at April 29, 2026 - 11:59 PM.
๐Ÿ”— Follow our updates and ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฐ๐—ธ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฐ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ:
https://bit.ly/KantahanSaKasciyahanPrimer
https://bit.ly/KantahanSaKasciyahanPrimer
https://bit.ly/KantahanSaKasciyahanPrimer
As the vibrations and pulses amplify and fill the open air, prepare for chaos and disorder. โšก๐Ÿ”Š๐Ÿ”ฅ

Along with:
UP Data Science Society

[LEAVE OF ABSENCE]The following UP Diliman College of Science Student Council officials have formally filed for leaves o...
26/04/2026

[LEAVE OF ABSENCE]

The following UP Diliman College of Science Student Council officials have formally filed for leaves of absence to participate in the upcoming 2026 University and College Student Council Elections:

- Chairperson Sergio Manuel B. Biglaen
- NIP Representative Clarence Joseph C. de Vera

Approved during General Assembly 14 last April 23, 2026, these leaves allow both officers to temporarily step back from their duties until May 21, 2026*. Orderly turnovers of responsibilities have been arranged to guarantee continuity in the Council's service to the student body.

Environmental Concerns Councilor Claire Marie Hernando will stand as the Acting Chairperson for the time period.

* Given adjustments with regards to the UPD USC Elections Calendar, the LOA for both officials have been extended to May 21, 2026, the last day of elections.

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANOLubos na nakikidalamhati ang mga Siyentista ng Bayan sa pamilya, mga kaibigan, at mga kasa...
23/04/2026

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO

Lubos na nakikidalamhati ang mga Siyentista ng Bayan sa pamilya, mga kaibigan, at mga kasama ni USC Councilor Alyssa Alano.

Kabilang si Alyssa sa mga pinaslang noong Abril 19 sa Toboso, Negros Occidental, matapos ang walang habas na pagpapaulan ng bala ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines sa komunidad ng Barangay Salamanca na nagdulot ng sapilitang paglikas ng 653 pamilya.

Kilala si Alyssa bilang masikhay na lider-estudyante at anti-imperyalistang aktibista mula sa UP Diliman. Hindi siya nagpakulong sa loob ng pamantasan upang pag-aralan ang lipunan. Pinili niyang makipamuhay sa hanay ng mga magsasaka sa Negros upang tunay na maunawaan ang kanilang kalagayan.

Hinaharap ng isla ng Negros ang malawakang pangangamkam ng lupa, matinding militarisasyon, at tuloy-tuloy na pandarahas laban sa mga magsasakang Negrense. Sa gitna ng lumalalang krisis, malinaw na sinasalamin ng ganitong karahasan ang patuloy na panunupil ng estado sa mga mamamayang lumalaban para sa kanilang karapatan.

Hindi nag-iisa si Alyssa. Libo-libo na ang naging biktima ng pamamaslang at tinatakan bilang โ€œteroristaโ€ dahil sa kanilang pakikibaka para sa hustisya at karapatan. Kasama ni Alyssa sa listahan ng inutang na dugo ng estado si Dr. Leonard Co ng Kolehiyo ng Agham.

Hanggaโ€™t hindi tinutugunan ang ugat ng kahirapan, patuloy na tutungo ang mga kabataan sa mga komunidad upang pag-aralan ang lipunan at lumaban kasama ang marginalisadong mamamayan. Saksi ang buong UP Diliman sa mapangahas na pakikibaka ni Alyssa kasama ang mga kabataan, magsasaka, at lahat ng masang api kung kaya't hindi mapapalabnaw ng mga gawa-gawang naratibo ng estado ang kanyang militanteng diwa.

Ang pagpaslang kay Alyssa, bagaman kabawasan, ay mabigat na balita sa ngayoโ€™y nagluluksang pamantasan. Sa kabila ng lungkot, higit na nangingibabaw ang galit at tapang upang maningil ng hustisya at ipagpatuloy ang laban para sa isang lipunang malaya sa pananamantala at pang-aapi.

Sa paglabas ng listahan ng mga bagong Iskolar ng Bayan, nawaโ€™y magsilbing paalala si Alyssa sa tunay na diwa ng pagiging Iskolar ng Bayanโ€”ang paglingkuran ang sambayanan.

Maningning na ipagpatuloy ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!
Iskolar ng Bayan, Bayani ng Sambayanan!

STATEMENTNoong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippine...
22/04/2026

STATEMENT

Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan.

Kaugnay nito, ibinabalita ng UP Diliman University Student Council na isa sa mga nasawi ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano dahil sa pasistang atake at panunupil ng militar sa Negros.

Mariing kinukundena ng UP Diliman USC ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa na isang inosenteng sibilyan.

Lubos ding tinututulan ng UP Diliman USC ang karumaldumal at paulit-ulit na paglabag ng reaksyunaryong gobyerno at ng kanilang mga mersenaryo sa karapatang pantao ng mamamayan ng Negros at maging sa mga aktibistang sumasandig sa laban ng masang api.

Sa kasalukuyan, si Councilor Alano ang Education and Research Councilor ng USC UP Diliman.

Nakipamuhay at nakipag-aralan si Alyssa sa hanay ng mga kapatid nating magsasaka mula sa Negros upang alamin ang kanilang tunay na kalagayan sa harap ng pangangamkam sa lupa, pagsasamantala, at militarisasyon.

Nananatili ang Negros bilang isa sa mga rehiyong may pinakamatinding militarisasyon at paglabag ng karapatang pantao. Pinaigting ng Memorandum Order 32, na naglagay sa Negros sa โ€œState of Lawless Violenceโ€, ang pagtaas ng presensya at operasyong militar sa rehiyon.

Walang habas ang mga mersenaryo sa pangangamkam ng lupa at pananamantala. Tumitindi ang pandarahas, pandadakip, at pagpatay ng mga magsasakang Negrense.

Nakita at naintindihan ni Councilor Alano ang kahalagahan sa paggamit ng kaniyang talino at lakas upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga estudyante at batayang sektor, lalo sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya.

Si Alyssa ay naging isang mahusay, masikhay, mapagmahal, at dakilang lider-estudyante at tunay na anak ng bayan.

Nagluluksa ang konseho at buong komunidad ng UP sa pagkawala ni Alyssa. Mahigpit ding nakikiramay ang konseho sa kanyang mga naiwang pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay.

Buong tapang at buong pusong tinanggap ni Alyssa ang hamon sa bawat Iskolar ng Bayanโ€“ang paglingkuran ang sambayanan. Hinding-hindi natin siya malilimutan.

Nalulungkot ang buong konseho sa pangyayari, ngunit higit dito, pinipili ng UP Diliman USC na buong tapang at buong tatag na ipagpatuloy ang laban para sa hustisyang panlipunan at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng kasalukuyang nabubulok na estado.

Hanggaโ€™t hindi nabibigyan ng solusyon ang ugat ng kahirapan, marami pa ang katulad ni Alyssa na handang pag-aralan ang lipunan at magiging handang ipaglaban ang isang lipunang malaya sa pagsasamantala. Hinding-hindi mapuputol ang diwa ni Alano sa malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan na pahihigpitin pa lalo ang pagkakaisa para tuluyang magapi ang isang sistema ng lipunang mapang-api at mapagsamantala.

Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy natin ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!

Tumindig tayo, kasama ang bawat Iskolar ng Bayan, komunidad ng UP, at mamamayang Pilipino para sa tunay na kalayaan, katarungan, at hustisyang panlipunan!

Sumandig tayo sa laban ng mga magsasaka at lahat ng masang-api! Palakasin natin ang boses at pwersang yayanig sa sistemang mapang-api!

Alyssa, ang iyong buhay ay mananatiling isang maningning at matalas na tanglaw para sa bawat Iskolar ng Bayan, na patuloy na mangahas na makibaka at paglingkuran ang sambayanan!

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!

  | DEADLINE FOR DROPPING AND LEAVE OF ABSENCE (LOA)The Deadline for Dropping and filing a Leave of Absence (LOA) are as...
19/04/2026

| DEADLINE FOR DROPPING AND LEAVE OF ABSENCE (LOA)

The Deadline for Dropping and filing a Leave of Absence (LOA) are as follows:
- Dropping: April 23, 2026 (Thursday)
- Leave of Absence (LOA): May 7, 2026 (Thursday)

Please note that the procedures must be completed before the deadline in order for them to be processed.

For inquiries, directly contact the academic unit concerned.

If experiencing problems with the CRS website, (e.g. missing modules) you may email [email protected] or call 9 891 8500 local 4560 for support.

๐’๐“๐„๐Œ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜, ๐–๐€๐‹๐Š๐Ž๐”๐“ ๐๐Ž๐–! ๐’๐€๐˜ ๐๐Ž ๐“๐Ž ๐Ž๐ˆ๐‹ ๐๐‘๐ˆ๐‚๐„ ๐‡๐ˆ๐Š๐„!Sa bawat araw na lumilipas, patuloy ang paglala ng krisis pang-eko...
14/04/2026

๐’๐“๐„๐Œ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜, ๐–๐€๐‹๐Š๐Ž๐”๐“ ๐๐Ž๐–! ๐’๐€๐˜ ๐๐Ž ๐“๐Ž ๐Ž๐ˆ๐‹ ๐๐‘๐ˆ๐‚๐„ ๐‡๐ˆ๐Š๐„!

Sa bawat araw na lumilipas, patuloy ang paglala ng krisis pang-ekonomiya dulot ng gyerang agresyon sa pagitan sa US-Israel at Iran. Habang patuloy ang walang habas na pagkamal ng tubo ng gobyerno at ng malalaking kumpanya ng langis, lalo ring sumisikip ang sinturon ng masang Pilipino -- patuloy ang pagkahig subalit walang matuka.

Hangga't walang konkretong solusyon ang ating gobyerno sa krisis natin ngayon, patuloy pagdaluyong ng masang Pilipino sa lansangan upang palakasin ang ating panawagan sa pagsuspindi ng VAT at Excise Tax, ang pagbasura sa Oil Deregulation Law, ang pagsasabansa ng industriya ng langis, at ang pagtigil ng panggegyera ng US-Israel sa Iran.

Makilahok sa walkout bukas! Tanganan ang militanteng diwa ng mga Inhinyero ng Bayan!

Kondukta:
๐Ÿ—“๏ธ April 15, 2026
๐Ÿ•˜ 10:00โ€“10:30 AM | Snake Rallies
๐Ÿ•ค 10:30 AM | STEM Cluster Action @ CS Library
๐Ÿ•™ 11:00 AM | University Wide Action @ AS Steps

Address

Diliman

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Diliman College of Science Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UP Diliman College of Science Student Council:

Share