24/08/2026
๐๐๐, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌโ ๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Sa pagpasok ng bagong academic year, sinalubong ng Student Affairs and Services (SAS) ang 1,783 freshmen, transferees, shiftees, at returnees ng Jose Rizal Memorial State University-Dipolog sa General Studentsโ Orientation na ginanap sa campus gymnasium noong Agosto 14, 2026.
Pormal na sinumulan ang programa sa pambungad na mensahe ni Dr. Marvin A. Recapente ang JRMSU-Dipolog Campus Director, kung saan hinikayat niya ang mga bagong estudyante na yakapin ang kanilang pagiging bahagi ng komunidad ng JRMSU.
โNgayon ay simula at panibagong yugto ng inyong edukasyon,โ ani Dr. Recapente.
Ipinakilala naman ang ibaโt ibang tanggapan at kanilang mga serbisyo, kabilang ang student security and safety, library, guidance and counseling, health services, multi-faith services, culture and arts, student publication, student organizations, SSG, at StuFAPS.
Binigyang-diin ni Guidance Counselor July Anne S. Gahisan ang kahalagahan ng mga serbisyong maaaring makatulong sa mga estudyante, hindi lamang sa akademikong aspeto kundi pati sa paghubog ng kanilang karakter, pagpapahalaga, at pakikitungo sa iba.
Naging mas masigla naman ang programa sa mga aktibidad at trivia ni Dr. Eduardo C. Mira, Unit Head ng Student Publication, na nagbigay rin ng mensahe tungkol sa pagsusulat at pakikilahok ng mga estudyante sa journalism.
Samantala, tinalakay ni Campus Registrar Zyrel L. Cuerda ang kahalagahan ng pagpapa-validate ng EDP at iba pang prosesong may kaugnayan sa mga dokumento ng mga estudyante, kabilang ang mga hakbang para sa mga nakararanas ng problema sa online portal o internet connection.
Binigyang-diin naman ni Campus Nurse Fe Galaura ang kahalagahan ng kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante. Ayon sa kanya, maaaring magtungo sa campus clinic ang mga estudyanteng masama ang pakiramdam para sa libreng konsultasyon at gamot. Dagdag pa niya, โWell-being as success, is the same as academic success.โ
Nagbigay rin ng kani-kanilang impormasyon at paalala sina Prof. Ivo Mathew M. Siaton, Associate Dean ng Student Affairs and Services; Mr. Rustico L. Tolibas, Secretary ng Sports Unit; Prof. Josephine Adraincem, Unit Head ng Student Organization; Hon. Christian B. Icao, Vice President ng Supreme Student Government; Ms. Phonie B. Atienza Jr., Secretary ng Socio-Cultural Office, Ms. Kennah Mae Mayuga, President ng Supreme Student Government; Mr. Mark Andrew Bacorbo, Director ng Libraries; at Ms. Rechelle Sapuan mula sa Student Financial Assistance Program (StuFAPs), hinggil sa mga serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga estudyante sa loob ng unibersidad.
Ayon kay Jaira Villarino Saugon, isang first-year student, naging malinaw sa kanya ang mga impormasyong ibinahagi tungkol sa ibaโt ibang opisina, programa, at serbisyo ng unibersidad.
Aniya, โMas pinaka-helpful sa akoa kay ang mga organizations, services offered, and sa TES. Mostly mao jud siya ang common questions and interest if first-year student like me. Because of the orientation, natubag akong mga questions in mind.โ
Ibinahagi naman ni Felicity Azcuna mula sa CBA ang mga bagay na kaniyang natutuhan sa orientation, kabilang ang mga patakaran at regulasyon, iskedyul, mga dapat at hindi dapat gawin, at lokasyon ng mga tanggapan. Dagdag pa niya, โOne thing I will always remember is that you need to observe and socialize with other students, teachers, guards, and others.โ
Sa pamamagitan ng orientation, nabigyan ang mga bagong JRMSUans ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga tanggapan, serbisyo, at programang maaari nilang lapitan at mapakinabangan sa kanilang pananatili sa unibersidad.
Via | Ann-rea Saile, Charvey Mae Sumonda, at Norellaine Tulabing
Photos | Joven Retes
Layout | Chester Canturias