26/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐ฟ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐
Mga ka-Foundationite, handa na ba kayo?
Ngayong Buwan ng Wika, hindi lamang tayo magdiriwang, ipapakita rin natin ang ating talento, pagkamalikhain, husay, at pagmamahal sa kulturang Pilipino! ๐ต๐ญ
Kaya naman, inaanyayahan namin kayo na makilahok sa ibaโt ibang paligsahan at gawain para sa Buwan ng Wika! Mula sa mga tradisyunal na Larong Pinoy hanggang sa mga pagtatanghal at makabagong paraan ng pagpapahayag, may pagkakataon para sa bawat isa na maibahagi ang kanilang talento.
๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐
Ipakita ang inyong husay sa pagtatanghal at pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng awit, tugon, at indakโisang tradisyunal na pagtatanghal ng pag-uusap sa pamamagitan ng musika at sayaw ng lalaki at babae.
โ๏ธ ๐๐๐๐๐
Bigyang-buhay ang mga salita at damdamin sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag at sariling likhang balak sa wikang Bisaya. Ipakita ang inyong kaabtik sa paggamit sa kaugalingong pinulongan!
๐ช ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Balikan ang saya ng mga larong kinalakihan at ipakita ang inyong pagtutulungan, diskarte, husay, at pagiging maginoo sa laro!
๐ฑ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Gamitin ang inyong pagkamalikhain at kasanayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya upang maipakita ang wika, kultura, at buhay-Pilipino sa makabagong paraan!
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐/๐๐๐๐๐๐๐๐:
https://drive.google.com/drive/folders/1_cWu8WnFRHvIDoILsMBagqY2qVMKaM9V
Basahin nang mabuti ang mga alituntunin, kwalipikasyon, kinakailangang ipasa, at iba pang mahahalagang detalye bago sumali. Huwag palampasin ang pagkakataong maipakita ang inyong talento at maging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng ating sariling wika at kultura! ๐ต๐ญโค๏ธ
๐
August 28, 2026
โฐ 8:00 AM โ 5:00 PM
๐ FU Green & SSS Hall