31/08/2026
๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ง, ๐๐ฉ๐๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ค๐ข ๐๐๐ญ๐ข๐ง
Ang 246th Naval ROTC Unit โ Adamson University Corps of Sponsors ay naghanda ng isang pampanitikang bidyo bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Layunin nitong pagtuunan ng pansinin ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang bahagi ng ating pagkakakilanlan at tulay na nag-uugnay sa bawat henerasyon.
Sa paglipas ng panahon, patuloy ring nagbabago ang paraan ng ating pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan. Gayunpaman, nananatiling mahalaga ang sariling wika sa pag-iingat ng ating mga kuwento, kultura, at kaugaliang minana natin sa mga naunang henerasyon. Sa bawat salitang patuloy nating ginagamit, nabibigyan natin ng panibagong buhay ang mga kuwentong bumubuo sa ating pagka-Pilipino.
Bilang kabataan, nasa ating mga kamay ang pagpapatuloy at pagpapanatili ng wikang Filipino. Nawaโy gamitin natin ito nang may pagpapahalaga, maipasa sa susunod na henerasyon, at patuloy na pagyamanin bilang bahagi ng ating pagka-Pilipino. Sapagkat ang pagyakap sa pagbabago ay hindi nangangahulugang paglimot sa sariling atin.
Wikang Filipino, tinig ng lahi; kultura at pagkakakilanlan, ating tangkilikin lagi.