19/05/2026
"Laging may paliwanag"
Madalas kong ipaliwanag noon ang sarili ko sa iba:
Kung bakit gusto ko ang isang bagay at kung gaano ito kaganda,
o kung bakit ito hindi kaaya-aya.
Kung bakit ito ang paborito kong kanta.
Laging may paliwanag ang sagot ko sa mga tanong nila.
Marami akong katuwiran kung bakit para sa akin, mas maganda ang itim kaysa p**a.
Kung bakit ang paglubog ng araw, kung ikukumpara sa pagsikat nito, ay mas kamangha-mangha sa aking mga mata.
Kung bakit mas gusto ko ang gabi kaysa umaga.
Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanila.
Marahil ay takot lamang akong mahusgahan ng iba.
Takot lamang ako sa kung ano ang iisipin nila.
Hindi ko lamang siguro nais maging masama sa kanilang mga mata.
Ang mga bagay na ito ay itinigil ko na.
Napagtanto kong kahit ano pa ang ipaliwanag ko, paniniwalaan lamang ng ibang tao ang nais nila.
Ang mundo ay sadyang mapanghusga.
Kahit ano ang gawin ko, mayroon at mayroong masasabi ang mga taong hindi ako kilala.
—iampeterpen
Artwork from pinterest.
//
TikTok: [ www.tiktok.com/ ]
Instagram: [ instagram.com/iampeterpen ]