Pilipinosopiya

Pilipinosopiya Ang pagmulat sa katotohanang ang lohikal at etikal na paraan ng pag-iiisip ay bahagi ng indibidwal para sa tamang paraan ng pag-iral.

Pagsulong sa Pilosopiyang Pilipino. PILIPINOSOPIYA:Ang Pilipino ay may Puso Paninindigan at Masaya! Edukasyon na naglalayong pagyabungin ang PILOSOPIYANG PILIPINO.

13/01/2025

  πŸ’­
22/11/2023

πŸ’­

13/05/2019

Sa pagiging magkakaiba natin tayo nagiging parepareho, at sa pagiging parepareho natin tayo nagiging magkakaiba, sa huli pareho padin: iisang bayang Pilipinas, iisang bansang dapat ay may pagmamahalan, respetuhan, pagbibigayan at pagkakaisa sa kabila ng ano pa man.....

God Bless the πŸ‡΅πŸ‡­


11/05/2019

Sa darating na halalan pagkaingatan ang natatanging prinsipyo ng pagiging tao.

Manindigan sa tama at mabuti. Hindi ito sa kulay na dilaw,pula,bughaw,puti at berde. Kung hindi sa totoong taong may sapat na kaalaman at puso sa paglikingkod sa mamayang Filipino at may rasyonalidad sa tunay na serbisyo publiko at hindi sa katalinuhan na makapanloko ng tao.

Magkaroon ng tunay na bagabag ng kunsensiya! Piliin ang tunay na may adbokasiya sa pagbabago!

Maging Pilipino: mapili, matalino at may prinsipyo!



πŸ‡΅πŸ‡­

03/10/2018

Freedom of Speech vis a vis Epistemic Injustice vis a vis Ideology and Propaganda πŸ’­

24/09/2018

If you are in need of speaker for Social Sciences e.g Philosophy, Ethics, Political Discourses and Theories, PH Political Condition, Political Science, Social Media, Filipino Values, Qualitative Research for FREE (Certificate only lang po ang bayad haha) Just PM Me po! Thank You!

RPC, MA

13/07/2018

Panibagong Kabanata πŸ’­

Isang bagay na natapos sa panibagong simula
Ang araw-araw na nakasanayan ay iiwanan
Ngunit haharapin ang panibagong simulain
Panibagong hamon ang tiyak na mararanasan

Sa pagtatapos ay magsisimula ang buhay na walang kasiguraduhan
Ngunit patuloy na lalaban at tataya kahit pa madapa
Paghahandaan ang bawat inilaan ng β€œmakapangyarihan”
Gagawin ang lahat ng tama upang maging tunay na huwaran

Pagsisikapang abutin ang susunod na baitang ng kinabukasan
Sapagkat ang pagtatapos ay pagsisimula ng panibagong kabanata
Bawat naranasan ay hindi kalilimutan, bagkus ikikintil sa puso at isipan
At higit sa lahat ay magiging isang mabuting mamayan sa aking bayan....

πŸ’­

πŸ’­πŸ’‘
26/06/2018

πŸ’­πŸ’‘

Mabuhay ang Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­
12/06/2018

Mabuhay ang Pilipinas! πŸ‡΅πŸ‡­

22/04/2018

Hugot Pananaliksik

Simulan mo sa malapit sa puso mo. Yung alam mong paninindigan mo hanggang dulo, ipaglalaban kakayanin at tatapusin

Konseptong may sapat na literatura upang may sapat kang wasto at tamang pagkukuhanan ng analohiya at magsisilbing gabay sa bago mong gustong masagot na problema o kakulangan na nasimulan na

Wag mong kalimutan na maging makatotohanan, yapusin mo lang ang mundong laan para sa yo, ibig sabihin wag kang masyadong magpaka bayani na sagutin ang problema ng buong mundo, sapat na yapusin mo lang ang kaya mo para makapagbahagi ka sa pagbabago nito

At dapat sigurado ka, sapat na mga ebidensiya at pagsusuri, mga eksperto sa pag-aaral na napili mo at higit sa lahat may puwang na kontribusyon ang naging dulot ng pananaliksik mo

Sa huli ang mahalaga, ginawa mo ito hindi lamang para pumasa, kung hindi dahil alam mong kahit papaano ay may naging ambag ka sa karunungan ng pagkatuto.

01/11/2017

Ang pagmulat sa katotohanang ang lohikal at etikal na paraan ng pag-iiisip ay bahagi ng indibidwal para sa tamang paraan ng pag-iral. Pagsulong sa Pilosopiyang Pilipino.

Address

Lyceum Of The Philippines University-Cavite
General Trias
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinosopiya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share