20/05/2026
Ang Commission on Student Election ay nagpapaalala sa lahat ng mag-aaral na ang write-in vote ay isang mahalagang bahagi ng proseso ng halalan.
Sa pamamagitan nito, maaaring isulat ng botante ang pangalan ng kandidatong nais niyang ihalal, bilang pagpapahayag ng kanyang malayang pagpili at boses. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon na makapili ng pinaniniwalaang lider, kahit ito man ay hindi nakalista sa balota o walang opisyal na kandidato sa isang posisyon.
Pinapayuhan ang lahat na magsulat nang malinaw at maayos upang matiyak ang balidong pagbibilang ng boto.
๐๏ธ Petsa ng Halalan: Mayo 20โ22
Makiisa at bumoto nang may pananagutan.