31/08/2026
โIsang araw ng kultura, pagkakaisa, at pagmamalaki sa sariling wika.โ ๐ต๐ญ
Opisyal nang nagtapos kahapon, Agosto 28, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Muling binigyang-buhay ng mga mag-aaral ng Christ the King College ang kagandahan ng ating sariling wika sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang mga talento at husay. Tampok sa pagdiriwang ang pag-awit nang solo ng mga mag-aaral mula sa Grade 11 at duet naman mula sa Grade 12. Naging bahagi rin ng programa ang Balagtasan, kung saan ipinaglaban ng dalawang panig ang kani-kanilang opinyon at pananaw hinggil sa kahalagahan ng Wikang Filipino bilang pundasyon ng ating kultura at pagkakakilanlan, gayundin sa makabuluhan, maayos, at responsableng paggamit ng AI.
Hindi rin nagpahuli ang katutubong sayaw na itinanghal ng mga mag-aaral mula sa Grade 12, na nagsilbing buhay na pagpapakita ng yaman at kagandahan ng ating kultura at tradisyon.
Bagamaโt natapos na ang buwang inilaan para sa pagdiriwang ng ating wika, nawaโy patuloy natin itong gamitin, pahalagahan, isabuhay, at ipagmalaki. Sapagkat ang wika ay hindi lamang mga salitang ating binibigkasโito ay salamin ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
๐๏ธ Julia Reformina
๐จ Marco Pollentes