10/08/2026
CCJE nakiisa sa pagbubukas ng ASEAN Month Celebration sa CSU-Gonzaga
Nakiisa ang buong pamilya ng College of Criminal Justice Education (CCJE) sa pagbubukas ng ASEAN Month Celebration 2026 ng Cagayan State University–Gonzaga Campus noong Agosto 3 sa Campus Gymnasium.
Sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga kasuotang sumasalamin sa kultura ng mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinamalas ng mga mag-aaral at g**o ng CCJE ang kanilang pakikiisa at pagpapahalaga sa pagdiriwang na naglalayong palakasin ang pagkakaisa, pagkakaunawaan, at ugnayan ng mga mamamayan sa rehiyon ng Southeast Asia.
Naging makulay ang pagbubukas ng selebrasyon sa pamamagitan ng paglahok ng mga mag-aaral, faculty members, at mga opisyal ng unibersidad at kampus sa mga gawaing tampok ang mayamang kultura at pagkakaiba-iba ng mga bansang ASEAN.
Binigyang-diin din ng pagdiriwang ang kahalagahan ng pagkilala sa kultura at tradisyon ng mga karatig-bansa bilang bahagi ng pagsusulong ng internationalization, cultural awareness, at regional cooperation sa loob ng akademikong institusyon.
Para sa CCJE, ang pakikiisa sa ASEAN Month ay nagsisilbing pagkakataon upang mahubog ang mga mag-aaral bilang mga responsableng mamamayan na may pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng kultura at may kamalayan sa kanilang papel sa pagtataguyod ng pagkakaisa at pakikipagtulungan sa rehiyon.
Photos: CCJESC Documenters