25/05/2026
๐๐ฒ๐ฒ๐ฝ! ๐ฏ๐ฒ๐ฒ๐ฝ!๐ข๐ข
๐๐ ๐๐ฌ, ๐ ๐๐ฎ๐ ๐ข๐ค ๐ฅ๐ ๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ช๐ข๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐จ๐๐จ๐๐ ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐จ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ช๐ข๐๐๐ฃ๐๐๐ง?
Kaya mo pa bang sumabay sa biyahe kahit pagod na pagod ka na? Sa bawat araw na tila sinusubok ka ng panahon, pilit mo pa ring nilalampasan ang buhay kahit minsan ay ikaw mismo ang nauubos.
May mga gabing luha ang pumatak. Mga gabing tahimik kang umiiyak habang pilit mong kinukumbinsi ang sarili mong magiging maayos din ang lahat. May mga araw ding ang tulog mo ay hindi na pahinga. Ngunit sa kabila ng lahat, nananatiling matayog ang iyong mga pangarap. Hindi man malinaw ang daan, hindi man sigurado ang bukas, patuloy ka pa ring nangangarap dahil alam mong may dahilan kung bakit ka lumalaban.
Minsan maiisip mo kung sapat pa ba ang pamasahe mo para makasabay sa biyahe ng buhay. Sapat pa ba ang lakas, tiwala, at pag-asa mo para hindi maiwan? May espasyo pa ba para saโyo? May lugar pa bang naghihintay para sa mga taong pagod na ngunit patuloy pa ring sumusubok? At habang nakatingin ka sa mga taong tila nauuna na sa kanilang patutunguhan, hindi mo maiwasang tanungin kung makakarating ka pa rin ba sa destinasyong matagal mo nang ipinagdarasal.
Ngunit sa kabila ng lahat ng pagdududa, may isang bagay kang hindi dapat kalimutan, nandito ka pa rin. Pagod ka, oo, ngunit hindi ka sumusuko. Sugatan ka man ng mga karanasan, patuloy ka pa ring bumabangon. At marahil iyon ang tunay na sukatan ng lakas: ang pagpiling magpatuloy kahit hindi ka sigurado kung gaano pa kahaba ang biyahe. Kaya kapag dumaan muli ang sasakyan, pumara ka. Sumakay ka. Dahil kahit mabagal, kahit hirap, makakarating ka rin. Pagod ka man ngayon, kakayanin mo.
โ๐๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ ๐ฉ๐จ ๐โ๐ฒ๐๐ง ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐จ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ญ๐จ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ข ๐ง๐๐ฉ๐๐ ๐จ๐ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐๐งโ.
Layout&Caption by: Limuel Ebreo, Creative Director.