15/08/2026
Ngayong araw, ginugunita natin ang ika-488 taon ng pagkakatatag ng dakilang Lalawigan ng Bulacan, isang lalawigang hinubog ng makulay na kasaysayan, matatag na mamamayan, at sama-samang pakikibaka sa bawat hamon.
Ngunit sa gitna ng pagdiriwang, hindi natin dapat kalimutan ang patuloy na suliranin ng pagbaha na matagal nang kinakaharap ng maraming Bulakenyo. Sa bawat tahanang nalulubog, kabuhayang nasisira, at pamilyang napipilitang lumikas, lalong umiigting ang panawagan para sa malinaw na sagot at pananagutan kaugnay ng mga proyekto na dapat sanaโy nagsisilbing proteksiyon sa ating mga komunidad.
Nawaโy ang paggunita sa ating kasaysayan ay magsilbing paalala na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga proyektong naitatayo, kundi sa kung tunay bang napapakinabangan at napoprotektahan nito ang mamamayan.
Sa ika-488 taon ng Bulacan, patuloy tayong magkaisa, manindigan, at manawagan ng katotohanan, transparensiya, at katarungan para sa bawat Bulakenyo.
Mabuhay ang Bulacan. Mabuhay ang mga Bulakenyo.