22/05/2026
FEATURE | Paghubog ng Pangarap: The Vision of ISU Ilaganโs Future Architects
Creativity, Resilience, and Innovation, hindi lamang simpleng presentasyon ng mga plano at disenyo ang naganap sa Thesis Defense Week ng mga 5th Year students ng Bachelor of Science in Architecture ng Architecture Department ng Isabela State University Ilagan Campus (ISU Ilagan Campus). Ito ay naging entablado ng mga pangarap, adhikain, at makabagong ideya ng mga estudyanteng handang hubugin ang kinabukasan ng arkitektura at komunidad.
Sa loob ng tatlong araw, ipinamalas ng mga graduating architecture students ang kanilang husay sa paglikha ng mga proyektong nakasentro sa sustainability, urban development, resiliency, healthcare, tourism, mobility, cultural preservation, at people-centered architecture. Bawat thesis proposal ay sumasalamin hindi lamang sa kanilang teknikal na kaalaman kundi pati na rin sa kanilang malasakit sa lipunan at kagustuhang makapagbigay ng makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng disenyo.
Nanguna sa pagkilala si Precious Angel Mamuad bilang top 1 Best Architectural Thesis Awardee para sa kaniyang proposal na โA Coastal Community Eco-Hub in Pagudpud, Ilocos Norte,โ isang proyektong naglalayong pagsamahin ang sustainability, resiliency, at community-centered coastal development.
Kinilala rin si Modrey Joe D. Boce bilang top 2 para sa โMemories in the Sky: A Vertical Necropolis Development in the City of Ilagan Through Modern Funerary Architecture,โ na nagpakita ng isang makabagong pananaw sa funerary architecture at urban memorial spaces.
Samantala, itinanghal naman si Syreen Joyce B. Casil bilang top 3 para sa โSENTRO: Redevelopment of Jones Socio-Civic Market Complex,โ isang proyektong nakatuon sa revitalization ng pampublikong espasyo upang maging mas dynamic at community-centered na socio-civic environment.
Bukod sa mga nangunang presenters, kinikilala rin ang buong batch ng BSA 5 students para sa kanilang dedikasyon, pagod, at sakripisyong inilaan upang mabuo ang kani-kanilang thesis proposals. Sa likod ng bawat board presentations, scale models, at visual aids ay ang mga gabing walang tulog, revisions, pressure, at determination na maipakita ang kanilang pinakamahusay bilang future architects.
Hindi rin magiging matagumpay ang Thesis Defense Week nang walang paggabay at suporta ng mga thesis advisers, faculty architects, at external panelists na nagbahagi ng kanilang oras, kaalaman, at propesyonal na pananaw upang higit pang mapahusay ang mga disenyo at pananaliksik ng mga estudyante.
Sa bawat concept board, floor plan, at presentation, malinaw na ang bagong henerasyon ng mga arkitekto mula sa ISU Ilagan ay handang magbigay ng makabago, makabuluhan, at sustainable na ambag para sa lipunan.
โ๏ธ: John Ancheta