23/07/2026
𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗮𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗸𝗮𝗻, 𝗠𝗦𝗨-𝗜𝗜𝗧 𝗮𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗶𝗲𝘀, 𝗧𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗢𝘀𝗮𝗸𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝗼𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻
Nagpulong ang fakulti ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Mindanao State University–Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) kasama si Dr. Gyo Miyahara ng Department of Philippine Studies, The University of Osaka, Japan, upang talakayin ang mga inisyatibang magpapalawak at magpapalakas ng internasyonal na kolaborasyon ng departamento.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ng pagpupulong ang paghahanda para sa Salindunong 2026: 4th International Conference on Language, Literature and Research at Ika-18 Pambansang Kumperensiya sa Filipino, Panitikan at Pananaliksik. Tinalakay rin ang mga posibleng programa para sa international exposure ng mga mag-aaral sa undergraduate at graduate na mga programa, gayundin ang pagpapalalim ng kolaborasyon sa pananaliksik at iba pang gawaing akademiko sa pagitan ng dalawang institusyon.
Inaasahang magsisilbing mahalagang hakbang ang nasabing pagpupulong sa pagpapatibay ng ugnayang akademiko ng Departamento ng Filipino at Panitikan, MSU-IIT at Department of Philippine Studies, The University of Osaka, gayundin sa pagbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa kolaborasyon sa larangan ng pagtuturo, pananaliksik, at iba pang gawaing pang-akademiko.