21/09/2026
𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗞𝗮𝗺𝗶 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝗼𝘁.
Ang Batas Militar na idineklara noong Ika-dalawampu’t isa ng Setyembre, 1972 ay hindi kailanman naging gintong panahon para sa mga Pilipinong dumanas ng paghihirap. Ito’y isa sa pinakamadilim at pinakanakakagimbal na kabanata sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa ilalim ng diktadurya; nilapastangan ang ating demokrasya, inabuso ang kapangyarihan, at ginamit ang buong lakas ng estado upang maghasik ng takot sa taumbayan. Ang bansa ay ginipit at dinambong, habang ang kaban ng bayan ay winaldas upang busugin ang walang-pakundangang korapsyon.
𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐫𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧: libo-libong Pilipino ang naging biktima, ang ilegal na pinakulong, at brutal na pinatay. Binusalan ang malayang pamamahayag, at sapilitang pinaglaho ang mga lumalaban para sa katarungan. Sa bawat eskinita—bawat mamamayang Pilipino—bawat sulok ng bansa, nanaig ang lagim at walang-awang pagsalakay sa karapatang pantao.
Sa kabila nito, hindi natinag ang kalooban ng sambayanang Pilipino. Utang natin ang ating kalayaan sa dusa, dugo, at sakripisyo ng ating mga martir—𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚, 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚, 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐠, 𝐚𝐭 𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐫𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧 na buong tapang na humarap sa tangke’t bala. Kaya’t bayaran natin ang ginawa nila sa pagsulong laban sa korapsyon.
𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼. Hindi natatapos ang ating laban hangga’t mayroon pang kadiliman. Ipilit mang itago—baluktutin ang kasaysayan at linlangin ang mga kabataan, pananagutan ng bawat isa sa atin ang ipaglaban ang katotohanan. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐦𝐨𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐦𝐮𝐥𝐚𝐭, 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐡𝐢𝐦𝐢𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧. Tayong mga Pilipino ay hindi dapat pumayag na muling pagharian ng dilim ang ating inang-bayan.
Kahit sino pa ang nakaupo sa itaas, hindi nito kayang pilayan ang mga Pilipinong patuloy na tumitindig para sa bayan, sapagkat 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐡𝐚𝐛𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧. At hangga’t patuloy na nanaig ang pang-aabuso at kawalan ng katarungan, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻.
Caption by: EZ Kaila Amber Mallorca | CASulatan
Layout by: Krishane Mae Casiple | CASulatan