WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik

Directions Contact the university

WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik Organisasyon ng mga nagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipino. Para sa Wika, Panitikan, at Bayan.

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป.Ngayong araw, ating ipi...
10/10/2026

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป.

Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang ๐™’๐™ค๐™ง๐™ก๐™™ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ƒ๐™š๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ na may temang "๐˜“๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฅ: ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ท๐˜ฐ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด, ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ค๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ." Ito ay isang paanyaya sa ating lahat na buksan ang ating puso at kaisipan na makinig nang walang paghuhusga.

Ang kuwento ng pag-asa at bawat salita ng bawat indibidwal ay may malalim na katuturan. Sa pagkilala sa mga karanasang ito, mas nauunawaan natin ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalusugang pangkaisipanโ€”katulad na lamang ng pagpapahalaga natin sa ating pisikal na katawan. Hindi sapat na marinig lamang natin ang boses ng iba, kinakailangan itong pakinggan nang may tunay na pag-unawa at malasakit. Ang paglikha ng ligtas at malayang espasyo para sa pagpapahayag ang siyang bubuwag sa estigma sa ating lipunan.

Ang bawat boses na ating pinakikinggan ay nagiging pundasyon ng tunay na pagbabago. Kaya naman, maging boses tayo ng pag-asa at makiisa sa pagbuo ng isang lipunang walang humuhusga, kundi yumayakap sa bawat pinagdadaanan ng bawat isa.

Mga Salita ni G. Revin Francisco
Disenyo ni G. Sean Drake Gabito

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan. Kaya taos-pusong inihahandog ng ...
05/10/2026

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.

Kaya taos-pusong inihahandog ng ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐ƒ๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ang pasasalamat sa bawat g**o na naging parte ng paglalakbay ng bawat mag-aaral.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ช๐™œ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค! ๐ŸคŽ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ

๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‹๐€๐๐Ž, ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐–๐€๐๐€๐†
(๐ผ๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘Ž๐‘ก ๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘๐‘ข๐‘๐‘ข๐‘”๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘” ๐ท๐‘Ž๐‘ค๐‘Ž๐‘›๐‘– ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐‘”๐‘ข๐‘Ÿ๐‘œ๐‘›๐‘” ๐‘๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘›๐‘‘๐‘Ž๐‘ฆ ๐‘›๐‘” ๐‘–๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘˜๐‘–๐‘›๐‘Ž๐‘๐‘ข๐‘˜๐‘Ž๐‘ ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘š๐‘Žโ„Ž๐‘ข๐‘ ๐‘Ž๐‘ฆ)

Noong una, akoโ€™y anino lรกmang sa dilim,
Walang hugis ang bรบkas, walang tiyak na himig;
Isang munting gunita sa malawak na hangin,
Isang tanong na ligaw sa tahimik na daigdig.

Ngunit may mga tinig na dahan-dahang sumibol,
Sa pisaraโ€™y may araw na sa isip ay umusbong;
Bawat g**oโ€™y kandilang sa dilim ay tumanglaw,
At ang dating malaboโ€™y nagkaroon ng tanaw.

Unti-unting naglinaw ang guhit ng pangarap,
Mula sa mumunting tanong, nagkaroon ng sagot;
Ang takot na datiโ€™y pumipigil sa paglรกkad,
Ay naging mga pakpak na sa langit ay pumailanlang.

Sa bawat pagkadapa, may kamay na umakay,
Sa bawat pรกgod at luha, may tinig na nagsabing โ€œ๐‘™๐‘ข๐‘š๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘›โ€;
Hindi man nila hawak ang bรบkas na minimithi,
Sila ang nagbigay-lakas upang kamiโ€™y mangarap muli.

Ngayon, ikaapat na taon, papalapit ang wakas,
Ang mga silid na saksiโ€™y maiiwan kong bakas;
Ngunit ang aral nilaโ€™y hindi kailanman lilisan,
Dahil ang g**ong minahal ay sa puso nakaukit kailanman.

Kayรข sa araw na ito, sa inyo ang pagpupugay,
Sa mga kamay na humubog, sa pusong di napagod kailanman;
Kung kami man ay lilipad sa landas ng tagumpay,
Kayo ang unang hangin sa pakpak namin na sumabay.

At kung dumating ang araw na kamiโ€™y tuluyang lumayo,
Baunin ninyo ang bakas ng inyong itinanim sa puso;
๐™Ž๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™—๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ ๐™ฉ๐™ค, ๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™คโ€™๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฌ๐™ž๐™ฃ:
๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ง๐™–๐™ฅ ๐™–๐™ฎ ๐™—๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™จ๐™ช๐™ข๐™ช๐™ ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ.

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘จ๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐‘ฎ๐’–๐’“๐’ ๐’”๐’‚ ๐’๐’‚๐’‰๐’‚๐’• ๐’๐’ˆ ๐’”๐’‚ ๐’”๐’Š๐’Ž๐’–๐’๐’‚โ€™๐’• ๐’”๐’‚๐’‘๐’–๐’ ๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’“๐’Š๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐’–๐’‘๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’๐’Š๐’‘๐’‚๐’“๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’†๐’“๐’๐’‘๐’๐’‚๐’๐’ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’“๐’‚๐’‘. ๐Ÿ’

Tula ni JC Rey Padilla
Disenyo ni Aleya Trisha Taรฑo

05/10/2026

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.

Kaya taos-pusong inihahandog ng ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐๐š๐ง๐š๐š๐  ang pasasalamat sa bawat g**o na naging parte ng paglalakbay ng bawat mag-aaral.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ช๐™œ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค! ๐ŸคŽ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ

05/10/2026

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.

Kaya taos-pusong inihahandog ng ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐๐ž๐ง๐ข๐ค๐ฌ ang pasasalamat sa bawat g**o na naging parte ng paglalakbay ng bawat mag-aaral.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ช๐™œ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค! ๐ŸคŽ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ

05/10/2026

Kayo ang haligi sa paghubog ng kaalaman at nagpapahalaga sa kinabukasan ng ating bayan.

Kaya taos-pusong inihahandog ng ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ฅ๐š๐ก๐ข ang pasasalamat sa bawat g**o na naging parte ng paglalakbay ng bawat mag-aaral.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ช๐™œ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค! ๐ŸคŽ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿซ

๐’๐ข๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐ข๐ญ๐ฎ๐ข๐ง๐  ๐ ๐š๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ข๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฐ๐ข๐ค๐š, ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง.Sa bawat hakbang na aming tinata...
05/10/2026

๐’๐ข๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐ข๐ญ๐ฎ๐ข๐ง๐  ๐ ๐š๐›๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐ข๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฐ๐ข๐ค๐š, ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง.

Sa bawat hakbang na aming tinatahak patungo sa pangarap, kayo ang liwanag na sa amin ay gumagabay. Ang inyong mga aral ang humuhubog sa aming diwa upang patuloy na mahalin ang sariling wika at paigtingin ang aming pusong makabayan.

Hindi matatawaran ang inyong dedikasyon, pagsisikap, at sakripisyong iniaalay upang kami ay patuloy na turuan at matuto. Bilang aming pangalawang magulang, ang inyong pagmamahal ay haplos sa aming puso at ang inyong mga aral ay nakaukit sa aming isipan.

Kabilang sa ika-60 taong pagdiriwang ng ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—š๐˜‚๐—ฟ๐—ผ, ang KADIPAN ay nagbibigay-pugay sa buong ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—™๐—Ÿ๐—ง๐——) ng Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas, sa kanilang taos-pusong pag-aalay ng karunungan at pagiging matibay na pundasyon ng kultura at panitikan.

Kayo ang patuloy na nagpapatunay na ang pagtuturo ay hindi lamang propesyong pinalalago at pinoprotektahan, kundi isang pangakong inyong sinumpaang isasapuso at isasabuhay.

Kaya mula sa kaibuturan ng aming puso, inaalay ng KADIPAN ang pasasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta at paghubog sa bawat henerasyong nangangarap na maging g**o, upang buong husay nilang maipagpatuloy ang adhikain ng pagtuturo. ๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿซ๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ

๐™‹๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ข๐™œ๐™– ๐™œ๐™ช๐™ง๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™ช๐™ฎ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™ž๐™ ๐™–, ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™‚๐™ช๐™ง๐™ค! ๐ŸคŽ

Mga salita ni Bb. Apple Grace M. Doroteo
Disenyo ni G. Christian Baruelo

๐’๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ , ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ . ๐’๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ง๐š๐š๐ฅ๐š๐ฒ, ๐ค๐š๐ ๐š๐ง๐๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐ฒ.Maligayang Kaarawa...
04/10/2026

๐’๐š ๐ค๐š๐ง๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ญ๐ข๐ง๐๐ข๐ , ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐š๐ฒ ๐ง๐š๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ . ๐’๐š ๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐ง๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ง๐š๐š๐ฅ๐š๐ฒ, ๐ค๐š๐ ๐š๐ง๐๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐ฒ.

Maligayang Kaarawan sa aming Tagapamahala, ๐—•๐—ฏ. ๐—”๐—ป๐—ด๐—ฒ๐—น ๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐˜‚๐—ป๐—ผ! ๐Ÿฅณ

Ang iyong dedikasyon at pagmamahal sa KADIPAN ay nagsisilbing gabay at pag-asa para sa iba. Ang bawat gawaing taos-puso mong ginagawa ay sumasagisag sa iyong pagmamahal sa wika, kultura, at panitikan.

Nawa'y ang araw na ito ay magbigay ng kagalakan at kasiyahan sa iyo. Hiling namin na mapuno ng pagpapala ang pagtungtong mo sa bagong yugto ng iyong buhay. Tunay ngang ikaw ay isang anghel. Lubos kang minamahal at pinahahalagahan ng KADIPAN. ๐ŸคŽ

๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐๐”๐‹๐€๐‡๐€๐! Matagumpay na ginanap ang University Hinampang 2026 noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 2, 2026 sa West V...
04/10/2026

๐๐€๐๐†๐ˆ๐๐๐”๐‹๐€๐‡๐€๐!

Matagumpay na ginanap ang University Hinampang 2026 noong Setyembre 29 hanggang Oktubre 2, 2026 sa West Visayas State University โ€“ Lambunao Campus. Sa pagtatapos ng programa, itinanghal ang Blue Falcons ng WVSU โ€“ Main Campus bilang Pangkalahatang Kampeon!

Sa likod ng tagumpay na ito, isa sa mga Supling ni Balagtas mula sa Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) na si ๐—•๐—ฏ. ๐—”๐—ป๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐—”๐—ฝ๐—ฒ๐—น๐—ผ, ang buong puso ring naghandog ng kaniyang talento, dedikasyon, at husay sa larangan ng MLBB Esports Tournament (Women Category) at nagkamit ng Ikalawang Lugal bilang Roamer ng kanilang koponan.

Taas-noong pagpupugay sa lahat ng mga kalahok, tagapayo, at tagasuporta na walang sawang nagbigay ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon. Hindi lamang husay at abilidad ang napatunayan ng mga manlalaro, kundi pati na rin ang kanilang kakayahang makipag-ugnayan at magtaguyod ng diwa ng pagkakaisa upang makuha ang inaasam na tagumpay.

๐™ˆ๐™ช๐™ก๐™ž, ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž, ๐˜ฝ๐™ก๐™ช๐™š ๐™๐™–๐™ก๐™˜๐™ค๐™ฃ๐™จ. ๐™‹๐™–๐™œ๐™—๐™–๐™ฉ๐™ž, ๐™๐™–๐™œ๐™–-๐™’๐™š๐™จ๐™ฉ! ๐Ÿ’™๐Ÿ†

Mga Salita nina Bb. Diane Montecir at Bb. Jodie Aรฑasco
Disenyo ni Bb. Michailah Marcelo

๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’Š ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’š๐’–๐’”๐’‚๐’ ๐’‚๐’š ๐’”๐’Š๐’š๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’‚๐’‚๐’”๐’‚๐’‰๐’‚๐’. ๐‘บ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‰๐’‚๐’Ž๐’๐’, ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‚...
03/10/2026

๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’Š ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’‚๐’‚๐’š๐’–๐’”๐’‚๐’ ๐’‚๐’š ๐’”๐’Š๐’š๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’‚๐’‚๐’”๐’‚๐’‰๐’‚๐’. ๐‘บ๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’‰๐’‚๐’Ž๐’๐’, ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’š๐’‚๐’‘๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’‚๐’.

Maligayang Kaarawan sa aming Tagapamayapa, ๐—š. ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ฒ๐—น๐—ผ!๐Ÿฅณ

Ang iyong dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ay tunay na hinahangaan at pinahahalagahan ng buong samahan. Sa bawat hindi pagkakaunawaan at hamon, ika'y nagsisilbing tulay upang ang bawat isa'y muling magkaisa at mapanatili ang maayos na organisasyon. Dahil sa iyong pagiging mahinahon, ang KADIPAN ay patuloy na lumalago at bumabangon.

Sa pagdiriwang ng iyong espesyal na araw, hiling namin ang dalisay na kasiyahan, kapayapaan at tagumpay sa bawat hakbang ng iyong buhay. Mahal at lubos kang pinahahalagahan ng buong KADIPAN!๐ŸคŽ

๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎSa bawat hibla ng hinabing tela, bawat ...
01/10/2026

๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—น๐˜‚๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ

Sa bawat hibla ng hinabing tela, bawat salitang minana, bawat awit, sayaw, kuwento, at kaugaliang patuloy na isinasabuhay, makikita ang mayamang kasaysayan at pagkakakilanlan ng ating mga Katutubong Pilipino.

Ngayong buwan ng Oktubre, ating binibigyang-pugay at pagpapahalaga ang ating mga Katutubong Pilipino sa pagtataguyod ng kanilang kultura, wika, tradisyon, at mga kaugaliang minana pa sa mga naunang henerasyon.

Ang kanilang kultura ay mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Kaya naman, nawaโ€™y matuto tayong makinig, umunawa, gumalang, at pahalagahan ang kanilang kultura at mga karapatan.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ.! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒฟ๐ŸคŽ

Mga Salita ni Bb. Danielyn Beltran
Disensyo ni Bb. Iara Patrice Tanque

Address

Luna Street, La Paz
Iloilo City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to WVSU COE- Kapisanang Diwa at Panitik:

Share