01/05/2026
Ang Mayo Uno, o Araw ng mga Manggagawa, ay hindi lamang isang regular na holiday, ito ay araw ng pagkilala sa ambag, karapatan, at pakikibaka ng uring manggagawa. Sa ilalim ng Proclamation No. 1006, s. 2025, idineklara ang Mayo 1, 2026 bilang isang regular holiday, na may kaukulang benepisyo para sa mga empleyadong nasa pormal na sektor, alinsunod sa DOLE Labor Advisory No. 13, s. 2021.
Sa umiiral na patakaran, ang mga manggagawang empleyado sa mga kompanya at establisimyento ay may malinaw na batayan ng sahod tuwing holidayโmay bayad kahit hindi pumasok, dobleng sahod kung nagtrabaho, at karagdagang bayad sa overtime at kung ito ay tumapat sa araw ng pahinga.
๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ; ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐ซ๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐, ๐ค๐๐ง๐ข๐ง๐จ ๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ญ๐จ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ง๐๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ญ๐?
Para sa mga tsuper, maliliit na tagapangalakal, bolanteros, delivery riders, at iba pang manggagawang nasa impormal na sektor, walang katiyakan ang kita, walang holiday pay, at walang sapat na proteksyon mula sa estado. Sa halip na maramdaman ang diwa ng Mayo Uno bilang pagkilala, marami sa kanila ang patuloy na nabubuhay sa araw-araw na pakikibaka para lamang may maiuwi sa kanilang pamilya.
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo nitong mga nakaraang linggo, pasan-pasan ang mas matinding bigat dala ng hamon. Ang dati nang maliit na kita ay lalo pang lumiit, at sa ilang pagkakataon, wala nang natitira matapos ang isang araw ng pamamasada.
Sa kabila ng panawagan na suspendihin ang excise tax at VAT sa produktong petrolyo, nanatiling limitado ang naging tugon ng pamahalaan. Bagamat ipinasa ang Senate Bill No. 1982 at nilagdaan ang Republic Act No. 12316 na nagbibigay kapangyarihan sa Pangulo na magbawas o magsuspinde ng buwis sa panahon ng krisis, ang ipinatupad lamang sa Executive Order No. 114 ay nakatuon sa LPG at kerosene.
Ibig sabihin, nanatiling mataas ang presyo ng gasolina at diesel, mga produktong direktang nakakaapekto sa kabuhayan ng milyun-milyong manggagawa sa transportasyon at logistics. Habang binibigyang-diin ang posibleng pagkawala ng bilyong kita ng gobyerno mula sa buwis, nananatiling kulang ang konkretong tulong para sa mga mamamayang araw-araw na tinatamaan ng pagtaas ng presyo.
๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ฆ๐จ๐ฆ๐ซ๐จ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ข๐ฎ๐ฎ๐ฐ๐ข ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐, ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ฌ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฐ๐๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ญ๐ข๐ฅ๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ง๐จ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ข๐ง๐๐๐๐ง๐ ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ก๐๐ง ๐ค๐๐ฒ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง.
Hindi hiwalay ang sitwasyong ito sa mas malawak na krisis ng trabaho sa bansa. Hanggang ngayon, nananatiling isyu ang kakulangan sa seguridad sa trabaho, mababang sahod, at limitadong proteksyon sa karapatan ng manggagawa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 5.1% o humigit-kumulang 2.66 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Pebrero 2026. Sa likod ng numerong ito ay milyun-milyong kuwento ng kawalan ng oportunidad, hindi sapat na kita, at patuloy na paghahanap ng disenteng hanapbuhay.
Kasabay nito, patuloy na nalalagay sa alanganin ang karapatan ng mga manggagawa, tulad ng nangyari sa SM Central Market at sa pakikitungo ng lokal na pamahalaan sa Iloilo City, ay sumasalamin sa mas malalim na problema ng kawalan ng seguridad at pagkilala sa kanilang hanapbuhay.
Sa sektor ng BPO, kung saan umaabot sa humigit-kumulang $40 bilyon ang kita ng industriya, nananatiling malayo ang sahod sa tunay na pangangailangan ng mga manggagawa. Ayon sa IBON foundation, ang kasalukuyang average nominal minimum wage na โฑ504 sa buong bansa ay malayong-malayo sa tinatayang โฑ1,258 na family living wage (FLW) sa datos nitong Pebrero 2026. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo, maaari pa itong umabot sa โฑ1,303, at hanggang โฑ1,317 sa pinakamatinding senaryo ng implasyon.
Dagdag pa rito, patuloy na bumababa ang tunay na halaga ng sahod dahil sa paghina ng purchasing power ng piso. Ayon sa PSA, ang halaga ng โฑ1.00 ay tinatayang katumbas na lamang ng humigit-kumulang โฑ0.75 nitong Marso 2026. Ito ay isang malinaw na indikasyon ng pagliit ng kakayahan ng mga manggagawa na matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang College of Management Student Council ay kaisa sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng Mayo Uno, isang araw ng dakilang pagpupugay sa uring manggagawa na siyang pundasyon ng ating ekonomiya at lipunan. Hindi lamang ito isang regular na holiday; itoโy simbolo ng patuloy na pakikibaka para a karapatan, seguridad, at hustisya. Kinikilala ng CMSC na ang bawat tagumpay sa sektor ng industriya at serbisyo, ay bunga ng pawis ng ating mga manggagawang hanggang ngayon ay nakatanggap ng sahod na malayo sa nabubuhay na antas.
Mariing kinundena ng konseho ang kawalan ng seguridad sa trabaho, ang patuloy na pagliit ng purchasing power o kakayahang bumili ng mga bilihin, at ang marahas na pag-atake sa mga tagapagtanggol ng karapatan gaya nina Alyssa Alano, RJ Ledesma, Errol Wendel, Maureen Santuyo, at iba pa na mga biktima sa Toboso, Negros Occidental.
Sa gitna ng matinding krisis na nararanasan ng bansa dahil sa digmaan ng Iran at US-Israel, ang paninindigan ng mga estudyante ay mananatiling nakasandig sa kapakanan ng mga magagawaโmula sa mga tsuper na mas lalo pang pinapahirapan ang hanapbuhay na dulot ng oil price hike hanggang sa mga manggagawang lumalaban ng patas ngunit pinagkaitan pa rin ng sapat na benepisyo.
Ang College of Management Student Council ay nananawagan sa bawat mag-aaral na makiisa sa gaganaping Mayo Uno Mobilizasyon bukas, May 1, 2026, upang isigaw ang ating mga hinaing sa pagdiriwang ng Mayo Uno. Dapat nating igiit ang makabuluhang pagtaas ng sahod para sa mga manggagawa upang matugunan ang tumataas na gastusin sa gitna ng paghina ng halaga ng piso.
Kasabay nito, kinakailangang suspindihin ang excise tax at VAT sa gasolina at diesel upang maibsan ang pasanin ng ating mga tsuper na direktang tinatamaan ng sunod-sunod na oil price hike. Habang tayo ay nakikibaka sa kalsada, hinihimok din natin ang administrasyon na bigyang-pansin ang Student Welfare sa pamamagitan ng mga polisiya laban sa mapanganib na heat index para sa kaligtasan ng lahat.
Hindi rin tayo titigil sa paghingi ng katarungan para kina Alyssa Alano at sa Toboso 19, kasabay ng panawagan na wakasan ang red-tagging at protektahan ang karapatan ng mga unyonista. Sa huli, ang ating kolektibong pagkilos ang magsisilbing lakas upang wakasan ang kontraktwalisasyon at tiyakin ang seguridad sa trabaho para sa bawat Pilipino.
Kabataan, tumungo sa lansangan!
Pagpugayan ang mga manggagawa at pag-asa ng bayan!
Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!
Ating ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban!
๐๐๐๐๐๐ก: ๐ ๐ฎ๐ 1, 11:00 ๐๐ ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐๐ฎ ๐๐จ๐ ๐ ๐จ๐ฆ๐
๐ฆ๐๐๐ก: ๐จ๐ฃ๐ฉ ๐๐น๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ถ๐น๐ผ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐น ๐ ๐ฎ๐ด๐๐๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐น๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฏ๐ถ๐ด ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐