23/08/2017
A letter to HIM (who broke my heart several times yet I still love)
Dear RKI,
Bumalik ka dito, di dahil sa narealize mo na mahal mo ko pero dahil para magbakasyon lang. Oo, medyo excited pero di na katulad noong una. Noong kapag uuwi at babalik ka dito ay tila sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa. Ngayon, wala na. Wala na nga ba talaga? O baka nagpahinga lang 'tong puso ko sa pagpapakatanga sayo. Sig**o nga oo, kasi nung malaman kung babalik ka ay nandoon pa din ang tuwa, di man katulad ng dati pero andyan pa rin. Gusto pa rin kitang makita.. Makasama.. Makausap.. Wala lang. Gusto ko lang. Hanggang doon na lang. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa. Wala akong alam. Naguguluhan ako at mas naguguluhan ako sa mga kinilos mo. Sa mga ikinilos mo na di ko din alam ang dahilan. Sig**o nga wala lang yon para sayo, pero para sakin merong meaning yon. Babae ako eh, di mo maikakala na kapag may ipapakita kang motibo ay meron ng meaning yon para sa kanila, para sakin. Pero yung kinilos mo, hindi lang basta motibo. Ngunit aaminin ko, ramdan ko din na ganun ang mangyayari. Sa mga paghawak mo pa lang ay ramdam ko na ang mga susunod na pangyayari, ngunit di ako nagpigil diba? Hindi kita pinigilan at hinayaan lang kitang gawin ang nais mung mangyari. Noong tanungin mo ako kung namiss kita hindi ako kaagad nakasagot diba? Pero sa isip ko nun, ang dami ko nang nasabi. Gusto ko sanang sabihin na "Oo, miss na kita sobra" kaso baka isipin mo na naman na umaasa pa din ako sayo. Iisipin mo naman na tanga ako kaya mas mabuti na lang na manahimik at alam mo na din sig**o ang dagot diba? Pupuntahan at magpapakita ba ako sayo kung di kita namiss. Nagpadala lang ako sa agos mo kahit alam kong mali. Kahit alam kong hindi tama ang ginagawa natin at alam kong sa huli, masasaktan din lang ako. Kasi nga wala namang 'tayo' diba? Wala tayong label. Wag mo sabihing "friendship" lang yon, kasi nakakagago. Malanding Ugnayan sig**o pwedi pa. Pasensya na kung masyado akong madrama, pero masisisi mo ba ako? Babae lang din naman, mahina at parang kristal na baso na madaling mabasag. Gusto ko sanang kalimutan na lang ang lahat na para bang wala lang nangyari kasi aalis ka din naman eh kaso binabagabag ako ng isipan ko sa gabi. Minsan naisip ko ang tanga-tanga ko talaga pagdating sayo.
Pinili kong tanungin ka kung ano nga ba tayo o bakit mo nagawa yon kahit na takot akong magtanong kasi ayaw kong malaman ang sagot. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin mo, minsan sabi ko wag na lang kaya, pwedi din namang ganun na lang tayo hanggang sa huli. Okay lang sakin pero merong pa ring parti sa utak ko na gustong tanungin ka. Tinawagan kita. Humugot ako ng lakas ng loob kahit na alam ko na ayaw mo yung pag-usapan pero nagpumilit pa din ako. Kasi diko na kayang patagalin pa. Tinanong kita, tinanong mo din ako kung para sa akin ano tayo? Nakakapota diba? Sinabi mong nalilito ka. Nagsisisi ka. Na sana ako na lang. Tangina? Bakit ngayon mo lang sinabi? Hanggang sana na lang ba talaga ako? Nakakagago talaga yung 'sana' na yan. Masakit dahil sana nga tayo na lang pero hindi eh mali kasi may girlfriend ka na. Sana ganun lang kadali na sabihin sayo na 'edi magbreak kayo, tayo na lang' kaso hindi eh. Tahimik na iyak lang ang ginawa ko. Wala din naman akong laban kasi ako lang naman yung 'sana' mo pero siya yung mahal mo. Sinabi mo pa na iba siya, na kaya ka niyang intindihin at kahit na ayaw mo sa kanya nandyan pa din sya. Pota eh kaya ko naman lahat yan eh, nakakagago ah. Naghintay ako ng ilang taon sa pagbalik mo, umasa at minahal kita ng ilang taon, umiyak sa harapan mo dahil ginago mo ko, andun din naman ako sa tabi mo ng may problema ka diba? Ano pa yung kulang? Sabihin mo, gagawin ko. Tinanong mo ako kung ano ang gusto kong mangyari, hindi ko alam. Gusto ko sanang sabihin na, tayo na lang kasi kaso mukhang mahal mo na din siya eh. Ano pang magagawa ko? Sinabi ko na lang na, ganun pa din tayo.. friends as usual. Tinanong kita kung nagsisi ka ba sa ginawa mo at litshe! Oo ang sinagot mo, nakakagago lang. Pero sige, tatanggapin ko. Pero di ko sinabing susuko ako. Hanggang sa hindi ka pa nakatali, nandito lang ako naghihintay na baka sakali marealize mo na mas karapa't dapat ako, na ako dapat yung minahal mo, na nagsisisi ka dahil sinaktan mo ako ng ilang beses. At oo nga pala, sa tanong mo na kung magpapakita ba ako sayo ulit kung babalik ka dito, diba sabi ko depende sa sitwasyon pero yung totoo.. Oo magpapakita pa din ako sayo at wala akong pakialam kung ako na ang dakilang tanga ng taon.
Ps, sana mabasa mo to kahit di ka mahilig magbasa ng mga confessions.
Girlingrey
COE
WVSU - Main Campus