02/05/2026
๐๐ข๐ฅ๐ก๐๐๐ฃ
Ngayong katatapos lamang ng pagdiriwang ng Mayo Uno para sa Araw ng mga Manggagawa, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bilang isang manggagawang Pilipino na nasa laylayan, isa sa mga panawid-gutom sa oras ng krisis ang mga de-latang mabibili sa murang halaga sa mga tindahan o grocery store katulad na lamang ng sardinas, meatloaf, at hindi mawawala ang corned beef. Bukod kasi sa mas mura ang mga ito ay madali at mabilis pang lutuin at ihain sa hapag. Mula rito, makikita natin kung gaano kalaki ang halaga ng mga de-latang ito bilang panawid-gutom sa mga oras na kapos na kapos ang mga nasa laylayan ng lipunan.
๐๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฑ ๐ฏ๐ฒ๐ฒ๐ณ, ๐ธ๐ฎ๐๐๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฒ-๐น๐ฎ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ฝ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป. Sa simpleng anyo nito, ang corned beef ay nagiging simbolo ng katatagan, isang paalala na kahit limitado ang yaman, may kakayahan pa ring bumangon, magtiis, at magpatuloy ang bawat pamilyang Pilipino. Ito ang pagkain na sumasalo sa gutom, ngunit higit pa rito, sumasagisag ito sa hindi matatawarang tibay ng loob ng mga manggagawa na araw-araw nakikipagsapalaran para sa kanilang kabuhayan. Sa bawat pagbukas ng lata, tila ba binubuksan din ang kuwento ng pagsisikap, sakripisyo, at pag-asa, mga haliging bumubuo sa diwa ng pagiging Pilipino.
Subalit sa kabilang banda, may isa pang mas mabigat at masalimuot na kahulugan na ikinakabit sa salitang โcorned beefโ sa kasalukuyang panahon. ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ฟ, ๐น๐ฎ๐น๐ผ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐บ๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด-๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป. Ginamit ito bilang bansag sa mga kabataang pinaslang at inilarawan sa paraang tila ba silaโy walang mukha at pagkatao, parang de latang dinurog at pinagtagpi-tagpi. Sa ganitong konteksto, ang corned beef ay hindi na lamang pagkain na tumutugon sa pisikal na gutom, kundi nagiging simbolo rin ng panlipunang sugat at pagkawala ng dignidad. Ang ganitong pagbansag ay hindi lamang pagbaluktot sa kahulugan ng isang simpleng pagkain, kundi pagyurak din sa pagkatao ng mga indibidwal na may pangarap, paninindigan, at boses sa lipunan.
Dito natin makikita ang matinding kontradiksyon: ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ผ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐-๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐๐ถ๐น ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐. Ang corned beef, bilang simbolo, ay nahahati sa dalawang mukha: isa na nagpapakita ng resiliency at survival ng karaniwang Pilipino, at isa na sumasalamin sa mapait na realidad ng panunupil at pagbansag sa mga kabataang lumalaban para sa kanilang paninindigan. Sa ganitong pagtingin, hindi na lamang ito usapin ng pagkain, kundi usapin ng kahulugan at kung paano natin pinapahalagahan ang buhay at dignidad ng kapwa.
Sa huli, ang hamon sa atin ay hindi lamang kilalanin ang corned beef bilang simpleng pagkain o simbolo ng pagtitiis, kundi bilang paalala na ang tunay na laban ng mga Pilipino, manggagawa man o estudyante, ay hindi lamang laban sa gutom, kundi laban para sa dignidad, hustisya, at karapatang pantao. Sapagkat ang tunay na kahulugan ng pagiging matatag ay hindi lamang ang kakayahang mabuhay sa gitna ng hirap, kundi ang lakas ng loob na ipaglaban ang nararapat, kahit pa itoโy may kaakibat na panganib. Sa pag-unawa sa dalawang mukha ng simbolong ito, mas nagiging malinaw na ang resiliency ng Pilipino ay hindi dapat ihiwalay sa patuloy na panawagan para sa pagkilala, paggalang, at katarungan sa bawat buhay na patuloy na lumalaban.
๐๐ง๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐-๐ง๐๐๐๐๐ก๐!
๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ง๐๐๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก!
๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐ ๐๐ง๐๐๐ฆ!