18/05/2026
Marami ang nagtatanong:
“Kapag naging National President ka, paano mo maipapakita ang tunay na transparency at accountable leadership?”
Para sa akin, hindi sapat ang puro pangako. Dapat may malinaw na sistema at konkretong hakbang na mararamdaman ng bawat miyembro.
Narito ang tatlong pinakamalaking hakbang para maisakatuparan ito:
✅ 1. OPEN FINANCIAL REPORTING SA BUONG KAPATIRAN
Bawat pondo ng National at Regional level ay dapat may malinaw at regular na ulat.
Dapat alam ng bawat Kuya at Ate:
• Magkano ang pumapasok
• Saan ginagamit
• Ano ang status ng projects
• Sino ang authorized sa paggastos
Hindi pwedeng “magtiwala nalang.” Ang tiwala ay pinapatunayan sa pamamagitan ng transparency.
✅ 2. AUDIT AT PROPER DOCUMENTATION NG LAHAT NG MAJOR TRANSACTIONS
Lahat ng major events, collections, at projects ay dapat documented, liquidated, at may tamang approval process.
Magkakaroon ng:
• Standard procurement process
• Multiple signatories sa major disbursement
• Proper liquidation and turnover
• Independent audit system
Kapag malinaw ang proseso, nawawala ang duda at mas tumitibay ang pagkakaisa.
✅ 3. IBALIK ANG PONDO SA MGA MIYEMBRO AT KOMUNIDAD
Ang pondo ng kapatiran ay hindi dapat natutulog lamang. Dapat ito ay napapakinabangan ng bawat Kuya, Ate, at bunso.
Dapat may konkretong programa para sa:
• Medical assistance
• Outreach support
• Disaster response
• Leadership training
• Youth and sports development
• Assistance sa mga kapatid na nangangailangan
Panahon na para maramdaman ng bawat miyembro na ang samahan ay tunay na para sa lahat at hindi lamang para sa iilan.
Hindi magiging madali ang pagbabago. Maraming nasanay na sistema ang kailangang ayusin. Pero kung seryoso tayo na ibalik ang dangal, tiwala, at tunay na diwa ng serbisyo sa ating minamahal na Agila, kailangan nating magsimula sa malinis, bukas, at accountable na pamumuno.
Hindi ito laban ng personalidad.
Laban ito para sa kinabukasan ng ating kapatiran.
Kaya aking paalala “HUWAG KA TATANGAP NG GRASYA NG HINDI TAYO MADISGRAYA!”
SALAMAT PO
MABUHAY ANG AGILA! 🦅