26/08/2026
Matagumpay na pinangunahan ng Cavite State University ROTC Unit ang pagsasaayos ng daloy ng ginanap na Student and Parent Orientation para sa Taong Panuruan 2026–2027 sa CvSU Gymnasium noong Agosto 12 at Agosto 25, 2026. Pinagsama-sama ng gawaing ito ang mga bagong mag-aaral sa unang taon, transferees, returnees, at mga mag-aaral ng Teacher Certificate Program (TCP), kasama ang kanilang mga magulang at tagapangalaga, pati na rin ang mga opisyal ng kampus, miyembro ng kaguruan, at kawani. Nagsilbi itong mahalagang oportunidad upang tanggapin ang mga bagong mag-aaral at ang kanilang pamilya habang binibigyan sila ng mahahalagang impormasyon para sa isang maayos na paglipat sa buhay-unibersidad.
Inilahad sa mga kalahok ang mga patakarang akademiko, sistema ng pagmamarka, alituntunin sa kampus, serbisyo para sa mag-aaral, at ang mga organisasyong pangkampus na maaari nilang kabilangan upang magsilbing gabay sa kanilang akademikong paglalakbay. Hinihikayat din ang mga magulang at tagapangalaga na aktibong makilahok, suportahan ang mga layuning pangedukasyon ng kanilang mga anak, at bumuo ng isang makabuluhang pagtutulungan kasama ang Unibersidad.
Kabilang sa mga dumalo sa unang araw ng oryentasyon Agosto 12, 2026 ang mga mag- aaral mula sa Bachelor of Science in Business Administration, Bachelor of Science in Office Administration, Bachelor of Science in Entrepreneurship, Bachelor of Early Childhood Education (BECED), Bachelor of Elementary Education (BEEd, major sa English at Mathematics), at Bachelor of Science in Hospitality Management (BSHM), kasama ang kanilang mga pamilya. Noing Agosto 25, 2026 binuo ang oryentasyon ng mga mag- aaral mula sa program ng Computer Science (CS) at Information Technology (IT) kasama ang kanilang mga magulang.
Pinangunahan ang aktibidad ni PFC Marione Margaret P Fronda PA (Res), kasama ang dalawa (2) na 1CL Cadet Officers, apat (4) na 2CL Cadet Officers, at tatlo (3) na 3CL cadets.
Ang naturang gawain ay isinagawa sa ilalim ng pamamahala ni CPT SHERWIN E JANDA INF PA (RES), Commandant, at 1LT MARLON Q MARTINEZ OS PA (RES) ng CvSU–Imus ROTC Unit.