05/10/2025
ANG TAPAT NA LINGKOD
2 Timoteo 2:15
โPagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.โ
Reflection:
May pamantayan ang bawat uri ng paglilingkod. Kung magluluto, ang pamantayan ay marunong magluto. Kung magtuturo, dapat marunong magturo. Ganoon din sa paglilingkod sa Diyosโmay pamantayan Siya para sa mga lingkod Niya.
Hindi tao ang nagtatakda ng pamantayan kundi ang Diyos mismo. Siya ang nagbibigay ng sukatan kung sino ang tunay na lingkod na kalugod-lugod sa Kanya.
Sa 2 Timoteo 2:15, makikita ang tatlong katangian ng tapat na lingkod:
I. Kalugod-lugod sa paningin ng Diyos
II. Walang itinatago o ikinakahiya
III. Tama ang paggamit sa Salita ng Katotohanan
I. Kalugod-lugod sa paningin ng Diyos
Ang tunay na lingkod ay hindi naghahanap ng papuri ng tao, kundi ng pagsang-ayon ng Diyos. Ang kanyang layunin ay mapalugod ang Panginoon sa lahat ng ginagawa niya. Ang puso niya ay nakatuon hindi sa sariling kapakanan, kundi sa kalooban ng Diyos.
II. Walang itinatago o ikinakahiya
Ang lingkod ng Diyos ay tapat at lantad. Walang pagkukunwari, walang pinagtatakpan, at hindi nahihiya sa kanyang paglilingkod. Matatag siya sa pananampalataya at hindi natitinag sa kahihiyan o panlilibak ng tao.
III. Tama ang paggamit sa Salita ng Katotohanan
Mahalaga sa isang lingkod ang tamang paghawak at pagpapaliwanag ng Salita ng Diyos. Hindi ito dapat baluktutin o gamitin para sa pansariling interes. Ang layunin ay maihatid ang katotohanan nang malinaw, tapat, at kapaki-pakinabang para sa kaligtasan ng iba.