10/05/2026
๐๐ผ๐ผ๐-๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐! โ๐ฅ
Buong lakas na ipinapahayag ng College of Arts and Sciences Student Council ang aming walang pag-aalinlangang suporta sa buong partido-alyansang bumubuo sa CvSU Kilos Na! para sa darating na Central Student Government Elections, isang kilusang naglalayong isulong ang isang pamantasang nagkakaisa, nangangahas, at tunay na kumakatawan sa boses ng bawat estudyante.
Kasabay nito, buong pagmamalaking sinusuportahan ng Kolehiyo ng Sining at Agham ang ating mga kapwa lider-estudyante na sina Carl Xandrei Mampusti at John Rey โRJโ Lamberto sa kanilang patuloy na laban para sa makabuluhan at makamasang pamumuno.
Si Carl Xandrei Mampusti, mula sa programang Sining sa Pamamahayag, ay isang patunay na walang hadlang ang pagiging iregular na mag-aaral sa tunay na paglilingkod. Sa kanyang walang sawang pagtataguyod sa karapatan at representasyon ng mga iregular na estudyante, nagsilbi siya bilang Senador Panakademiko ng College of Arts and Sciences Student Council, Vice Chairperson ng Committee on Academic Affairs sa pinakamataas na konsehong pang mag-aaral, ang Central Student Government, at kinikilalang pangulo ng pinakamalaking organisasyon ng mga iregular na mag-aaral, ang University Irregular Organization.
Samantala, si John Rey โRJโ Lamberto mula sa programang Sining sa Agham Pampulitika ay patuloy na nagpapakita ng husay sa larangan ng legal at lehislasyon. Bilang Vice-Chairperson ng Committee on Rules and Constitutional Reform noong nagdaang termino sa Central Student Government at kasalukuyang Executive Vice President ng UTOPIA, ipinapakita niya ang uri ng lideratong may prinsipyo, kakayahan, at malasakit sa kapwa mag-aaral.
Muli, taas-kamaong ipinakikilala at sinusuportahan ng College of Arts and Sciences Student Council ang CvSU Kilos Na! para sa isang pamantasang nagkakaisa, progresibo, at tunay na makatao.
๐ท๐๐๐๐๐
๐๐๐
โ๐ผ Jon Anthony I. Gandullas (CED)
๐ฝ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐
๐๐๐
โ๐ผ Gerald G. Ambata (CEMDS)
๐บ๐๐๐๐๐๐๐
โ๐ผ John Phillip Antonio (CCJ)
โ๐ผ Junel E. Delgado (CED)
โ๐ผ Brent Andrei Gabriel (CEMDS)
โ๐ผ Raia Alecshia D. Garcia (CEIT)
โ๐ผ John Rey Lamberto Jr. (CAS)
โ๐ผ Carl Xandrei E. Mampusti (CAS)
โ๐ผ Sem Pablo R. Mateo (CEIT)
โ๐ผ Ma. Antonia C. Palma (CSPEAR)
โ๐ผ Abenezer U. Sumadsad (CON)
Mangahas na CvSUmulong, Iskolar ng Bayan, Paglingkuran ang Sambayanan bilang Nagkakaisang Pamantasan!
๐๐๐ฆ๐จ๐บ๐๐น๐ผ๐ป๐ด. ๐๐๐ฆ๐จ ๐ ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ. ๐๐๐ฆ๐จ ๐๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ก๐ฎ!