31/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฏ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐!
Ang Elite League of Information Technology Students (ELITS) ay mariing tumututol sa pagbawas ng pondo para sa ating pamantasan.
Ang ating pamantasan ay nahaharap sa 3.17% na budget cut sa taong 2027. Mula sa โฑ2,116,592,000 na budget noong 2026, โฑ2,049,499,000 na lamang ang inilaan para sa ating pamantasan ngayong 2027โisang pagbawas na โฑ67.093 milyon.
Hindi lamang ito simpleng numero sa isang dokumento. Ang bawat pisong nababawas sa pampublikong edukasyon ay maaaring magkaroon ng epekto sa mga serbisyong umaabot sa mga estudyante, sa kalagayan ng ating mga g**o at kawani, sa ating mga silid-aralan at laboratoryo, sa pananaliksik at inobasyon, sa student services, at sa iba pang programang bumubuo sa isang makabuluhan at dekalidad na edukasyon.
Sa panahong patuloy na tumataas ang gastusin sa pag-aaral, pamasahe, pagkain, kagamitan, at iba pang pangangailangan ng mga estudyante, hindi pagbawas ang kailangan ng edukasyonโkundi dagdag na suporta at sapat na pondo.
Ang ๐ฒ๐ฑ๐๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ. Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan ng pondo sa pangarap ng isang kabataang nais makapagtapos. Hindi dapat mapilitan ang mga estudyante at g**o na pagkasyahin ang kulang na resources habang patuloy na hinihingi sa kanila ang kalidad at kahusayan.
Bilang mga estudyante ng teknolohiya, alam natin ang halaga ng investment sa kinabukasan. Kung nais nating magkaroon ng mas mahusay na mga propesyonal, mananaliksik, innovators, programmers, engineers, educators, at iba pang kabataang magsisilbi sa bayan, kinakailangang ngayon pa lamang ay may sapat na pamumuhunan sa kanilang edukasyon.
Hindi tayo tahimik habang binabawasan ang pondong dapat para sa edukasyon. Hindi tayo mananahimik habang ang kalidad ng pag-aaral at kapakanan ng mga estudyante ay nakasalalay sa kakulangan ng resources.
KAYA NAMAN ANG ATING PANAWAGAN:
-๐ป๐จ๐จ๐บ๐จ๐ต ๐จ๐ต๐ฎ ๐ท๐ถ๐ต๐ซ๐ถ ๐ท๐จ๐น๐จ ๐บ๐จ ๐ฌ๐ซ๐ผ๐ฒ๐จ๐บ๐๐ถ๐ต!
-๐ผ๐ต๐จ๐ฏ๐ฐ๐ต ๐จ๐ต๐ฎ ๐ฒ๐จ๐ท๐จ๐ฒ๐จ๐ต๐จ๐ต ๐ต๐ฎ ๐ด๐ฎ๐จ ๐ฌ๐บ๐ป๐ผ๐ซ๐๐จ๐ต๐ป๐ฌ!
-๐บ๐ผ๐ท๐ถ๐น๐ป๐จ๐ฏ๐จ๐ต ๐จ๐ป ๐ฉ๐ฐ๐ฎ๐๐จ๐ต๐ฎ ๐ฏ๐จ๐ณ๐จ๐ฎ๐จ ๐จ๐ต๐ฎ ๐จ๐ป๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ด๐ฎ๐จ ๐ฎ๐ผ๐น๐ถ ๐จ๐ป ๐ฒ๐จ๐พ๐จ๐ต๐ฐ!
-๐ซ๐จ๐ฎ๐ซ๐จ๐ฎ๐จ๐ต ๐จ๐ต๐ฎ ๐ท๐ถ๐ต๐ซ๐ถ ๐ท๐จ๐น๐จ ๐บ๐จ ๐ด๐ฎ๐จ ๐ณ๐จ๐ฉ๐ถ๐น๐จ๐ป๐ถ๐น๐๐ถ, ๐ท๐จ๐บ๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ซ๐จ๐ซ, ๐จ๐ป ๐ณ๐ฌ๐จ๐น๐ต๐ฐ๐ต๐ฎ ๐น๐ฌ๐บ๐ถ๐ผ๐น๐ช๐ฌ๐บ!
-๐ท๐จ๐ณ๐จ๐ฒ๐จ๐บ๐ฐ๐ต ๐จ๐ต๐ฎ ๐น๐ฌ๐บ๐ฌ๐จ๐น๐ช๐ฏ, ๐ฐ๐ต๐ต๐ถ๐ฝ๐จ๐ป๐ฐ๐ถ๐ต, ๐จ๐ป ๐บ๐ป๐ผ๐ซ๐ฌ๐ต๐ป ๐ซ๐ฌ๐ฝ๐ฌ๐ณ๐ถ๐ท๐ด๐ฌ๐ต๐ป ๐ท๐น๐ถ๐ฎ๐น๐จ๐ด๐บ!
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐!
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ฆ๐ข ๐ง๐๐ง๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐ฎ๐ก๐จ.
Nananawagan kami para sa sapat.
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ฆ๐ข ๐ก๐ฎ๐ฆ๐ข๐ก๐ข๐ง๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐๐ซ๐.
Hinihingi namin ang nararapat.
Ang bawat estudyante ay may karapatang matuto sa isang pamantasang may sapat na kagamitan. Ang bawat g**o ay may karapatang magturo nang may sapat na suporta. At ang bawat Pilipinong kabataan ay may karapatang mangarap at makapagtapos nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng kanilang edukasyon.
๐จ๐ต๐ฎ ๐ฌ๐ซ๐ผ๐ฒ๐จ๐บ๐๐ถ๐ต ๐จ๐ ๐ฏ๐ฐ๐ต๐ซ๐ฐ ๐ซ๐จ๐ท๐จ๐ป ๐ป๐ฐ๐ต๐ฐ๐ป๐ฐ๐ท๐ฐ๐ซ.
๐ฉ๐ผ๐ซ๐ฎ๐ฌ๐ป ๐บ๐จ ๐ฌ๐ซ๐ผ๐ฒ๐จ๐บ๐๐ถ๐ต, ๐ซ๐จ๐ฎ๐ซ๐จ๐ฎ๐จ๐ต!
๐ฒ๐จ๐ท๐จ๐ฒ๐จ๐ต๐จ๐ต ๐ต๐ฎ ๐ฌ๐บ๐ป๐ผ๐ซ๐๐จ๐ต๐ป๐ฌ, ๐ฐ๐ท๐จ๐ฎ๐ณ๐จ๐ฉ๐จ๐ต!
๐ฒ๐จ๐น๐จ๐ท๐จ๐ป๐จ๐ต ๐บ๐จ ๐ฌ๐ซ๐ผ๐ฒ๐จ๐บ๐๐ถ๐ต, ๐ฐ๐ท๐จ๐ฎ๐ป๐จ๐ต๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ณ!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!