Patulang ligaw

Patulang ligaw This page is for poetry lovers

Di na ikaw yung dati naming nasasandalan,Nasasandalan sa tuwing kami'y inaapi ng kalungkutan,Di na ikaw yung ilaw na nag...
28/02/2023

Di na ikaw yung dati naming nasasandalan,
Nasasandalan sa tuwing kami'y inaapi ng kalungkutan,
Di na ikaw yung ilaw na nagbibigay liwanag,
Liwanag sa madilim naming binabagbag.

27/06/2021

Sarap pagmasdan pagsulyap ng araw,
Dala ang pag-asang natatanaw,
Sa kabila ng lahat siya'y lilitaw,
Upang gumabay at maging mabuting tanglawβ£οΈπŸŒ…

Ang iyong problema ay maaaring  sinlaki ng barko,Subalit ang Panginoon ay mayroong solusyon na sinlawak ng karagatan πŸ˜‡πŸ’•
07/04/2021

Ang iyong problema ay maaaring sinlaki ng barko,
Subalit ang Panginoon ay mayroong solusyon na sinlawak ng karagatan πŸ˜‡πŸ’•

"Lirisa, kilala pa ba kita?              _totoymakataMinsan isang araw dumating sa puntong,Sinapol ng dilim ang pagmuni ...
07/04/2021

"Lirisa, kilala pa ba kita?
_totoymakata
Minsan isang araw dumating sa puntong,
Sinapol ng dilim ang pagmuni , na tila'y ribong,
Di alam gagawin, binabalot ng takot,
Waring hinahabol ang paghingang 'di umaabot,
Sa ginhawang hinahangad,kahit masalimuot.

Alam kong, ako ito, subalit hindi sigurado,
Naghahalo ang diwa't damdamin parang siraulo,
Andaming gumugulo, bumibisita sa isipan ko,
Ngunit anong gagawin,gulong-gulo ito.

Nawawalan ng pag-asa,
Itong si makata,
Na balang araw mawala,
Pangarap na adhika,
Subalit pinipilit makita,
Liwanag, kasabay ng pananampalataya,

Daratal din kalmadong ikaw,
Na dala ang pangalang malinaw,
Pihong sa sariling ikaw,
Mismo ang isinisigaw.πŸ’•

12/03/2021

Address

Sitio UlipananBrgy. Dahican
Jose Panganiban

Telephone

+639553980673

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Patulang ligaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share