21/08/2026
๐๐๐๐ญ๐๐ค๐ฌ๐ญ๐จ || ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ ๐ก๐ถ๐ป๐ผ๐
Hindi lahat ng bayani ay may kapang isinusuot. Minsan, sila ay mga taong piniling tumayo kahit alam nilang may kapalit ang kanilang paninindigan. Sa kasaysayan ng Pilipinas, isa ang kaniyang pangalan na maihahambing sa tapang at sakripisyo.
Siya si ๐๐ฒ๐ป๐ถ๐ด๐ป๐ผ โ๐ก๐ถ๐ป๐ผ๐โ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฟ.
Ngayong Agosto 21, ginugunita natin ang ๐ก๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฎ๐. Isang araw na hindi lamang nakalaan sa pag-alala sa isang taong pinaslang, kundi sa pagninilay sa mga prinsipyo at kalayaang ipinaglaban niya. Taun-taon, bumabalik ang alaala ng kaniyang pagkamatay na gumising sa bayang nababalot ng takot. Ang pagpaslang kay Ninoy ay naging mitsa ng malawakang pagkilos ng mga Pilipino at isa sa mahahalagang pangyayaring humantong sa ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ ๐ฃ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐ถ๐ผ๐ป noong 1986. Mula sa isang bala, umalingawngaw ang tinig ng isang sambayanang naghahangad na muling marinig at makapagsalita para sa sarili nitong kinabukasan.
Ang kanyang mga salitang, โThe Filipino is worth dying for,โ ay hindi lamang isang pahayag tungkol sa pagmamahal sa bayan. Isa itong paalala na ang tunay na diwa ng pagiging makabayan ay hindi nasusukat sa mga salitang ating sinasabi, kundi sa mga pagpapahalagang pinipili nating ipagtanggol kahit walang nakakakita.
Ngayong Ninoy Aquino Day, hindi lamang natin alalahanin ang isang bayani na namatay para sa kanyang paninindigan. Alalahanin din natin ang isang mamamayang naniniwalang may mas mabuting kinabukasan para sa Pilipinas. Sapagkat ang isang sakripisyo ay tunay na nagiging makabuluhan kapag ang mga naiwan ay nagpapatuloy sa ipinaglaban.
Isinulat ni Camille Faye A. Dema-ala
Disenyo ni Gabriel Tutanes