30/08/2026
“Normal lang na bahain tayo kasi tag-ulan eh.”
But really?
Ilang taon na natin nararanasan ang ganitong sitwasyon? Ilang taon na tayong lumulusong sa baha, naglilipat ng gamit, nawawalan ng kabuhayan, at naghihintay na lamang na humupa ang tubig?
Tila walang pagbabago.
Iaasa na lang ba natin ito sa katatagan o RESILIENCY ng mga Pilipino?
Behind those smiles despite every circumstance, WE DESERVE ACCOUNTABILITY.
Hindi sapat ang bare minimum na ayuda na ibinibigay ng gobyerno. Minsan, pati sa relief goods, kailangan pa ng kapit at koneksyon para lamang maisama sa listahan. Ganito na lang ba palagi? Ang saklap. Ang sakim.
Sana ay NATUTO na tayo.
Sana ay sapat na ang sigaw ng bawat kalamidad upang maramdaman natin ang mga pagkakamaling matagal nang inuulit.
Magalit. Makialam. Maging mapagmatyag.
Magalit tayo sa korapsyon at sa mga patuloy na kumukurakot—sapagkat isa ito sa mga sakit na patuloy na nagpapahina sa ating lipunan.
Makialam tayo sa mga isyung kinahaharap ng mga mamamayan. Huwag nating hayaang maging normal ang kapabayaan, katiwalian, at kawalan ng pananagutan.
At higit sa lahat, maging mapagmatyag tayo sa anumang oras.
Nawa’y sa mga susunod na buwan ay humupa na ang baha.
Ngunit higit sa lahat, sana’y huwag nating hayaang lumubog sa limot ang mga nangyari.
HUWAG TAYONG MAKALIMOT.
🖼️: Ashley Nicole