29/07/2026
✨ MARAMING SALAMAT, DEPARTAMENTONG FILIPINO! 💚💛
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa bawat mag-aaral ng Departamentong Filipino na nagbigay ng kanilang oras, lakas, talento, at walang sawang suporta sa ating paglahok sa iba't ibang patimpalak ng Nutrition Month 2026.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pagsuporta sa ating mga kalahok sa Pasiklaban sa Kusina, Table Skirting, Fruit Carving, Extempo, Nutri Dance Contest, Essay Writing, Slogan Contest, Poster Making Contest, at Mr. A1 & Ms. A1.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa paghahanda ng Fruit and Vegetable Display, mula sa pagbuo, pag-aayos ng mga gulay at prutas, hanggang sa paggawa ng napakagandang Nutri Costume ng ating mga kandidata. Ang inyong dedikasyon at pagtutulungan ang naging susi sa tagumpay ng ating departamento.
Bilang inyong Department President, Alcher Jade Longcob, kasama ang buong hanay ng mga opisyal ng Departamentong Filipino, kami ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong tiwala, suporta, at pagkakaisa.
Ang bawat tagumpay na ating natamo ay bunga ng sama-samang pagsisikap. Patuloy nating ipakita na ang Departamentong Filipino ay hindi lamang mahusay, kundi nagkakaisa, nagtutulungan, at laging handang maglingkod.
Isang taos-pusong pagpupugay sa inyong lahat! Mabuhay ang Departamentong Filipino! 🇵đź‡đź’š