27/02/2026
๐๐ธ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐๐น๐๐ฟ๐, ๐๐ธ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ฝ๐ผ๐๐น๐๐ฟ๐!
Mas madalas makita ang mga magsasaka at researchers, abala sa lupa at hayop, sa palay at sa manok. Naroon ang pawis na nagiging ani, ang sipag na naging yaman.
๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ก๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐๐ฟ๐ฐ๐ฒ๐ (๐๐๐ก๐ฅ), katuwang sa pagpapanatili ng kultura ng sipag, disiplina, at malasakit sa kalikasan. Hindi lamang kami tagapagpatupad ng mga gawain at programa, kundi tagapagtaguyod ng adhikaing paunlarin ang agrikultura at likas-yaman para sa komunidad. Sa bawat aktibidad at serbisyong aming hinahatid, dala namin ang dangal at identidad ng isang kolehiyong humuhubog ng mga lider na may puso para sa lupa, hayop, at kapaligiran. Kami ang lakas ng organisasyon, ang ugat ng pagkakaisa, at ang bunga ng ipinagmamalaking CANR!
Ang bawat sisiw na napipisa ay sumisimbolo ng panibagong simula. Ang bawat pakpak na lumalakas ay patunay ng tiyaga at tamang pangangalaga. Sa bawat produksyon ng itlog at karne, naroon ang dedikasyon sa food security at sustenableng agrikultura. Ang kulungan ay nagiging silid-aralan, at ang bukirin ay nagiging laboratoryo kung saan ang teorya at praktika ay nagsasanib. Sa CANR, ang kultura ay nakaugat sa sipag at integridad. Ang pawis ay hindi reklamo kundi dangal. Ang responsibilidad sa kalikasan at komunidad ay hindi opsyon kundi panata.
Maingat. Masinop. May pagmamalaki.
โ๏ธ Bea Patrice B. Laguitan, ๐๐ฆ๐ธ๐ด ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ; Eunice Angela D. Ang, ๐๐ฆ๐ฏ๐ช๐ฐ๐ณ ๐๐ณ๐ช๐ต๐ฆ๐ณ
๐จ John Leo S. Benitez, ๐๐ฐ๐ฎ๐ช๐ค๐ด ๐๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ค๐ฆ๐ณ
Layout by Eliandrei Joedel P. Layosa, ๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต