Partidong AWRA

Partidong AWRA Its more fun when WE are ONE! ANG PLATAPORMA NG AMING PARTIDO:
*PANGINOON AT AKO
*SCHOOL HYGIENE
*FIRST AID KIT
*FUND RAISING ACTIVITIES
*SUGGESTION BOX

GAWING EXCITING AND REMOTE LEARNING ❤❤LETS HELP EACH OTHER EVERYONE 🎉🎊💛For more information please contact Sir Roby John...
05/06/2020

GAWING EXCITING AND REMOTE LEARNING ❤❤
LETS HELP EACH OTHER EVERYONE 🎉🎊💛

For more information please contact
Sir Roby John Sardon ❤
Mam Nhing Diones❤

(A donation drive for public school students)

07/03/2018

Lets Vote For PARTIDONG WOW MAGIC!. I HOPE YOU WILL VOTE THEM LIKE HOW YOU SUPPORT US LAST YEAR THANK YOU!

05/03/2018

Magandang magandang magandang magandang araw sa inyong lahat!
Mga ka-awra! Namiss nyo ba ang campaign period?

Suportahan natin ang isa sa bagong partido na kumakandidato!
Ang partidooooooooooooooooooooonggg...
WOW! M.A.G.I.C.!
(Making actions with governance integrity and compassion)

PARTIDONG WAO MAGIKKK

MAJOR OFFICERS :
President : John Patrick Abunda Floralde ( X-1 )
Vice President : Eunice Dizon ( X-4 )
Secretary : Lester Charles Barrion ( IX-14 )
Treasurer : Adrian Agassi ( IX-2 )
Auditor : Jemimah Bañares ( IX-3 )
P.I.O : Ram Aleckster Apostol ( IX-1 )
P.O : Rachel Villanueva ( IX-1 )

GRADE 12 BATCH REPRESENTATIVES :
☆ Joanna Ligutom ( GAS )
☆ Raeven Gutierrez ( GAS )

GRADE 10 BATCH REPRESENTATIVES :
☆ Anthony Habetacion ( IX-3 )
☆ Marcjoseph Siggaoat ( IX-1 )
☆ Rowelyn Salgados ( IX-5 )
☆ Shaine Magluyoan ( IX-1 )

GRADE 9 BATCH REPRESENTATIVES :
☆ Michelle Labrador ( VIII-1 )
☆ Christine Gulle ( VIII-1 )
☆ Jhasmin Ferrer ( VIII-6 )
☆ Maria Jessica Tolentino ( VIII-1 )

GRADE 8 BATCH REPRESENTATIVES :
☆ Carlo Ventayen ( VII-A )
☆ Nicole Beato ( VII-3 )
☆ Gino Gutierrez ( VII-A )
☆ Raiza Nojara ( VII-A )

PS : VOTE STRAIGHT ☺

PLATAPORMA :
● IPAGLABAN MO !
● WISH KO LANG
● MMK
● STORIES FOR THE SOUL
● KAPWA KO MAHAL KO

Muli, magandang araw sa inyong lahat!😊

04/01/2018

EDUCATION👨‍🎓👩‍🎓 is the MOST POWERFUL WEAPON which you can use to CHANGE THE WORLD🌐

28/12/2017

PNHS-Main AWRA Campus Integrity Crusaders

SHARE YOUR STORY
(Story #1)
Mamangha at matuto sa istorya ni Ezekiel (hindi niya totoong pangalan) kung paano niya nalagpasan ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhat at alamin kung ano ang kanyang ginawa para makamit ang kanyang goals/pangarap sa buhay.

Hi, ako nga pala si Ezekiel, di ko tunay na pangalan. Sana may makuha kayong aral sa kwento ko at inyo itong kapulutan ng aral.
Naniniwala ako na tayong mga tao sa may mga sariling misyon sa mundong ito, misyong matatagumpayan mo kung iyo itong paghihirapang trabahuhin. Kaya siguro bata palang ako di na ako kinuha ng ating Panginoon kahit na napakaimposible ko nang mabuhay. Dahil may aksidente noon na nahulog ako sa aming balkonahe at may natusok na pako sa likod ng aking ulo, opo pako. Napakahirap isipin pano ako nakaligtas pero salamat sa ating panginoon dahil binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon.
Yun ang simula ng pagsubok sa aking buhay. Naniniwala ako na ang pagsubok na ito ay siyang maghahatid sayo sa tagumpay. Nung Unang baitang ako dahil sa parang di ko pa alam ang mga nangyayari at sa aming enrollment ay tinanong kami ng mga ibat ibang bagay. Hindi ako nakasagot kaya kinalabasan napunta ako sa pinakamababang seksiyon. Sa pagpunta ko nun sa seksiyon na iyon, di ko akalain na iba ako sa kanila parang ako yung madaming alam at di naman sa sinasabi ko, matalink sa kanila. Kaya pinursigi ko talaga nun na mapunta sa Mataas na Seksiyon, nag aral ako ng mabuti at nagset ako ng goal ko na dapat mapunta ako sa Seksiyon 1, pinakamataas ma Seksiyon. Kasi kung may goal ka pursigido ka itong abutin.
Di naman ako nabigo kasi pagkatapos sa Unang Baitang ko nun, Napunta ako sa Seksiyon 3. Woahhhh! Section 10 galing section 3, tingin ko yun ang una kong achievement na nakuha. Pagdating ng Grade 2,3,4 hindi ko pinabayaan ang pag aaral ko at nanatili sa Seksiyon na yun. Sa ikaapat na baitang , ito na ulit mas lalo ko pang pinag igihan ang pag aaral ko kasi di ko pa talaga nakukuha ang goal ko na mapunta sa 1. Kaya yun napakadami kong ginawa, nag aral , nagbasa. At laking gulat ko nang natanggap ko ang aking card, ang nakalagay na seksiyon ay 1, Grade 5 -1 na ako! Sa dinami dami ng pagsubok talagang kailangan mo lang maniwala sa sarili mo. Hanggang Ikaanim na baitang ay naging seksiyon 1 ako. Napanatili ko iyon kahit na wala ako sa Top basta sa akin napunta ako sa Seksiyon 1.
Pagdating ng High School magkakaroon ng entrance exam para sa seksiyon 1, 2 and 3. Kasi nakapasok ang average ko sa bibigyan ng test para sa Seksiyon na iyon. Dahil sa mithiin kong manatili uli sa 1 syempre kailangan mong mag aral para makapasa. Sa katunayan hindi ko talaga inakala na Ang magiging seksiyon ko noong Grade 7 ako ay 1. Woaaahhh. Tingin ko napakablessed ko nun. Madaming magbabago pag ikay nasa ikapitong baitang na, di kana naglalaro at mag aaral ka nalang at mag aaral. Sa mga araw na iyon,inggit na inggit ako sa mga kaklase ko na madaming pera at madaming baon. Si mama kasi nun kasambahay lang sa Maynila at siya lang nag papaaral sa amin. Kaya di kalakihan ang aming baon kasi kailangang magtipid. Kaya minsan dahil din sa bayarin sa paaralan nauubos na ang pera ko, pero di ko ito hinayaang maging dahilan para ako ay sumuko ginamit ko itong inspirasyon para magpursigi pa talaga sa pag aaral at ginamit ko rin ang pag hihirap ng aking magulang para matupad ang aking pangarap hanggang sa isa sa mga pangarap ko ay natupad din. Napasama ako sa Top 10 sa buong Grade 7 sa aming paaralan. Nasa Top 5 ako nun at hinding hindi ko iyon makakalimutan, nagsimula sa mababang seksiyon at ngayon napasama na sa Top 5. Bilang kapalit nun sa paghihirap ng aking magulang ito ang ibinalik ko sa kanila di man materyal na bagay bagkus magiging daan naman ito para akin silang mapasaya.Hanggang ngayon sa aking pag aaral sinubok din ako ng panahon, lumipat kami sa maynila para dito na mag aral at sa di inaasahang pagkakataon iba ang sectioning ng mga transferee. Napunta ako sa Secksiyon 13 nun. History repeats itself talaga. Parang nung Grade 1 ko lang. Pero ako yung taong di sumusuko. Nag set ulit ako ng goal ko kahit na imposible susubukan ko, ang goal ko ay mapasama uli sa Seksiyon 1 out of 50 sections. Sobrang taas nun ng pangarap ko pero kahit na imposible na basta maniwala kalang sa sarili mo at iyo itong pagtatrabauhin makakamit mo ito. Hinirang ako nila bilang Top 1 noong grade 8 ako. Dahil sa Top 1 ako napasama ako sa Recognition sa aming paaralan. Di ko mapaliwang ang saya ko nun nung mapunta ako sa Sekiyon 4 nung akoy nasa ikasiyam na baitang na. Ako lang ang nag iisang seksiyon 13 na napunta dun. Pero di pa ito ang goal ko kasi ang goal ko ay 1 kaya para maisakatuparan talaga ito pinag husayan ko pa lalo ang aking pag aaral. At sa aming klase di ko inaasahan na ako uli ang magiging Top 1 nila. Kahit na imposible kasi galing ako sa Mababang seksiyon nagawa ko ito. At sa pangatlong pagkakataon napasama ako sa aming Recognition.Palagi ka talagang susubukan ng tadhana, akala ko noon ay di na matutupad ang aking hiling na mapunta sa 1 kasi nung enrollment namin ay ang nakalagy sa Slip ko ay section 4 uli. Nawalan nako ng pag asa nun kasi huling taon na namin to at itong taon nalang to ang magiging daan para matupad ko ang pangarap ko na maging seksiyon 1. Sa di inaasahang pang yayari binago ang sectioning dahilan na madami ang nagrereklamo sa kinalabasan kaya iyon binago nila. Ang pangalawang resulta ng sectioning ay napunta ako sa 2, sabi ko wala na talaga wala na. Wala na, tama na. Di ko na aasahan nun na magiging 1 ako. Hanggang sa kinaumagahan nun pagkabukas ng pagkabukas ko ng Cellphone ko binago uli ang sectioning at nagulat ako kasi napunta na ako SA SECTION 1!!!! Huwag na huwag niyong hahayaang lamunin kayo ng inyong takot at pagsubok bagkus inyo itong gamitin para matagumpayan ang problema at para sa katuparan ng inyong pangarap. At kapag may gusto kang abutin sa buhay kailangan mo munang mag set ng goal mo para may patutunguhan ang iyong pagpupursigi at paghihirap kasabag nito dapat maging masipag ka at tatagan mo ang iyong loob. Sorry medyo magulo ang kwento ko pero sana may mapulot kayo. Salamat!

27/12/2017

Tell us your story friend

💙💙
01/07/2017

💙💙

12/06/2017

Maligayang araw ng kalayaan!🎉🌈🌈

Address

Aria, Talon Uno, Metro Manila
Las Piñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Partidong AWRA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share