DCOMC Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino

DCOMC Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino Samahan ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino ng Daraga Community college.

21/08/2024

Lulan ng dunong at makadiwang pag-irog, muli nating ipagdiwang ang pinakamahalagang buwan ng ating pinipintuhong wikang pambansa.

Ang buwang ito ay hindi lamang buwan ng ating wikang tinatangi, ito rin ay buwan ng ating pagkalas sa mga talikalang pilit na gumagapos sa atin. Kumawala tayo mula sa hawlang nagkukulong sa atin upang lumago, lumayo, at lumaya. Palayain natin ang ating mga kakayahan, upang itaguyod ang wikang nagbigay sa atin ng pagkakakilanlan at kasarinlan.

Bilang tanda ng paglaya, inaanyayahan namin kayong makilahok, makibahagi, at makiisa sa mga paligsahang inorganisa ng kapisanan ng mga mag-aaral sa Filipino.

Halina't sabay-sabay nating saksihan ang paglaya ng ating mga talento. Maniwala tayong ang mararating natin ay malayo, kung tayo ay mulat at malaya.

Narito ang listahan ng mga paligsahang maaaring lahukan:

Dahil special ka, may budol promo kami sa'yo!Gusto mo ba ng sulit pero abot kayang ice cream? We got you!Subukan na ang ...
22/04/2024

Dahil special ka, may budol promo kami sa'yo!
Gusto mo ba ng sulit pero abot kayang ice cream?
We got you!

Subukan na ang ice cream na may kasamang love, consistency, at assurance.
KAMAFIL presents! Scoop Heaven.
Ito lang ang panlalamig na hindi ka masasaktan.

Ang hindi bumili, hindi namin bati.

Mula sa kaibuturan ng aming mga puso, kami ay malugod na bumabati! Maligayang kaawaran sa DCOMC SAS COORDINATOR, MR. JOE...
25/12/2023

Mula sa kaibuturan ng aming mga puso, kami ay malugod na bumabati! Maligayang kaawaran sa DCOMC SAS COORDINATOR, MR. JOEY MANTES. Nawa'y mapuno ng galak at kasiyahan ang araw na ito sa iyo at magkaroon ka sana ng marami pang oportunidad sa buhay na siyang magdadala sa iyo sa rurok ng iyong mga minimithi.

Mula sa KAPISANAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO, MALIGAYANG KAAWARAN SA IYO!

14/12/2023
14/12/2023

ANNOUNCEMENT | The DComCnian Forum, the official school publication of Daraga Community College, is now issuing new sets of tabloids for the first semester of the academic year 2023-2024.

To claim your copies, please proceed to the DCOMC School Library by 8:00 a.m. to 5:00 p.m. starting today, December 14, 2023, onwards.

Note: Only block presidents and representatives from every organization are advised to proceed to the school library. Signatures are also required as proof of acquisition.

Claim your copy now, DComCnian!

Kaibigan LANG KitaKatha ni: Nolito Ombao Jr.Napakarami kong gustong sabihin sa'yo, gaya ng kung gaano kita kagusto— kung...
18/11/2023

Kaibigan LANG Kita
Katha ni: Nolito Ombao Jr.

Napakarami kong gustong sabihin sa'yo,
gaya ng kung gaano kita kagusto—
kung gaano ko pinapangarap na sana ako na lang
iyong taong madalas mong i-kuwento.

Napakarami kong gustong ipagtapat,
subalit mas pinipili ko na lamang ang magsawalang kibo.
Hindi na mahalaga kung kaibigan lang ang tingin mo,
basta't parati kang nasa tabi ko, sapat na 'yon at kuntento na ako.

Hindi ko na ibig pang palalimin ang namamagitan sa ating dalawa,
ayaw ko nang bumuo tayo ng mga pangarap na pagsisisihan din natin sa huli.
Ayaw ko nang umasa pa at magbakasakali,
dahil unang-una'y alam nating hindi puwede
at imposibleng mangyari.

PHOTO COURTESY: https://www.deviantart.com/eagle4176/art/Unrequited-love-Crying-eye-476115392

MALIGAYANG KAARAWAN SA KINATAWAN NG IKA-APAT NA TAON NG KAMAFIL, ANJANET BUEZA!Nawa'y mapuno ng kasiyahan at tagumpay an...
18/11/2023

MALIGAYANG KAARAWAN SA KINATAWAN NG IKA-APAT NA TAON NG KAMAFIL, ANJANET BUEZA!

Nawa'y mapuno ng kasiyahan at tagumpay ang panibagong kabanata ng iyong pakikipagsapalaran sa buhay. Isa kang dyamante sa organisasyong ito at lubos kaming nagagalak na nagdiriwang ka ng iyong kaarawan kasama kami. Para sa iyo ang araw na ito!

SA MULI, MALIGAYANG KAARAWAN!
ISANG PAGBATI MULA SA KAMAFIL.

14/11/2023
MERYROSE MALATE, SA KANIYANG IKADALAWAMPU'T DALAWANG KAARAWAN!Maraming beses ka mang sinubok ng buhay, maraming beses ka...
13/10/2023

MERYROSE MALATE, SA KANIYANG IKADALAWAMPU'T DALAWANG KAARAWAN!

Maraming beses ka mang sinubok ng buhay, maraming beses kang hinamon ng mundo. Subalit nandito ka pa rin, nananatiling matatag at walang humpay na nakikipagbuno sa mga hamon. Dalawampu't dalawang taon ka nang matibay, matapang, at malakas. Baunin mo sana sa panibago mong paglalakbay ang mga aral na iniwan ng kapwa masasakit at masasayang alaala. Nalulugod kaming kasapi ka sa aming organisasyon, isa kang tunay na maaasahan.

Kaya't mula sa KAPISANAN NG MGA MAG-AARAL SA FILIPINO, ang iyong mga kasama, kabahagi, at katoto, taos-puso ka naming binabati ng maligayang KAARAWAN!

TINGNAN | Bumuhos ang kaligayahan sa katatapos lamang na selebrasyon ng Teacher's day. Binigyang kulay ang kaganapang it...
08/10/2023

TINGNAN | Bumuhos ang kaligayahan sa katatapos lamang na selebrasyon ng Teacher's day. Binigyang kulay ang kaganapang ito ng mga mahuhusay na g**o sa DCOMC. Ang nasabing kaganapan ay inumpisahan noong ika-6 ng Oktobre sa ganap na alas 2 ng hapon at natapos ng alas 7 sa kaparehong araw.

Muli, lubos ang aming pasasalamat sa hindi matatawarang dedikasyon ninyong hulmahin ang aming mga isipan at ihanda kami sa mas mapanubok na kinabukasan. Tunay na kayo'y kapuri-puri, kagalang-galang, at nararapat na bigyan ng pagpapahalaga. Happy Teacher's day!

TINGNAN | SEREMONYA NG PANUNUMPA, MATAGUMPAY NA NAIRAOSSa loob ng mahigit kalahating araw, matagumpay na nairaos ang pan...
07/10/2023

TINGNAN | SEREMONYA NG PANUNUMPA, MATAGUMPAY NA NAIRAOS

Sa loob ng mahigit kalahating araw, matagumpay na nairaos ang panunumpa o Oath Taking Ceremony para sa mga bagong halal na opisyal sa iba’t ibang organisasyon ng Daraga Community College kabilang na ang Kapisanan ng mga mag-aaral sa Filipino o KAMAFIL. Ang nasabing pangyayari ay ginanap noong ika- 6 ng Oktobre sa ganap na alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.

Papugay sa mga bagong halal na manglilingkod ng DCOMC, nawa’y maisakatuparin ninyo ang inyong mga mabubuting balakin.

JUDITH AYNERA, SA KANIYANG IKA-DALAWAMPU'T ISANG TAON NG PAKIKIBAKA.Panibagong kabanata, para sa panibagong kuwento ng p...
07/10/2023

JUDITH AYNERA, SA KANIYANG IKA-DALAWAMPU'T ISANG TAON NG PAKIKIBAKA.

Panibagong kabanata, para sa panibagong kuwento ng paglaban, pagkapit, at pagyabong. Nawa’y mapuno ang araw na ito ng ganap at hindi huwad na kasiyahan. Baunin mo sana ang mga aral ng pagkapagod, pagkalugmok, at mutikang pagsuko upang matamo ang ibayong katatagan para sa iyong panibagong pagbagtas sa landas ng buhay.

Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ipinaaabot namin ang pinakadalisay naming pagbati sa iyo aming butihing KALHIM. Maligayang Kaarawan Judith Aynera !

Address

Salvacion, Daraga, Albay
Legazpi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DCOMC Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to DCOMC Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino:

Share