13/06/2020
Tradisyon ng kapatiran:
kolehiyo ako nuong pumasok ako sa kapatirang akrho, boluntaryong pumunta
Sa tambayan ng mga taong hindi ko kilala,
Nabasbasan bilang neophyte,Nag serbisyo para sakanila, Mga master kung tawagin ko At nirerespeto ko sila, Araw na ng paghuhusga, nakaramdam ako ng sobrang kaba,
isip kong nagtatanong sa sarili kung kakayanin ko ba? Sumagot ang Puso kong desidido upang mapabilang sakanila, At sa wakas nalampasan ko ang pagsubok na di basta basta, ako ay naisalba ng aking mga hitang magang maga, Katawang mapula dahil sa mga patak ng kandila. isa na akong ganap na akrho. Magkahalong sakit at saya,
Sakit na ngayon ko lang dinanas at sayang walang katumbas.
Mahal ko ang kapatirang ito, Hindi dahil sa sinapit ko, Kundi dahil gusto kong makapag bigay ng ambag. Sa kapatirang kanilang itinatag, ito ang tradisyon ng kapatirang akrho na kailanman di ko malilimutan🤟