15/08/2025
Sa pagdiriwang ng ika-53 taon ng Pi Sigma Fraternity, ating pinapahalagahan at ipinagdiriwang ang mahigit kalahating siglong paninindigan, paglilingkod, at pamumunong nakaugat sa diwa ng ating mga prinsipyo. Mula sa ating pagkakatatag, dala natin ang paniniwalang 'ang pagmamahal ay mapagpalaya, ang ibigin ka ay pakikibaka'โisang paninindigang nananawagan ng wagas na pag-ibig sa bayan at kapwa, na isinasabuhay sa gawa, hindi lamang sa salita.
Bilang Paragon, gabay sa ating paglalakbay ang 'isang antas ng pag-iisip na mas mataas kaysa sa pangkaraniwan, di makasarili kundi para sa mas nakararami.' Sa loob ng 53 taon, ito ang naging batayan ng ating paglilingkod sa sambayanan at ng ating pagiging huwaran ng talino, integridad, at pamumuno. Sa bawat hamon ng panahon, nanatili tayong matatag at tapat sa adhikain ng bayan, kapatiran, at karunungan.
Nawaโy magsilbing paalala ang ating kasaysayan na ang tunay na paragon of scholarship at paglilingkod ay hindi nagtatapos sa anibersaryo, kundi nagpapatuloy sa bawat araw ng ating buhay bilang Paragon. Sa hinaharap, dalhin natin ang apoy ng ating mga prinsipyo upang patuloy na magbigay liwanag at inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
Mabuhay ang Pi Sigma Fraternity! Mabuhay ang sambayanang ating pinaglilingkuran! โ๐ป
(photo credits to the rightful owner)