09/12/2025
๐๐ผ๐บ๐ผ๐ฏ๐ผ๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐, ๐น๐๐บ๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ธ๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป
Kalahok ang mga mag-aaral at g**o ng senior high school, pormal na idinaos ng Homobono H. Gonzalez National High School (HHGNHS) ang symposium kaugnay ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa isang komprehensibong programa na ginanap sa Covered Hall ng paaralan mula 8:00 AM hanggang 11:00 AM ngayong araw, Disyembre 09, 2025.
Ang kampanya ay tumatakbo mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, 2025, na nakasuporta sa panawagang maging "United for a VAW-free Philippines" ng Philippine Commission on Women (PCW).
Ang programa, na pinangunahan ni Gilda A. Castaรฑeda (Secondary School Principal) bilang Overall Chairperson ng Working Committees, ay naglalayong itaas ang kamalayan ng komunidad sa paglikha ng isang "VAW-Free Community."
Sa pakikipag-ugnayan sa Libmanan Municipal Police Station, tinalakay ang mga mahahalagang batas na nagpoprotekta sa kababaihan at bata sa ilalim ng keynote lecture segment.
Nagbigay-liwanag si PCAPT. FATIMA I. LANUZA (Deputy Chief of Police ng Libmanan MPS) at ang kinatawan ng Women & Child Protection Desks tungkol sa: Republic Act 9262 (Anti-VAWC Act of 2004) at Republic Act 11313 (Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law).
Bukod sa mga panayam, nagkaroon din ng mga Audio Visual Presentation (AVP) na tumalakay sa "VAW Throughout the Life Cycle" at "VAW-Free Community" upang mas maunawaan ng mga dumalo ang iba't ibang anyo ng karahasan.
Nagtapos ang programa sa paggawad ng Certificates at photo opportunity sa pangangasiwa ng School Head, GAD FP, at Guidance Documentation Committee.
โ๏ธ Dustine Rhain Abaรฑo
๐ท Jessica Trinidad