10/10/2026
๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฟ๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ฒ๐ต๐ถ๐๐ผ: ๐ง๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฝ-๐ฏ๐๐๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด.
Nitong taon lamang, muling nayanig ang bansa nang maganap ang magkakasunod na insidente ng ๐ด๐ค๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ญ ๐ด๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ต๐ช๐ฏ๐จ at pamamaril sa loob ng mga kampus sa Pilipinasโmula sa pagbaril ng isang mag-aaral sa kanyang kamag-aral sa isang pribadong paaralan hanggang sa marahas na pag-atake sa pampublikong paaralan sa Mindanao.
Ang mga trahedyang ito ay hindi mahihiwalay na kaso ng karahasan lamang. Ang mga ito ay malinaw at madugong sintomas ng isang mas malalim at matagal nang pinababayaang krisis sa kalusugang pangkaisipan sa ating lipunan. Sa harap ng lumalalang epekto ng depresyon, pagkabalisa, at karamdamang pang-asal sa mga kabataan, nananatiling bulag at bingi ang estado sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.
Ayon sa ulat ni Sarao (2026), mahigit 111 ang naitalang kaso ng ๐ด๐ถ๐ช๐ค๐ช๐ฅ๐ฆ sa bansa, na ang pangunahing dahilan ay depresyon, pagkabalisa, at karamdamang pang asal. Sa kasalukuyan, kapansin-pansing kulang pa sa dalawang porsyento ng kabuuang badyet sa kalusugan ang inilalaan para sa mental health, at halos tatlong milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan ang naghahati-hati sa kakaunting ๐จ๐ถ๐ช๐ฅ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ค๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ด๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ณ๐ด sa buong bansa.
Bagama't may umiiral tayong ๐ ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐๐ฐ๐ (๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ฐ๐ ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ญ๐ฌ๐ฏ๐ฒ) na naglalayong tiyakin ang abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkaisipan para sa lahat, ang batas na ito ay nananatiling ๐ป๐ด๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ o palamuti lamang sa papel. Hindi sapat ang pagsasaad ng mga karapatan kung ang pagpapatupad nito ay patuloy na binabara ng kakulangan sa badyet, kakulangan ng mga lisensyadong ๐ฑ๐ด๐บ๐ค๐ฉ๐ช๐ข๐ต๐ณ๐ช๐ด๐ต ๐ข๐ต ๐จ๐ถ๐ช๐ฅ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ ๐ค๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ด๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ณ sa mga paaralan, at kawalan ng konkretong pasilidad sa mga pampublikong ospital.
Sa halip na harapin ang pundamental na kakulangang ito, ang kamakailang pagpasa sa ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ก๐ผ. ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ฐ (SB 2424) o ang ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ฅ ๐๐ฏ๐ญ๐ช๐ฏ๐ฆ ๐๐ข๐ง๐ฆ๐ต๐บ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ณ๐ฐ๐ต๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ค๐ต na naglalayong magpatupad ng age-restriction at pag-ban sa social media para sa mga menor de edad, ay isang mababaw at maling diagnosis sa krisis. Para sa organisasyon, ang SB 2424 ay isang panakip-butas at pampalubag-loob na panukala na pumipigil sa kalayaan sa halip na solusyonan ang ugat ng suliranin. Ang pagtrato sa social media bilang pangunahing salarin sa krisis sa mental health ay isang anyo ng lehislatibong katamaran na umiiwas sa totoong responsibilidad ng pamahalaan.
Upang magkaroon ng tunay na reporma, kailangang patalasin at amyendahan ang sistema. Hindi natin kailangan ng higit pang mga pampulitikang gimik. Kailangan natin ng mga lehislasyong may direktang obligasyon at pananagutan. Kinakailangang magkaroon ng mandatoryong probisyon sa batas na mag-aatas sa bawat barangay at bawat pampublikong paaralan na magkaroon ng sapat at permanenteng ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ข๐ญ ๐ฉ๐ฆ๐ข๐ญ๐ต๐ฉ ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ง๐ฆ๐ด๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ๐ข๐ญ๐ด. Bukod dito, dapat tiyakin ng Korte at ng Kagawaran ng Hustisya na ang mga pasilidad para sa mental health ay accessible din sa mga nasa sektor ng marginalized at mga nasa correctional institutions.
Ang krisis sa mental health na nagbubunga ng karahasan sa ating mga paaralan at komunidad ay hindi masosolusyunan ng mga pagbabawal at paghihigpit sa batas. Bilang isang organisasyong nagtataguyod ng hustisya at legal na katwiran, nakikiisa ang The UPLB Pre-Law Society sa panawagan na gawing pangunahing pampublikong serbisyo at ganap na maipaglalabang karapatan ang kalusugang pangkaisipan sa Pilipinas. Ang kalusugang pangkaisipan ay hindi lamang isang isyung medikal o usaping pampersonal. Ito ay isang saligan at maipaglalabang karapatang pantao na itinataguyod at pinoprotektahan ng batas.
๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฆ๐ข๐๐จ๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ก๐ง๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐, ๐๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ฃ-๐๐จ๐ง๐๐ฆ ๐๐๐ ๐๐ก๐!
๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ง๐๐ฆ, ๐ ๐๐๐๐ง๐๐ก๐, ๐๐ง ๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐จ๐ก๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง!
Mga Sanggunian:
Alibudbud, R. (2023). Towards transforming the mental health services of the Philippines. The Lancet Regional Health โ Western Pacific, 39, Article 100869. https://doi.org/10.1016/j.lanwpc.2023.100869
BBC News. (2026, September 18). Philippines: Three dead and eight injured in shooting at Banga high school. https://www.bbc.com/news/articles/c6x2z4dlzyr0o
BusinessWorld. (2026, October 9). Mental health group opposes blanket social media ban for minors. https://bworldonline.com/the-nation/2026/10/09/785907/mental-health-group-opposes-blanket-social-media-ban-for-minors/
Sarao, Z. (2026, October 9). Strengthened mental health programs needed amid rising su***de cases. INQUIRER.net.
https://newsinfo.inquirer.net/2203185/strengthened-mental-health-programs-needed-amid-rising-su***de-cases
SERP-P. (n.d.). Mental health issues (Socioeconomic Issue in Spotlight). Socioeconomic Research Portal for the Philippines; Philippine Institute for Development Studies. Retrieved October 10, 2026, from https://serp-p.pids.gov.ph/feature/public/index-view?feauredtype_id=1&slug=Mental-Health-Issues
TalkSaya. (2026, July 7). Mental health statistics Philippines.
https://talksaya.com/blog/mental-health-statistics-philippines