01/05/2026
Makipagbayanihan sa Agri-Bayanihan! 💪🏼🤝
Makipagbayanihan sa Agri-Bayanihan! 💪🏼🤝
Bilang tugon ng UPLB sa pandaigdigang krisis sa enerhiya at pagkain, tayo ay magsama-sama upang paigtingin ang diwa ng bayanihan sa ating komunidad.
Bumili ng Vegetable Packs 🥬
Sa unang salang ng Agri-Bayanihan, mayroong 500 packs ng 2kg chopsuey vegetables mula sa mga magsasaka ng Nagcarlan, Laguna. Maaari itong bilhin para sa inyong pamilya (Buy-for-Family) o ipamahagi sa napiling grupo ng Batch 1 beneficiaries (Buy-it-Forward).
Kapag sama-sama, ang munting akto ng kabayanihan ay mararamdaman ng sambayanan.
Para sa magsasaka. Para sa bayan. Para sa bawat isa.
Tara na sa Agri-Bayanihan! 🌾✨
Para sa karagdagang tanong at detalye, mag-email sa: [email protected]