17/05/2026
𝗜𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗥𝗔𝗠𝗘𝗗 𝗚𝗘 𝗖𝗨𝗥𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗨𝗠, 𝗜𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗦𝗜𝗬𝗘𝗡𝗧𝗜𝗣𝗜𝗞𝗢, 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡!
Inaanyayahan ang lahat na 𝙙𝙪𝙢𝙖𝙡𝙤 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙙𝙖𝙡𝙤 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙨𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙤𝙨 ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟵 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa ganap na 𝗶𝗸𝗮-𝟳:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗦𝘁𝗲𝗽𝘀, 𝗨𝗣 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗻𝗼𝘀 upang sama-samang ipakita ang mariin nating pagtutol sa Reframed General Education Curriculum ng Commission on Higher Education!
Malinaw ang paninindigan ng mga kabataan-estudyante, mga g**o, mga kawani, at mga akademiko sa Timog Katagalugan kasama ang multisektoral na hanay ng mamamayan: Ang Reframed General Education Curriculum ng CHED ay sumasalamin sa patuloy na pagtulak sa mga makakapitalista at neoliberal na interes sa edukasyon na hindi nagsisilbi sa sambayanang Pilipino kaya nararapat lamang ang panawagan ng kagyat na pagbabasura nito.
Bilang tugon, ating isinusulong ang pagkakaroon ng isang makabayan, siyentipiko, at makamasang General Education at tipo ng edukasyon sa pangkabuuan sa buong bansa. Sa ganitong paninindigan, nilalayon natin na maging lunsaran ang akademya sa pagluluwal ng mamamayang may kritikal na pag-iisip, humahamon sa kasalukuyang kaayusan ng lipunan, at may malalim na pag-unawa sa kaniyang kakayahan at sa mas malawak na lipunang Pilipino.
Sa diwa ng pagkakaisa ng multisektoral na hanay ng mga mamamayan ng Timog Katagalugan, inaanyayahan ang lahat ng kaisa sa mga adhikain at prinsipyong ito na sumama sa ating pagkilos.
𝐈𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐟𝐫𝐚𝐦𝐞𝐝 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐮𝐫𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐮𝐦!
𝐈𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐒𝐢𝐲𝐞𝐧𝐭𝐢𝐩𝐢𝐤𝐨, 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐦𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐄 𝐂𝐮𝐫𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐮𝐦!
𝗜𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗥𝗔𝗠𝗘𝗗 𝗚𝗘 𝗖𝗨𝗥𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗨𝗠, 𝗜𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗦𝗜𝗬𝗘𝗡𝗧𝗜𝗣𝗜𝗞𝗢, 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡!
Inaanyayahan ang lahat na 𝙙𝙪𝙢𝙖𝙡𝙤 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙙𝙖𝙡𝙤 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖𝙨𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙤𝙨 ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟭𝟵 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲, sa ganap na 𝗶𝗸𝗮-𝟳:𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗮𝗿𝗮𝗯𝗮𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗸, 𝗨𝗣 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗻𝗼𝘀 upang sama-samang ipakita ang mariin nating pagtutol sa Reframed General Education Curriculum ng Commission on Higher Education!