20/09/2026
๐ฑ๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป ๐ ๐๐น๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฑ๐ฒ๐ธ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐
Setyembre 21, 1972 nang isailalim ni Marcos Sr. ang Pilipinas sa Batas Militar. Ito ang naging hudyat nang pagsisimula nang samuโt saring pang-aapi sa mamamayang Pilipino.
Sa ilalim ng Batas Militar, marami ang nasadlak sa kahirapan dahil sa pangungurakot ng pamilyang Marcos at ng mga tinaguriang krony nito. Marami ring Pilipino ang pinatahamik, tinakot, at dinampot nang sila ay kumontra sa administrasyon.
54 taon na ang lumipas ngunit wala pa ring nananagot sa karumal-dumal na pangungurakot ng pamilya Marcos sa mga Pilipino. 54 taon ngunit wala pa ring hustisya para sa lahat ng lumaban at tumindig para sa mamamayang Pilipino.
Ngayong araw, kasabay nang paggunita natin sa ika-54 na taon matapos ideklara ang Batas Militar, alalahanin din natin lahat ng Pilipino na nakiisa sa paghihimagsik laban sa rehimeng Marcos Sr. dahil sila ang tunay na bayani!
Marcos is never a hero.
๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ด๐ฎ๐ถ๐ป. ๐ก๐ฒ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐ฟ๐ด๐ฒ๐.