17/09/2026
𝙀𝙆𝙊𝙉𝙊𝙈𝙄𝙎𝙏𝘼 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉, 𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔-𝙏𝙐𝙇𝙊𝙔 𝘼𝙉𝙂 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉! 𝙎𝙐𝙈𝘼𝙈𝘼 𝙎𝘼 𝙒𝘼𝙇𝙆𝙊𝙐𝙏! 🔥✊
Para sa isang bansang punong-puno ng likas na yaman, bakit kaya mas nakikinabang pa ang mga dayuhan kaysa sa bayan?
Isang taon matapos tayong sama-samang lumabas sa ating mga silid-aralan, patuloy pa rin nating nararanasan ang mga suliraning dulot ng kapabayaan at maling prayoridad ng estado. Sa buong UP System, nakaamba ang ₱2.95B budget cut para sa susunod na taon. Sa CEM, ilang taon nang nakatengga ang gusaling dapat sana’y nagsisilbi na sa atin, habang nagsisiksikan ang mga mag-aaral, faculty, REPs, admin, at staff sa limitadong espasyo.
Habang kinakapos ang pondo para sa edukasyon, patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin at nananatiling kulang ang sahod ng mga manggagawa. Samantala, itinutulak ng administrasyong Marcos Jr. ang Pax Silica at Luzon Economic Corridor, na higit pang nagbubukas sa ating ekonomiya at likas na yaman sa dayuhang interes.
Kung hindi ka pa galit, bakit?
Bilang mga Ekonomista ng Bayan, hindi tayo mananatiling tahimik habang ang edukasyon at kabuhayan ng mamamayan ay isinasantabi para sa interes ng iilan at dayuhan.
CEMBAYANAN, LUMABAS SA SILID-ARALAN! WALKOUT NA! ✊
🔻 Mass-up | 8:30 AM | CEM Parking
🔻 Decentralized Program | 9:00 AM | CEM Parking
🔻 Centralized Program | 11:00 AM | Oblation Park