12/06/2026
๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ ๐ต๐ญ๐
Isandaan at dalawampuโt walong taon na ang lumipas mula nang ipahayag ang ating kalayaan noong Hunyo 12, 1898โisang tagumpay na nakaugat sa dugo, tapang, at pangarap ng mga Pilipinong naghangad ng sariling kinabukasan. Sa paglipas ng panahon, nananatiling mahalagang balikan na ang kalayaang ito ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi patuloy na hamon sa kasalukuyan.
Sa gitna ng mga isyung panlipunan at pang-ekonomiya tulad ng katiwalian, mabagal na reporma, pagtaas ng presyo ng bilihin, at kakulangan sa serbisyong panlipunan, patuloy na hinaharap ng sektor ng edukasyon ang mga hamon gaya ng kakulangan sa pasilidad, limitadong slots at units, at mga sistemang hindi laging tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa ganitong kalagayan, mas nagiging malinaw ang pangangailangan para sa isang mas maayos, makatarungan, at episyenteng sistema sa bawat sektor ng lipunan.
Kaya sa pagdiriwang ng ika-128 na Araw ng Kalayaan, nakikiisa ang UPLB IESO sa sambayanang Pilipino sa panawagan para sa isang bansang tunay na malaya, hindi lamang sa kasaysayan kundi sa araw-araw na realidad. Hinihikayat natin ang patuloy na pagkilos tungo sa mga sistemang mas makatao, mas inklusibo, at mas tunay na nagsusulong ng pag-unlad para sa lahat.