21/09/2026
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Umusbong ang awtoritaryang pamamahala sa pagdedeklara ng Martial Law noong Setyembre 21, 1972, na nagmarka ng malubhang paglihis sa takbo ng kasaysayan. Makalipas ang 54 taon ay patuloy na nakabaon ang bakas ng mga buhay na winasak at mga tinig na sinupil.
Isang henerasyon ang nilamon ng sistematikong panunupil sa ilalim ng diktadura ni Ferdinand Marcos Sr. Nilupig ang mga kalayaang sibil at pampolitika habang ang estado ay naging instrumento ng malawakang pag-aresto, detensyon, pagpapahirap, sapilitang pagkawala, at pagpaslang sa mga tumindig laban sa rehimen. Mula 1972 hanggang 1975, mahigit 50,000 katao ang iniulat mismo ni Marcos na naaresto at nakulong. Tumagos ang panunupil sa ibaโt ibang sektor ng lipunan at sinupil ang mga tinig na tumindig laban sa rehimen.
Hindi lamang sa kalayaan umabot ang pinsalang iniwan ng diktadura. Lumobo ang panlabas na utang mula $0.36 bilyon noong 1961 tungo sa $28.26 bilyon noong 1986, kasabay ng paglala ng kahirapan, pagtaas ng presyo, at malawakang pagkalagas ng kagubatan. Ang diktadura ay nag-iwan ng bakas sa kasaysayan, kabuhayan, kalikasan, at alaala ng isang bansa.
Sa kasalukuyan ay muling nakaluklok sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan ang isang Marcos. Sa pagbabalik ng apelyidong ito sa sentro ng kapangyarihan ay hindi dapat malimutan ang mga Pilipinong dinakip, inalipusta, pinaslang, at sapilitang pinatahimik sa ilalim ng diktadura. Hindi ikinukubli ng panahong lumilipas ang mga krimeng naganap. Hindi pinipipi ng kasaysayan ang mga biktima. At hindi dapat hayaang manahimik ang nakaraan.
๐ฝ๐๐ ๐๐ฉ ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐๐ก๐๐ฉ?
Dahil may mga bagay na hindi dapat pinapatawad ng panahon.
Dahil may mga buhay na hindi na naibalik.
May mga pamilyang hanggang ngayon ay dala ang bigat ng pagkawala.
May mga sugat na hindi kayang pagalingin ng paglipas ng panahon.
At may mga katotohanang hindi dapat binabalot ng ๐ฏ๐ฐ๐ด๐ต๐ข๐ญ๐จ๐ช๐ข, binabawasan bilang โ๐ฑ๐ข๐ณ๐ต๐ฆ ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ข๐ฏโ, o tinatabunan ng mga kuwentong naglilinis sa pangalan ng isang diktadura.
๐ผ๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ.
Paninindigan na alalahanin ang mga buhay na nawala.
Paninindigan na pakinggan ang mga boses na sinubukang patahimikin. Paninindigan na kilalanin ang mga pagdurusang hindi dapat ikaila. Paninindigan na dumalo at magpadalo.
Kailangan nating makialam dahil ang kasaysayan ay hindi hiwalay sa kasalukuyan.
Ang mga karapatang mayroon tayo ngayon โ ang karapatang magsalita, magpahayag ng pagtutol, magtipon, mag-organisa, at kumwestiyon sa mga nasa kapangyarihan โ ay mga karapatang kailangang patuloy na ipagtanggol.
Kailangan nating makialam dahil hindi kailangang ikaw mismo ang dinukot upang maintindihan ang bigat ng sapilitang pagkawala. Hindi kailangang ikaw mismo ang pahirapan upang kondenahin ang pang-aalipusta. Hindi kailangang ikaw mismo ang mawalan ng mahal sa buhay upang kilalanin ang sakit ng mga pamilyang naiwan. At hindi kailangang ikaw mismo ang nabuhay noong Martial Law upang malaman na may mga bagay na hindi dapat kailanman maulit.
Hindi sapat ang โ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ข๐ญ ๐๐ข๐ธโ.
Hindi man tayo naroon noon, pero nandito tayo ngayon.
At kung nandito tayo ngayon, mayroon tayong pananagutan na alalahanin.
Mayroon tayong pananagutan na matuto.
Mayroon tayong pananagutan na magsalita.
๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ข๐๐ก๐ค ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐.
Na may mga kabataang nakakaalam.
Na may mga Pilipinong hindi pumapayag na ang kasaysayan ay magiging kasinungalingang paulit-ulit na inuukit hanggang magmukhang katotohanan.
Dahil ang pag-alala ay hindi lamang paglingon. Ito ay pagtangging hayaang maulit ang kasaysayang hindi natin dapat kalimutan.
Makalipas ang limampuโt apat na taon, marapat lamang na alalahanin ang Setyembre 21 kasama ang mga taong dumanas at nanindigan sa panahong ito. Tandaan ang bigat ng mga buhay na pinaslang at mga kalayaang ipinagtanggol sa pamamagitan ng malawakang pagtindig.
๐ป๐ฆ๐จ๐ ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ข๐ฆ:
September 21, 2026
๐1PM sa Olivarez, Los Baรฑos, Laguna
๐4PM sa Crossing, Calamba, Laguna
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐ต๐ฌ๐ฝ๐ฌ๐น ๐ญ๐ถ๐น๐ฎ๐ฌ๐ป! ๐ต๐ฌ๐ฝ๐ฌ๐น ๐จ๐ฎ๐จ๐ฐ๐ต!
Mga Sanggunian:
[1] https://th.boell.org/en/2022/09/23/martial-law-50?amp
[2] https://www.amnesty.org/en/latest/news/2022/04/five-things-to-know-about-martial