12/10/2026
๐ต๐ถ ๐ป๐ถ ๐ท๐จ๐ฟ ๐บ๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ช๐จ! ๐ฐ๐บ๐จ๐ฉ๐ผ๐ฏ๐จ๐ ๐จ๐ต๐ฎ ๐ณ๐จ๐ฉ๐จ๐ต ๐ต๐ฎ ๐ด๐จ๐บ๐จ! ๐ข๐พ
Mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 9, nakiisa ang CEAT Student Council at CEAT Freshman Council sa paggunita ng Buwan ng mga Magsasaka sa pamamagitan ng pagsusulong ng kamalayan sa kalagayan ng mga magsasaka, pagtatanggol sa karapatan ng mga katutubo, at pakikiisa sa mga sektor na patuloy na nakikibaka para sa lupa at kabuhayan.
Sa kabila ng mahabang panahon ng kawalan ng tunay na repormang agraryo, nananatiling nakatali sa lupa ang kabuhayan ng maraming magsasaka na hindi naman nila pag-aari. Sa halip na makinabang sa lupang kanilang binubungkal, marami ang patuloy na dumaranas ng pagsasamantala, pangangamkam ng lupa, at kawalan ng sapat na suporta mula sa pamahalaan.
Sa Southern Tagalog, patuloy ding kinakaharap ng mga magsasaka at katutubong pamayanan ang mga banta sa kanilang lupain, kabuhayan, at karapatan. Kaugnay nito, mariing ipinapanawagan ang pagtutol sa PAX Silica at sa mga proyektong naglalagay sa panganib sa kapakanan ng mga komunidad at sa kanilang karapatang magpasya para sa kanilang sariling lupain. Hindi maituturing na tunay na pag-unlad ang mga proyektong nagtataboy sa mga mamamayan mula sa lupang kanilang sinasaka at tahanang kanilang pinagyayaman.
Bilang mga inhinyero ng bayan, mahalagang kilalanin na ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa laki ng mga proyektong naitatayo, kundi sa kung sino ang nakikinabang at kung sino ang naiiwan. Hindi maihihiwalay ang pagsusulong ng agham at teknolohiya sa paninindigan para sa kapakanan ng mga magsasaka, manggagawa, at iba pang sektor ng lipunan. Ang lupa ay para sa mga nagbubungkal, hindi para sa iilang nagkakamal ng yaman!
Bilang bahagi ng paggunita, inaanyayahan ang mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa mga aktibidad ng Lupa ay Buhay (LAB), kabilang ang Bagsakan, mga talakayang pang-edukasyon, at film showing. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, layuning higit na palalimin ang pag-unawa sa kalagayan ng mga magsasaka at katutubo, suportahan ang kanilang mga produkto, at palakasin ang panawagan para sa tunay na repormang agraryo.
Kasabay nito, sa pagdiriwang ng UP Pride Month, kinikilala rin natin na ang pakikibaka para sa kalayaan at pagkakapantay-pantay ay hindi hiwalay sa laban para sa isang lipunang makatarungan. Mahalagang ipaglaban ang karapatan ng bawat isa na mabuhay nang malaya, ligtas, at may dignidad, anuman ang kanilang kasarian at pagkakakilanlan.
Mula sa pagtatanggol sa karapatan ng mga magsasaka hanggang sa pagsusulong ng karapatan ng LGBTQIA+ community, sama-sama nating itaguyod ang lipunang walang pagsasamantala, diskriminasyon, at pang-aapi.
Sa loob at labas ng pamantasan, patuloy nating palakasin ang ating pakikiisa sa mga magsasaka, katutubo, at lahat ng sektor na ipinagkakaitang makamit ang kanilang mga batayang karapatan. Ang ating kaalaman ay dapat magsilbing sandata sa pagsusulong ng katarungang panlipunan, at ang ating pagkilos ay dapat manatiling nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
Mula Oktubre 6 hanggang 9, at sa mga araw na susunod, patuloy nating isulong ang tunay na pagbabago!
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐! โ๐พ๐ณ๏ธโ๐