28/04/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐๐๐ผ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ? ๐ ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐บ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป? ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป?
Sa Pilipinas, matagal nang pilit na binabawian ng esensya ang agham panlipunan. Sa ilalim ng mapanlinlang na dikta ng pagiging praktikal, madalas itong itinuturing na pasanin o kursong walang patutunguhan. Sa tuwing may estudyanteng nais mag-aral ng social sciences, palaging ang tanong tungkol sa seguridad sa trabaho at kita ang isinasampal sa kanilang mukha. ๐๐๐ช๐ฃ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ก๐ช๐ ๐ช๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ฉ๐๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐จ๐ ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐จ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐๐ข๐ค๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐ฃ๐-๐๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ข๐, ๐๐ฉ๐ค ๐ฃ๐ ๐ข๐๐จ๐ข๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฌ๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐จ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐ฅ๐ก๐๐ฃ๐. Hindi natin masisisi ang kabataan โ ang mga iskolar ng bayan โ kung bakit pinipili nilang tahakin ang landas na ito; hindi sapat ang intindihin lamang ang lipunan, kailangan itong baguhin.
Sa kabilang banda, ang maging Iskolar ng Bayan ay isa sa pinakamabigat na karangalang bitbit ng isang mag-aaral. Taon-taon, libo-libong mag-aaral ang dumadaan sa UPCAT upang kumapit sa katiting na pag-asang makatawid sa pintuan ng pamantasan, ngunit iilan lang ang pinapalad. Dahil dito, madalas na ikinukulong ang pagiging Iskolar ng Bayan sa sukat ng akademiko at indibidwal na katalinuhan. Ngunit โdi dapat dito nagtatapos ang galing ng isang iskolar, sapagkat sa likod ng katalinuhan, may malalim na tungkulin. ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐ช๐จ๐ช๐ข๐๐ ๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ง๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ข๐๐๐จ๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐ข๐๐จ๐, ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ช๐ก๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ ๐๐ฃ๐ช๐ ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐จ๐ช๐ก๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐๐-๐๐ง๐๐ก๐๐ฃ.
Ngunit paano nga ba lumalabas ang isang iskolar sa silid-aralan? Paano nagkakaroon ng laman ang mga tuyot na konsepto?
Ano ang gagawin ng mga magsasaka sa commodity fetishism ni Karl Marx? Masarap itong basahin โ punong-puno ng mapangil na pananaw. Ngunit ito ay pasibong pagtahak sa kasalukuyan. Dinig lamang ang alingawngaw ng teorya sa mga lecture hall. Danas ang praktika ng masang anakpawis. Habang nagluluksa sa gilid ang teorya, tumitindig sa lansangan ang praktika.
Sa kanilang maikling engkwentro sa Jena, nasilayan ni Hegel ang weltgeist, ang diwa ng mundo, kay Napoleon โ napagtanto ng isa sa mga mukha ng ideyalismo na ang gawa ng tao ang nagpapaandar ng kasaysayan, na hindi lamang ang mga ideya ang tunay na ugat ng pagbabago sa lipunan. Kung si Napoleon ang diwa ng mundo para kay Hegel, sina Alyssa at ang 18 pang nasawi sa Toboso ang diwa ng agham panlipunan โ ang nagpapagalaw at nagbibigay balat sa kalansay ng teorya. Pinapatibok nila ang puso ng sosyolohiya.
Marahil binigyang buhay rin ni Alyssa sa dulo ang anatomiya ng isang iskolar ng bayan: ๐ช๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐ง๐๐ฉ๐๐ ๐๐ก, ๐๐๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐ข๐๐๐๐ก ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐ฌ, ๐๐ฉ ๐ฅ๐ช๐จ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐ฉ๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐๐ค๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐จ๐.
Kaya naman, hindi tayo mananahimik.
Ang panawagan ng UP Alliance of Students Unified for Sociology ay hustisya para kay Alyssa at sa lahat ng mga Iskolar ng Bayan na pinatahimik ng pasistang estado. Hindi kailanman magiging makatarungan ang pagkitil sa buhay ng mga nagnanais lamang ng mas makataong lipunan.
Ang mga komunidad na pinaglilingkuran ng mga iskolar at aktibista ay hindi lona ng digmaan kundi tahanan ng masang nagugutom at mga maralitang ninakawan ng karapatan. Kung karapatan ang kalayaang mag-aral at tuklasin ang mga teorya, bakit kamatayan ang nagiging kabayaran sa pagsasabuhay nito?
Nagkakamali ang estado kung akala nilaโy matitiris nila ang ating diwa sa pagitan ng kanilang mga daliri. Maaaring mapatigil ng dahas ang tibok ng isang puso, subalit walang anumang porma ng panunupil ang makapaghihiwalay sa mga iskolar sa kanilang tunay na anatomiya. ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฉ๐ช๐ก๐๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ, ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ช๐๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐ช๐ฌ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ช๐๐ช๐๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ข๐๐จ ๐ข๐๐ก๐๐ฌ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐. Ang realidad ng gutom, ng pang-aapi, at ng pagsasamantala ay hindi nalilibing kasabay ng isang bangkay; ito ay lalong nabubuhay sa bawat iskolar ng bayan na inaalay ang kanilang sarili para sa tunay na kalayaan.