21/09/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa araw na ito, ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ๐๐ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐๐ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฑ๐ฐ ๐ธ๐๐บ๐ฒ๐บ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ธ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐. Sa gitna ng masalimuot at madilim na panahon ng represyon at panunupil ay ating kinikilala ang mga nag-alay ng kanilang serbisyo, nakibaka at nakisama sa kolektibong pagkilos para sa hustisya, kabilang na ang mga naging biktima ng marahas at karumal-dumal na paglabag sa karapatang pantao.
Nang idineklara ang Batas Militar, bastusang ginawang basehan ng pasistang rehimeng Marcos ang mga kontra-administrasyon at nakikibaka bilang ugat sa mga kaguluhan ng Pilipinas noon. Gayunpaman, ang mga kilusang ito ay bunga lamang ng mga umiiral na suliraning panlipunan katulad ng laganap na korapsyon, lumolobong utang ng bansa, pagpapakatuta sa Estados Unidos, at panunupil sa mga kritiko. Ang tunay na rason, sa tulong ng kanyang mga kroni at ng imperyalistang Estados Unidos, idineklara ni Marcos Sr. ang Batas Militar upang magkaroon ng monopolyo sa kapangyarihan at pagsilbihan ang kanilang mga interes.
Hanggang sa ngayon, kapansin-pansin pa rin ang impluwensya ng propaganda noong panahon ng Batas Militar sa pagkakaunawa ng mga Pilipino sa ating mga tradisyong kilusan at militanteng pakikibaka. Mahihinuha na para sa ilan, ang aktibismo at pag-oorganisa ay patuloy na itinuturing bilang banta sa kaayusan at seguridadโisang pananaw na pinatitibay ng patuloy na paglaganap ng red-tagging. Subalit ito ay isang sablay na pagkakaintindi sa ating naniningil lamang ng hustisya.
Sa disiplina ng sosyolohiya, maipapaliwanag ang kolektibong pagkilos o collective action ayon sa sosyologo na si Clark McPhail. Iginiit niya na ang mga kolektibong kilusan, lalo na ang mga indibidwal na bumubuo nito, ay hindi dapat ituring na marahas at nakapeperwisyo. Hindi rin sila nawawalan ng katwiran, nadadala lamang ng emosyon at sunod-sunuran sa kanilang grupo. Sa halip, ang kanilang pagkikilahok sa kilusan ay may saysay. Ito ay bunga ng interaksyon, ugnayan sa isa't isa, sariling paniniwala at pagpapahalaga, at pagpapakahulugan sa kanilang paligid.
Nanghina man ang apoy ng mga kilusan noon dahil sa Batas Militar, hindi kailanman ito napawi. Makikita ito sa kasaysayan ng ating Unibersidad, kung saan sa harap ng sapilitang pagkawala, pagsupil ng malayang talakayang panlipunan at pampolitika, at iba pang pananakot at paglabag sa karapatang pantao na ginawa ng mga kapulisan at militar noon ay patuloy nanaig ang militanteng pakikibaka at naglitawan ang mga perspektibong kritikal sa diktadurya. Itoโy nagpapaalala na ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฝ๐ถ ๐ฎ๐ ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ผ๐ป, ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ.
Ngunit, hindi lubusan nito napatalsik ang pamilyang Marcos dahil mapupuna pa rin ang mga isyu ng korapsyon, paglaki ng utang ng bansa, at pagpakatuta sa Estados Unidos sa administrasyon ng kanyang anak. Sapagkat, kamakailan lang ay isiniwalat ni Marcos Jr. ukol sa โฑ19.39 trillion na utang ng bansa bilang โ...just a number in the airโฆโ o kaya naman ang pagtanggal ng graft convictions kay Imelda Marcos. Dagdag pa rito ang isyu ng Pax Silica, na maaaring tingnan bilang panibagong anyo ng neokolonyal na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kung saan hindi makatarungang ginamitan ng puwersa at ikinulong ang mga nag kilos-protesta dito noong ika-11 ng Setyembre. Makikita na patuloy ang estado sa marahas na pagpapatahimik nito sa mga mamamayang mulat at nakikibaka sa pamamagitan ng mga batas katulad ng National Action Plan for Unity, Peace, and Development (NAP-UPD) na nag-aanyong โpara sa kaayusan ng bansaโ.
Kaya naman inaanyayahan ng UPLB Sociology Society ang sangkaestudyantehan at iba pang mga kawani nito na ipagpatuloy ang paninindigan laban sa panunupil at represyon. Sa harap ng pag-iral ng mga isyung umusbong at nagpapatuloy mula sa panahon ng diktadura, ating kilalanin ang mayamang tradisyon ng pakikibaka na lumitaw sa gitna ng panunupil. ๐ง๐ฎ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐น๐๐บ๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ, ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐น๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ.
UPLB Sociology Society ๐๐
CRITICAL | DYNAMIC | HOLISTIC โจ
Since 1975 ๐ป
Sanggunian:
Javar, R. C. (2023). Kasaysayan at propaganda: pagtutuwid sa mga maling pahayag ukol sa paglalatag at deklarasyon ng batas militar noong rehimeng Marcos. UP Los Baรฑos Journal, 21(1), 48-65. https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/5893
Manahan, J. (2026, September 14). Gov't to accelerate public spending to support economy. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/business/2026/9/14/gov-t-to-accelerate-public-spending-to-support-economy-0143
McPhail, C. (2006). The Crowd and Collective Behavior: Bringing Symbolic Interaction Back In. Symbolic Interaction, 29(4), 433-464. https://doi.org/10.1525/si.2006.29.4.433
Melencio, G. E. (2019, December). Stories of the nameless : eyewitness accounts of Martial Law victims and survivors. U.P. Los Baรฑos Journal, 17, 78-96. https://www.ukdr.uplb.edu.ph/journal-articles/3954
Pangilinan-Jamolin, L. A., de Guzman, R. P., & Yema, D. P. R. (2020, July 2). Experiences of selected University of the Philippines Los Banos. Retrieved September 15, 2026, from https://www.ukdr.uplb.edu.ph/cgi/viewcontent.cgi?article=4947&context=journal-articles