UPLB Sophia Circle

Directions Website Contact the university

UPLB Sophia Circle The premier socio-academic organization in the UPLB for philosophy students and enthusiasts.

The UPLB Sophia Circle is the premier academic organization for philosophy students and philosophy enthusiasts the University of the Philippines - Los Baรฑos (UPLB). Established on the 28th of July 2000, the organization aims to stimulate enthusiasm for philosophy by promoting the love of learning and liberation from dogmatism, encouraging critical thinking, and developing its members' human potentials.

๐‚๐‡๐€๐๐‚๐„๐‹๐‹๐Ž๐‘ ๐’๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐: ๐๐€๐†๐๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐“ ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐†๐๐ˆ๐‹๐ˆ, ๐€๐“๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐”๐๐‹๐!๐€๐๐Ž ๐€๐๐† ๐”๐Œ๐ˆ๐ˆ๐‘๐€๐‹ ๐๐€ ๐Š๐€๐‹๐€๐†๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐”๐๐‹๐?Sa muling pagsasailal...
23/09/2026

๐‚๐‡๐€๐๐‚๐„๐‹๐‹๐Ž๐‘ ๐’๐„๐‹๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐: ๐๐€๐†๐๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐“ ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€๐†๐๐ˆ๐‹๐ˆ, ๐€๐“๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐”๐๐‹๐!

๐€๐๐Ž ๐€๐๐† ๐”๐Œ๐ˆ๐ˆ๐‘๐€๐‹ ๐๐€ ๐Š๐€๐‹๐€๐†๐€๐˜๐€๐ ๐๐† ๐”๐๐‹๐?
Sa muling pagsasailalim ng UPLB sa pagpili ng susunod na Chancellor, mahalagang isaalang-alang na ang pasyang ito ay may direktang epekto sa magiging kalagayan at tipo ng trabaho at edukasyong matatamasa ng mga mag-aaral, g**o, REPS, kawani, at manggagawa. Sa harap ng mga kandidaturang nagtataguyod ng ibaโ€™t ibang sentro ng plataporma, dapat suriin ang mga ito batay sa aktwal na karanasan at pangangailangan ng buong komunidad.

Patuloy na kinakaharap ng UPLB ang isang kolonisado, komersyalisado, at pasistang uri ng institusyon. Kabilang dito ang mga patakarang naglilimita sa akses sa edukasyon, mga banta sa akademikong kalayaan at seguridad sa demokratikong espasyo. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng Office of the Vice Chancellor for Innovation and Enterprise Management (OVCIEM) na siyang nagkokonsolida ng business affairs, technology transfer, land grant management, at resource generation functions, patuloy ang pag usbong ng entrepreneurial orientation ng pamantasan na makikita sa income generation plans, institutional resource mobilization, public-private partnerships, at komersyal na paggamit ng mga asset. Ngunit sa kabila nito, nananatiling may malaking balakid sa akses sa batayang pangangailangan sa pasilidad, serbisyo, learning spaces, dormitories, kuryente, tubig, at mga sistemang pang-akademiko. Bukod dito, ang mahihigpit na retention, INC, DRP, at residency policies ay patuloy na nakakaapekto sa sangkaestudyantehan. Higit pa rito, ang mga insidente ng red-tagging, harassment, threat, at intimidation dulot ng patuloy na militarisasyon at panghihimasok ng ibaโ€™t ibang pwersa ng estado ay nagbabanta sa seguridad, akademikong kalayaan at karapatang magpahayag at mag-organisa ng mga estudyante at kawani ng pamantasan.

๐€๐๐Ž ๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐‘๐€๐๐€๐“?
Bilang isang pampublikong pamantasan na marapat na naglilingkod sa bayan, hindi dapat ituring ang UPLB bilang isang negosyo. Dapat nitong tinataguyod ang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon kung saan ang kaalaman, pananaliksik at layunin ay nakatuon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan, kabilang na ang mga constituent na nakapaloob dito. Kayaโ€™t ang pagpili ng Chancellor ay dapat nakabatay sa multi-sektoral na agenda at kapakanan ng buong komunidad ng UPLB, hindi lamang sa pagtalima sa tagumpay ng iilang programa kung saan hindi naman lahat ay nakikinabang.

Ang uupong lider ay sa dapat, may tapat na hangarin at malinaw na mga hakbangin upang isulong ang isang ๐ฆ๐š๐ค๐š-๐ž๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž at ๐ฆ๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐จ๐ง๐  pamantasan: isang institusyong nagtataguyod ng libre at abot-kamay na akses sa edukasyon, sapat na serbisyo, scholarship, pasilidad, pati na rin ng makatarungang sahod, trabaho, at batayang karapatan ng mga kawani nito. Para sa isang tunay na ๐๐ž๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ค๐จ ๐š๐ญ ๐ค๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  pamumuno, ang nararapat na Chancellor ay bukas sa pakikinig at patuloy na pakikipag-diyalogo sa mga hinaing ng mga estudyante, g**o, REPS, manggagawa, unyon, konseho, at organisasyon na pumapabilang dito. Dapat din siyang handang ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ ๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ ๐จ๐ญ sa mga epekto ng mga kwestiyunableng patakaran at desisyon ng administrasyon. Panghuli, kinakailangan siyang maging matibay na ๐ญ๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ ๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐จ๐ฅ ๐ง๐  ๐š๐ค๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐ž๐ฆ๐จ๐ค๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐ž๐ฌ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ na may malinaw at konkretong mga mekanismo upang pangalagaan ang kalayaang magpahayag, mag-isip, at mag-organisan sa pamamagitan ng pagkondena at paglaban sa lumalalang red-tagging, harassment, threat, intimidation, at tumitinding panghihimasok ng mga kapulisan at militar sa pamantasan.

๐๐€๐€๐๐Ž ๐ˆ๐“๐Ž ๐Œ๐€๐Š๐€๐Š๐€๐Œ๐“๐€๐?
Kaugnay ng mga nabanggit na basehan sa pagpili ng Chancellor ay dapat magkaroon din ng makabuluhan at mapanuring partisipasyon ang buong komunidad sa prosesong ito. Mula sa pagsusuri sa track record, hanggang sa resulta ng kanilang ginampanan na posisyon sa pamatasan, mahalaga rin ang pagsusuri sa kanilang tunay at inklusibong paninindigan at pagtugon sa pangangailangan ng komunidad. Mahalagang basehan din ang kanilang paninindigan para sa sapat na pondo sa edukasyon, pagtutol sa Reframed General Education Curriculum Component (RGECC) na ihinahain ng CHED, ang demokratikong pamamahala, at pagsulong sa mga patakarang tunay na nagsisilbi sa multi-sektoral na agenda na nangangailangan ng kagyat at konkretong pagtugon.

Hindi rin hiwalay ang usapin ng demokratikong proseso ng UPLB Chancellor Selection sa usapin ng miyembrong bumubuo sa Board of Regents (BOR)โ€”ang pinakamataas na tagapagpasiyang kapulungan ng UP System na may katungkulang pumili ng susunod na Chancellor. Lubos na nakakabahala ang pag-upo ni Fernando C. Sanchez Jr. bilang Alumni Regent. Kritikal na usapin ang rehimeng Sanchez dahil nag-iwan ito ng madilim na kasaysayan ng pagpapahirap sa mga estudyante, g**o, kawani, at manggagawa ng UPLB. Paano nga ba kinakatawan ng isang tulad niya ang interes at kapakanan ng UPLB constituents? Umaayon ba ang kanyang mga kaisipan at kapasiyahan sa isang maka-estudyante, makatao, demokratiko, at pamamahalang may pananagutan? Bukod sa pagsusuri ng mga nominado, marapat ding siyasatin ang track record, tindig, at pananagutan ng mga miyembro ng BOR. Ang mariing pagkwestiyon at paghamon sa kredibilidad ng isang Regent na may malinaw na manipestasyon ng anti-student at anti-people na pamamalakad mula sa tala ng kasaysayan ay pundamental na bahagi ng ating demokratikong karapatan sa loob at labas ng pamantasan.

Hindi dapat maging kapalit ng ating kapakanan at dignidad ang pagpili ng susunod na Chancellor. Sa halip, dapat itong maging pagkakataon upang igiit ang pamumunong tunay na naglilingkod sa mga sektor nito, laloโ€™t higit sa bayan. Sa huli, ang paghubog sa direksyon ng pamantasan ay hindi dapat nakasalalay lamang sa isang administrasyon, kundi ito ay dapat nakaugat din sa tinig ng lahat ng sektor nito at sa mandatong maglingkod sa bayan.

Kayaโ€™t sama-sama nating kalampagin ang Board of Regents. Dalhin ang panawagan ng komunidad ng UPLB para sa ๐Œ๐€๐Š๐€๐“๐€๐Ž, ๐ƒ๐„๐Œ๐Ž๐Š๐‘๐€๐“๐ˆ๐Š๐Ž, ๐š๐ญ ๐Œ๐€๐๐€๐๐€๐†๐”๐“๐€๐๐†pamamahala.

๐–๐‡๐€๐“:Board of Regents Mobilization
๐–๐‡๐„๐: September 24, 2026 | 5:00 AM Sentruhan, 8:30 AM Program
๐–๐‡๐„๐‘๐„ UP Diliman

๐๐Ž๐‘, ๐‡๐„๐„๐ƒ ๐Ž๐”๐‘ ๐‚๐€๐‹๐‹๐’!
๐“๐”๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐† ๐€๐“ ๐๐ˆ๐“๐๐ˆ๐“๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐๐† ๐ˆ๐“๐Ž! ๐€๐“๐ˆ๐ ๐€๐๐† ๐”๐๐‹๐!




See also: ๐‘ป๐‘ฏ๐‘ฌ ๐‘ผ๐‘ท๐‘ณ๐‘ฉ ๐‘ท๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ถ๐‘บ๐‘ถ๐‘ท๐‘ฏ๐’€ ๐‘ถ๐‘น๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐’๐‘จ๐‘ป๐‘ฐ๐‘ถ๐‘ต๐‘บ' ๐‘ฑ๐‘ถ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ป ๐‘บ๐‘ป๐‘จ๐‘ป๐‘ฌ๐‘ด๐‘ฌ๐‘ต๐‘ป ๐‘ถ๐‘ต ๐‘ช๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘ช๐‘ฌ๐‘ณ๐‘ณ๐‘ถ๐‘น ๐‘บ๐‘จ๐‘ต๐‘ช๐‘ฏ๐‘ฌ๐’โ€™ ๐‘ฉ๐‘ฐ๐‘ซ ๐‘ญ๐‘ถ๐‘น ๐‘จ 3๐‘น๐‘ซ ๐‘ป๐‘ฌ๐‘น๐‘ด: "๐‘พ๐‘ฌโ€™๐‘ฝ๐‘ฌ ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ซ ๐‘ฌ๐‘ต๐‘ถ๐‘ผ๐‘ฎ๐‘ฏ! ๐‘ต๐‘ถ ๐‘ด๐‘ถ๐‘น๐‘ฌ ๐‘ช๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘ช๐‘ฌ๐‘บ, ๐‘บ๐‘จ๐‘ต๐‘ช๐‘ฏ๐‘ฌ๐’!" https://www.facebook.com/share/p/1C9dtrBvfp/

๐—ฌ๐—จ๐—ฅ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฌ๐—จ๐—ฅ๐—”๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š-๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ข!Itinakda sa araw na ito ang ika-limampuโ€™t apat na taon magmula noong idineklar...
21/09/2026

๐—ฌ๐—จ๐—ฅ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฌ๐—จ๐—ฅ๐—”๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š-๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ง๐—”๐—ข!

Itinakda sa araw na ito ang ika-limampuโ€™t apat na taon magmula noong idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng Proclamation No. 1081, Article VII, Section 10, Paragraph 2 of the 1935 Constitution. Saklaw ng kanyang pag abuso sa kapangyarihan ay ang pagsuspende ng Writ of Habeas Corpus na pansamantalang naglilimita sa karapatan ng indibidwal na kwestyunin ang hindi makatarungang pagkakakulong na nagbunsod sa malawakang pagyurak sa mga karapatang-pantao. Ayon sa tala ng Human Rights Victimsโ€™ Claims Board o HRVCB na itinalaga sa ilalim ng RA 10368 upang magproseso, mag siyasat at magbigay reparasyon sa mga biktima ng yumaong diktador, may ๐Ÿฎ,๐Ÿฏ๐Ÿฎ๐Ÿฒ na pinatay at sapilitang nawala, ๐Ÿฎ,๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฐ na dumanas ng ibaโ€™t ibang anyo ng tortyur, ๐Ÿฏ,๐Ÿฏ๐Ÿฎ๐Ÿฑ na ikinulong, at ๐Ÿฎ,๐Ÿฏ๐Ÿญ๐Ÿด na sapilitang ipinatapon mula sa Pilipinas, kabilang ang mga nakaranas ng karahasang nagdulot ng pisikal na pinsala. Mahalagang tandaan na kumakatawan lamang ang mga bilang na ito sa mga biktimang kinilala at nabigyan ng reparasyon ng HRVCB; ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐˜‚-๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ธ๐—ผ๐˜†. Nakapagtala ng higit kumulang 100,000 na kaso: 70,000 ang kinulong, 30,000 ang tinortyur, at 850 ang sapilitang iwinala na hindi pa rin natatagpuan magpahanggang ngayon; dagdag pa rito ang pagsupil sa midya at sa mga oposisyong politikal. Ayon sa Amnesty International, tinatayang 50,000 ang ikinulong mula nang ipataw ang Batas Militar hanggang 1975, kabilang ang 30,000 sa unang mga linggo lamang. Habang sa 107 na bilanggong politikal, 71 sa kanila ang nag-ulat ng karahasang dinanas habang sinusuri at tinatanong ng militar.

Higit pa sa mga bilang na ito, mahalaga ding alalahanin ang mga martir na nagbuwis ng buhay sa ibaโ€™t ibang lugar sa bansa. Ilan sa mga ito ang hanay ng kabataang naging bahagi ng pagpapaunlad sa kilusang demokratiko, anti-diktadura, at kilusang masa. Isa sa kanila ay si Lorena Barros na nagtapos sa UP Diliman at isa sa mga lider ng kilusang laban sa diktadura. Siyaโ€™y naging bilanggong politikal dahil sa kanyang patuloy na pagbatikos sa awtoritaryang pamumuno ni Marcos. Noong 1976, sa edad na 28, malubhang nasugatan si Lorena sa isang armadong sagupaan laban sa Philippine Constabulary sa Quezon. Nangako ang mga dumakip sa kanya ng medikal na paggamot kung makikipagtulungan siya sa kanila ngunit noong hindi siya nakipagtulungan, siya ay binaril sa batok. Ang karumal-dumal na pagpaslang kay Lorena ay hindi bukod-tanging insidente lamang, kundi isang malinaw na pagpapakita ng tunay na mukha ng estado: isang bayolente, pasista, at mapanupil na rehimeng gagamitin ang buong makinarya nito upang patahimikin ang sinumang naglalakas-loob na lumaban. Ipinapakita nito na ang pasismo ng estado ay hindi lamang kasaysayan, kundi isang patuloy na reyalidad na nagpapatunay na ang pagtutol sa mapang-aping pamamahala ay tinatrato din na may higit na marahas na paraan. Matapos ang mahigit limang dekada sa ilalim ng kasalukuyang rehimen ng kanyang anak na si Bongbong Marcos Jr., mahalagang itanong ano nga ba ang patuloy na umiiral mula sa pamanang pasismo ng nagdaang diktadura?

Ang kalunos-lunos na bakas ng panahong ito ay makikita pa rin sa kasalukuyang panahon. Kapansin pansin ang konsentrasyon ng kapangyarihan, korapsyon, ang pagsulong sa dayuhang interes, at ang mapanupil na estado. Kung sa panahon ng ama niyang si Marcos Sr. ay naging malawakan ang pagkamal ng pondo ng bayan na naging batayan ng kasong ill-gotten wealth, sa kanyang pamamalakad naman ay nananatiling malalim ang korapsyon lalong lalo sa isiniwalat na flood control project scandal na hanggang ngayon ay wala pa ring nakukulong. Maging sa ekonomya, nagpapatuloy ang pagbibigay prayoridad sa dayuhang pamumuhunan at kapital bilang paraan ng pag-unlad. Itinutulak ngayon ang malalaking proyektong nakaugnay sa estratehikong interes ng US kagaya ng Pax Silica na malinaw na hindi nagsisilbi sa ikabubuti ng bansa. Tila mga pangakong-napako ang pag-unlad, pagkakaisa, at makataong uri lipunan sapagkat ipinagpapatuloy pa rin ang mga taktikang awtoritaryan sa pamamagitan ng mga agresibong programang kontra-insurhensya katulad ng National Action Plan for Unity, Peace, and Development program o NAP-UPD. Gamit ang dahas, ito ay may layuning patahimikin ang mga aktibista, mamamahayag, mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, at mamamayang marapat lamang na kumkontraโ€™t kumukwestiyon sa kanyang pamamalakad. Ang mga insidenteng ito, kaakibat ng โ€œred-taggingโ€ ay nagdulot ng takot sa mga organisasyon ng civil society at mga grupong nagtataguyod ng mga karapatang-pantao.

Hinding-hindi marapat makalimot ang mamamayang Pilipino sa malupit na sinapit ng bansa sa ilalim ng diktadurang Marcos Sr. at sa pagpapatuloy nito sa pamumuno ni Marcos Jr. Ang muling pag-upo ng kanilang pamilya sa kapangyarihan ay isang malinaw na hudyat upang ipagpatuloy ang paniningil ng pananagutan, ipagtanggol ang ating lupa at likas na yaman, ipaglaban ang batayang serbisyo at karapatan, at labanan ang anumang anyo ng pagsupil ng estado sa ating karapatang magpahayag, mag-organisa, at lumaban. Ang pagyurak sa karapatang-pantao ay dapat mismong yurakin at wakasan! Palaganapin ang katotohanan ng kasaysayan, isabuhay ang palabang diwa ng masa, at bitbitin ang pilosopiya ng pagpapalaya. Buong-puso dibdibin at itaguyod ang panawagan: paglingkuran ang bayan at ang sambayanan.






References:
https://ichrp.net/never-again-never-forget-ichrp-statement-on-the-52nd-commemoration-of-martial-law-in-the-philippines/

https://law.upd.edu.ph/wp-content/uploads/2020/09/UP-IHR-Martial-Law-Album-Plan.pdf

https://www.amnesty.org.ph/wp-content/uploads/2014/11/asa350011976en.pdf

๐—˜๐—ž๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ซ ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”! ๐—˜๐—ž๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง ๐—–๐—จ๐—ง๐—ฆ! ๐—˜๐—ž๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก!Sa harap ng Pax Silica, patuloy-tuloy na pagbawas sa pondo ng...
17/09/2026

๐—˜๐—ž๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ซ ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—”! ๐—˜๐—ž๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—จ๐——๐—š๐—˜๐—ง ๐—–๐—จ๐—ง๐—ฆ! ๐—˜๐—ž๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก!

Sa harap ng Pax Silica, patuloy-tuloy na pagbawas sa pondo ng edukasyon, patuloy na usapin ukol sa korapsyon, at sa bawat proyektong ipinapangakong magdadala ng โ€œkaunlaranโ€, may mga tanong na hindi maaaring iwan sa gilid: Sino ang uunlad? Sino ang makikinabang? At sino ang masasakripisyo?

๐—ž๐—”๐—จ๐—ก๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข?
Humigit-kumulang 1,600 ektarya ng lupa sa New Clark City ang pinaplanong ilaan para sa Pax Silica, isang advanced-manufacturing hub na nakaugnay sa semiconductors, artificial intelligence, at iba pang high-value industries. Ngunit, hindi abstrakto ang lupang pagtatayuan ng proyekto. Sa Capas, nagpahayag ang mga Aeta ng pangamba hinggil sa epekto ng proyekto sa kanilang ancestral domain, kabuhayan, at kapaligiran. Hindi lamang lupa ang nakataya rito, kundi ang mismong kabuhayang nakaugat sa lupa. Sa ganitong usapin, hindi maaaring ituring na simpleng โ€œdevelopment areaโ€ lamang ang teritoryong naging tahanan na ng mga komunidad na matagal nang umaasa rito.

Sa Marxistang pagsusuri, hindi neutral ang produksyon at pag-unlad. Nakaugat ang mga ito sa relasyon ng lupa, paggawa, kapital, at kapangyarihan. Kaya hindi sapat na itanong kung gaano karaming investment ang maipapasok. Kailangang itanong kung sino ang kumokontrol sa mga yaman na gagamitin, sino ang makikinabang sa kanilang produksyon, at sino ang sasalo sa kanilang gastos.

Hindi rin hiwalay ang Pax Silica sa mas malawak na ugnayan ng Pilipinas sa dayuhang kapital. Hindi nangangahulugang bawat investment ay awtomatikong mapagsamantala, ngunit kung ang tinatawag na pag-unlad ay nakasalalay sa pangangamkam ng lupa at paggawa habang ang mga komunidad ay nananatiling nanganganib, nararapat lamang siyasatin kung kaninong tunay na interes ang pinaglilingkuran ng pag-unlad.

๐—ฃ๐—ข๐—ก๐——๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ž๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข?
Sa panukalang 202 budget, bumaba ng โ‚ฑ2.95 bilyon ang alokasyon para sa UP System, mula โ‚ฑ29.47 bilyon noong 2026 tungo sa โ‚ฑ26.53 bilyon ngayon. Ano ang paliwanag ng estado? Ito ay bahagi ng pagbabawas para sa pagkumpleto ng ilang proyektong pinondohan noong nakaraang taon.

Ngunit para sa isang pampublikong unibersidad, hindi simpleng numero lamang ang pondo. Ito ay bumubunga sa kakulangan sa mga silid-aralan, pasilidades, scholarships, research, at mga kondisyong nagpapahintulot sa edukasyon upang maging publiko.

Kasabay nito ang mas malawak na usapin ng korapsyon at pananagutan. Kung limitado ang pampublikong yaman, lalong kailangang malinaw kung saan ito napupunta at kung sino ang mananagot kapag ito ay inaabuso. Kung may perang sinasabing kapos para sa pampublikong edukasyon, samantalang patuloy na itinutulak ang malalaking proyektong nakasandig sa pamumuhunan at dayuhang kapital, hindi maiiwasang suriin ang mga prayoridad na gumagabay sa paggamit ng yaman ng bayan.

๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—จ๐—ง๐—ข๐—Ÿ ๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—œ๐—ก๐—จ๐—ง๐—จ๐—ง๐—ข๐—Ÿ
Noong Septyembre 10, sa LEC Investors Forum sa Grand Hyatt Manila, naulat ang pag-aresto sa limang paralegal at pagkakasugat ng 27 katao matapos ang dispersal ng protesta. Mahalaga ang insidenteng ito hindi lamang dahil sa mismong pangyayari, kundi dahil ipinapakita nito ang mas malawak na tanong: ano ang puwang ng pagtutol sa mga desisyong may epekto sa buong sambayanan?
Ang isang pamahalaang nagsasabing ang mga proyekto nito ay para sa publiko ay dapat ding handang humarap sa publiko kapag kinukuwestiyon ang mga proyektong ito.
Kaya hindi hiwalay na usapin mula sa mga komunidad na humaharap sa panganib ng displacement, sa mga estudyanteng nakararanas ng kakulangan sa pampublikong pondo, o sa mga mamamayang humihingi ng pananagutan sa paggamit ng yaman ng bayan. Ang mga ito ay magkakaugnay na tanong tungkol sa kung sino ang may kapangyarihang magtakda ng direksyon ng ating lipunan.
Bilang isang organisasyong pang-pilosopiya, kinikilala ng UPLB Sophia Circle na ang tungkulin ng pilosopiya ay hindi lamang nakukulong sa pag-aaral ng mga teorya. Tungkulin din nitong suriin kung paano gumagana ang mga ideya sa totoong mundo. Ang โ€œkaunlaran,โ€ โ€œpamumuhunan,โ€ at โ€œpambansang interesโ€ ay hindi mga salitang dapat basta na lamang tanggapin. Kailangang itanong kung sino ang saklaw ng mga ito, sino ang naiiwan, at sino ang may kapangyarihang magtakda ng direksyon ng ating lipunan.
Sa harap ng Pax Silica, budget cuts, korapsyon, at panunupil sa pagtutol, malinaw ang tunggalian: habang hinihingan ng pagtitiis ang mamamayan, patuloy na ipinagkakaloob ang yaman at espasyo ng bayan sa mga proyektong hindi naman sila ang pangunahing nagpapasya. Habang kinukulang ang pampublikong edukasyon, patuloy na may perang inilalagak sa mga proyektong ipinapangakong para sa kinabukasan. At habang nagtatanong at tumututol ang mamamayan, ang kanilang mga tinig ay pinipigilan.
Imbes na tulungan ang mga nangangailangan nating mga kababayan, ang estado ay patuloy pa rin ang pagsasawalang-bahala sa mga pangangailangan ng mga katutubo at manggagawang Pilipino. Pโ€™wes, tama na! Makiisa at makibilang na sa pagtanggi sa lumalalang pang-aalipusta sa mga Pilipino!

๐—ง๐—”๐— ๐—” ๐—ก๐—”! ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ž-๐—ข๐—จ๐—ง ๐—ก๐—”!








โ€”

REFERENCES
Bases Conversion and Development Authority. โ€œMap of the Pax Silica Hub in New Clark City.โ€ Freedom of Information Philippines, June 8, 2026.
GMA News Online. โ€œFearing for ancestral land, Aetas from Capas urge Pax Silica cancellation.โ€ August 6, 2026.
International Coalition for Human Rights in the Philippines. โ€œFive Paralegals Arrested, 27 Injured during Protest at Luzon Economic Corridor Investors Forum.โ€ September 10, 2026.
Philippine Information Agency. โ€œPBBM infrastructure push positions New Clark City for high-value industries, investments.โ€ September 13, 2026.
Philippine Star. โ€œFarmers, Aeta group push petition vs Pax Silica.โ€ August 10, 2026.
Presidential Communications Office. โ€œSpeech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Luzon Economic Corridor (LEC) Investment Forum.โ€ September 10, 2026.
United States Trade and Development Agency. โ€œUnited States, Philippines, Japan Host Inaugural Luzon Economic Corridor Investment Forum in Manila.โ€ September 10, 2026.
Daily Tribune. โ€œMarcos cut P11-T 2027 budget requests to P7.2T โ€” Palace.โ€ August 13, 2026

Kung may nami-miss, bakit hindi balikan? ๐Ÿ˜Taos-pusong nagpapasalamat ang ๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—• ๐—ฆ๐—ผ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ฎ ๐—–๐—ถ๐—ฟ๐—ฐ๐—น๐—ฒ sa lahat ng dumalo, nakipagk...
14/09/2026

Kung may nami-miss, bakit hindi balikan? ๐Ÿ˜

Taos-pusong nagpapasalamat ang ๐—จ๐—ฃ๐—Ÿ๐—• ๐—ฆ๐—ผ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ฎ ๐—–๐—ถ๐—ฟ๐—ฐ๐—น๐—ฒ sa lahat ng dumalo, nakipagkwentuhan, at namilosopiya kasama namin sa ๐—•๐—˜๐—˜๐—ฅ๐—Ÿ๐—ข๐—ฆ๐—ข๐—ฃ๐—›๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ: โ€œ๐—”๐—ต, ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ-๐—จ๐—ฃ ๐—ธ๐—ฎ? ๐—˜๐—ฑ๐—ถ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ?โ€ ๐Ÿป๐ŸŒป

Ang ๐™ฎ๐™š๐™–๐™ง๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ namin for todayโ€™s vidyow? Sanaโ€™y nag-enjoy kayo, may napulot na aral, at may mga naiuwi kayong alaala na hindi ninyo malilimutan. ๐Ÿ‘ป

OH, eto oh, ๐‘ด๐‘ฌ๐‘ซ๐‘จ๐‘ณ. ๐Ÿฅ‡ Hawakan mo lang โ€˜yanโ€ฆ dahil baka ang susunod na ๐’–๐’๐’๐’Š ๐’”๐’‰๐’๐’• ๐’‘๐’–๐’๐’ ay paparating na. ๐Ÿ‘€๐Ÿป

Hanggang sa muli, iskx!



๐™„๐™Ž๐™†๐™Š๐™‡๐˜ผ๐™ ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฟ๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™Š ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™‡๐˜ผ๐˜พ๐™† ๐™๐™๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™” ๐™‹๐™๐™Š๐™๐™€๐™Ž๐™! ๐™๐™๐™๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™“ ๐™Ž๐™„๐™‡๐™„๐˜พ๐˜ผ ๐˜ผ๐™ ๐™‡๐™๐™•๐™Š๐™‰ ๐™€๐˜พ๐™Š๐™‰๐™Š๐™ˆ๐™„๐˜พ ๐˜พ๐™Š๐™๐™๐™„๐˜ฟ๐™Š๐™!Hanggang ngayon, pat...
11/09/2026

๐™„๐™Ž๐™†๐™Š๐™‡๐˜ผ๐™ ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฟ๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™Š ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™‡๐˜ผ๐˜พ๐™† ๐™๐™๐™„๐˜ฟ๐˜ผ๐™” ๐™‹๐™๐™Š๐™๐™€๐™Ž๐™! ๐™๐™๐™๐™๐™‡๐˜ผ๐™‰ ๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™“ ๐™Ž๐™„๐™‡๐™„๐˜พ๐˜ผ ๐˜ผ๐™ ๐™‡๐™๐™•๐™Š๐™‰ ๐™€๐˜พ๐™Š๐™‰๐™Š๐™ˆ๐™„๐˜พ ๐˜พ๐™Š๐™๐™๐™„๐˜ฟ๐™Š๐™!

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ ng US sa ating bansa at politika, habang ๐˜€๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ฑ-๐˜€๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป naman ang ating gobyerno sa mga interes nito. Mula sa mga military bases tulad ng EDCA sites, joint military exercises tulad ng Balikatan, at ngayon, ang umaambang ๐—ฃ๐—ฎ๐˜… ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ sa Luzon.

Habang ang mga katutubong naninirahan sa lupang pagtatayuan ng Pax Silica ay ๐—บ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, limpak-limpak namang yaman ang aanihin ng mga naghaharing-uri.

Isang kasuklam-suklam na katotohanan din na ginagamit ng US ang proyekto upang higit pang palakasin ang kapasidad militar nito at paghandaan ang mga ๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ilulunsad laban sa kapwa nitong imperyalista.

Malinaw na ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ. Sa halip, patuloy nitong niyuyurakan ang ating soberanya at mga batayang karapatan, habang inilalagay sa panganib ang buhay at kabuhayan ng bawat Pilipino.

Kaya naman, inaanyayahan ang bawat Iskolar ng Bayan na makihanay at makiisa sa ikakasang
๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐˜€๐˜!

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ-๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿฏ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐—  ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—บ! Sama-sama nating ipanawagan at ipaglaban ang pagtigil ng Pax Silica at Luzon Economic Corridor!

๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ฅ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก, ๐——๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—ข ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—ข!

Photo credits:
Daily Tribune
Southern Tagalog Exposure
Tanglaw




๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ธ ๐—บ๐—ผ? ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ? ๐—”๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ? ๐ŸคฉLook no ...
03/09/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐˜ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ธ ๐—บ๐—ผ? ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฎ๐—ผ? ๐—”๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ? ๐Ÿคฉ

Look no further because the premier socio-academic philosophical organization here at UPLB will have its special orientation today (yes, TODAY!) just for youuu ๐ŸŒŸ๐Ÿ’ญ

๐Ÿ“๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ง๐—›๐—จ๐—ฅ๐—ฆ

Kindly answer the form below so we can discuss availability! Face-to-face sessions are highly encouraged; see you iskx!!

๐Ÿ”— https://forms.gle/5PrR6pwjyrQvijoFA
๐Ÿ”— https://forms.gle/5PrR6pwjyrQvijoFA
๐Ÿ”— https://forms.gle/5PrR6pwjyrQvijoFA

Ano kaya thought process ng mga nagamit ng AI para gumawa ng caption? ๐Ÿค”๐Ÿ‘พWe could generate an answer, ๐—ฏ๐˜‚๐˜ ๐˜„๐—ฒ'๐—ฑ ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜€๐—ธ...
31/08/2026

Ano kaya thought process ng mga nagamit ng AI para gumawa ng caption?
๐Ÿค”๐Ÿ‘พ

We could generate an answer, ๐—ฏ๐˜‚๐˜ ๐˜„๐—ฒ'๐—ฑ ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜€๐—ธ ๐˜†๐—ผ๐˜‚. Welcome to UPLB Sophia Circleโ€™s 1st Semester Orientation! Join us for a philosophical night as we discuss the questions behind AI, no captcha required๐Ÿšฆ๐Ÿšฒ

AIโ€™LL SEE YOU ONโ€ฆ:
๐Ÿ“๐‰๐š๐œ๐ช๐ฎ๐ž๐ฌโ€™ | FP Perez Building, Lopez Ave (in front of Centtro Mall)
๐Ÿ“† ๐–๐ž๐, ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ
๐Ÿ•– ๐Ÿ•๐๐Œ

Dinnerโ€™s on us for the first 20 registrants! ๐Ÿฝ๏ธ Wag ka mag-alala, sagot na rin namin yung tubig basta โ€˜di ka muna magpapa-generate ha? Baka maubusan na tayo ng panligo niyan๐Ÿ’ฆ๐Ÿ˜ถโ€๐ŸŒซ๏ธ

And honestly? Thatโ€™s so real.

Register through the links below:
๐Ÿ”— https://forms.gle/NYLsVv2aoWxK7a6m9
๐Ÿ”— https://forms.gle/NYLsVv2aoWxK7a6m9
๐Ÿ”— https://forms.gle/NYLsVv2aoWxK7a6m9



28/08/2026

Address

University Of The Philippines/Los Banos, College, Los Baรฑos, Laguna
Los Baรฑos
4031

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPLB Sophia Circle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The University

Send a message to UPLB Sophia Circle:

Shortcuts

Share