31/10/2025
Buong puso naming sinusuportahan ng UP Soil Science Society ang konkretong hakbang patungo sa implementasyon ng Sagip Saka Act
Bilang organisasyong naninindigan para sa kapakanan ng mga magsasaka, naniniwala kami na ang batas na ito ay konkretong hakbang tungo sa mas makatarungan, mas produktibo, at mas sustenableng sektor ng agrikultura.
Kasama ng ating mga magsasaka at mangingisda, itinataguyod ng UPSSS ang adbokasiyang naglalayong itaas ang antas ng kabuhayan sa kanayunan at palakasin ang ugnayan ng mamamayan sa lokal na produksyon ng pagkain.
Ang pag-angat ng magsasaka ay pag-angat ng bayan.