21/09/2026
Limampuโt apat na taon na ang lumipas mula nang ideklara ang Batas Militar sa Pilipinas noong Setyembre 21, 1972. Sa ilalim ng rehimeng Marcos, libo-libong Pilipino ang inaresto, ikinulong, tinortyur, pinaslang, at sapilitang nawala. Mahigpit ding sinupil ang malayang pamamahayag, pagpapahayag, at pagtitipon. Ang mga paglabag na ito ay hindi haka-haka o kathang-isip sapagkat kinilala at dokumentado ang mga ito, kabilang sa ilalim ng Republic Act No. 10368 na nagtakda ng pagkilala at reparasyon para sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng diktadurang Marcos.
๐๐๐,๐๐๐ ang naitalang pangunahing biktima ng paglabag sa karapatang pantao. ๐๐,๐๐๐ ang ikinulong dahil sa kanilang mga pampulitikang gawain. ๐๐,๐๐๐ ang dumanas ng tortyur. ๐,๐๐๐ ang naging biktima ng tinaguriang โ๐ด๐ข๐ญ๐ท๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ.โ ๐๐๐ ang naitalang sapilitang pagkawala mula 1965 hanggang 1986. ๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ang pambansang utang na iniuugnay sa pagtatapos ng panahong ito habang $๐๐๐ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง na halaga ng mga ari-ariang konektado sa mga Marcos ang idineklarang ill-gotten. At tinatayang $๐-๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง naman ang halagang sinasabing naipon bilang ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Sa ilalim nina Rodrigo Duterte at Ferdinand Marcos Jr., patuloy na naitala ang mga paglabag sa karapatang pantao, kabilang ang mga pamamaslang, sapilitang pagkawala, red-tagging, at pananakot sa mga kritiko at aktibista. Sa ganitong mga pangyayari, nananatiling mahalaga ang pag-alala sa kasaysayan at pagkilala sa mga anyo ng pang-aabuso ng kapangyarihan na patuloy na kinakaharap ng mga Pilipino.
Sa ngalan ng lahat ng naging biktima ng pasismo at karahasan, ang ๐๐ ๐๐จ๐ง๐๐จ๐ซ๐๐ข๐ ๐๐๐ข๐๐ง๐ญ๐ข๐ ๐๐ง๐ข๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ฌ ay mariing naninindigan para sa pag-alala sa katotohanan, pagtatanggol sa karapatang pantao, at pagtutol sa anumang anyo ng panunupil at pang-aabuso ng kapangyarihan.
Bilang isang organisasyon ng mga mag-aaral ng agham panghayupan, naniniwala kami na ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkatuto ng agham. Kasama rito ang pagkatutong kumilala sa katotohanan, magtanong sa harap ng kapangyarihan, at hindi manahimik kapag nilalabag ang dignidad ng kapwa.
Mula kay Marcos Sr. hanggang kay Marcos Jr. at Duterte, walang pinag-iba! Kapangyarihang ginagamit upang patahimikin ang mga bumabatikos, yurakan ang karapatan, at takutin ang mga lumalaban. Hindi mabubura ang mga pangalan at hindi mababago ang kasaysayan. Alalahanin ang mga biktima at ipaglaban ang katotohanan. Sapagkat ang paglimot sa nakaraan ay nagbibigay-daan upang maulit ang kasaysayan. NEVER AGAIN, NEVER FORGET.